Hindi ko alam kung anong klase ng magic sarap ang meron siya dahil halos malasahan kong muli ang pagkasuklam dahil sa pagmumukha niyang scammer.Dahil doon ay muli rin nanumbalik sa akin ang mga ala-ala noong araw na mapunta ako sa panahong hindi ko pamilyar. Mula sa nasaksihan kong gyera sa pagitan ng grupo ng mga sudalo at mga kulisan, hanggang sa ginawa kong pagbato ng itak sa taong kaharap ko ngayon. At sa kasamaang palad ay hindi ko inaasahang mapaanib sa mga rebelde dahil sa ginawa kong yun. At hindi rin ako nagkakamaling sa mansyon 'yun ni Mr. Soriano naganap lahat.
Napatitig ako sa lalaking hanggang ngayon ay nakatingin sa'kin. Gustuhin ko mang isiping na-starstruck siya sa'kin ngayon subalit alam kong malayong malayo 'yon sa totoong nangyayari. Nakakunot ang kanyang noo, bagay na lagi kong nakikita sa kanya bukod sa blangko nyang ekspresyon. Maya-maya ay pilit niyang pinaniningkit ang kanyang mga mata, animo'y parang may pilit inaalala.
Hindi kaya namumukhaan niya ako? Nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi imposibleng mangyari yun kaya naman nagkunwari akong may sakit, at pilit at sunod sunod akong nagpakawala ng ubo, at pagkatapos ay tumalikod.
"Binibining Bella, ayos lang kayo?" Nagaalalang tanong sa akin ni Kario. Umiling lang naman ako bilang tugon habang hindi parin matinag sa pag-ubo. Para naman kapanipaniwalang may sakit talaga ako.
"Naku! Palabasin niyo ang babaeng iyan. Baka mahawaan tayo ng sakit." Rinig kong wika ng isang ginang na animo'y tarantang taranta. As if naman may sakit talaga akong nakakahawa. Ang oa!
"Tara na po, binibini." Inaya na ako nina Kario at Tinang na lumabas sa tindahan kaya wala na akong ibang ginawa kun'di sumunod nalang. Nang makalabas kami sa tindahan ay nakita ko ring sumunod si Lucas- I mean si heneral kung tawagin nila dito sa panahong ito. Agad din namang sumunod sa kaniya ang mga tauhan niyang sundalo na kanina lang ay naka-standby sa harap ng tindahan. At ilang saglit pa ay umalis na ang mga ito habang nauuna sa paglalakad ang kanilang lider. Nang tuluyan na silang makaalis ay doon lang ako nagsalita.
"Sino ang heneral na iyon at bakit parang takot sa kaniya ang mga tao?" Tanong ko sa dalawa kong kasama.
"Siya po si Heneral Nazario Alcaraz. Kilalang masungit at strikto ang heneral kaya kahit sino po ay matatakot sa kaniya." Sagot sa'kin ni Kario. "Teka, hindi po ninyo siya nakikilala?" Dagdag pa nito at nagtanong nang siguro'y mapansing hindi ko kilala ang heneral.
Oo nga pala, sa pagkakaalam nila sa akin ay isa akong espiya na pinadala ng kung sino mang pinuno ng mga tulisan upang magmatyag sa kilalang heneral ng bayan. At no choice naman ako kun'di sakyan nalang ang trip nila upang mapanatili ko ang proteksyon ko sa sarili. Dahil baka sa kalsada nalang ako pupulutin kung sakali at baka dito pa ako mamatay sa gutom. Kaya kailangan ko sila upang makapag survive dito sa panahong ito hanggang sa masagot lahat ang mga katanungan ko kung bakit at papaano ako napunta rito, at higit sa lahat ay kung bakit merong kamukha si Lucas sa panahong ito. Anong ibig sabihin n'on?
Nagsimula akong maglakad at sinudan ang daan kung saan tumungo ang grupo ng mga gurdia civil sa pangunguna ni heneral Nazario. Ngunit nakaramdan ako ng mga kamay na humawak sa magkabila kong kamay na siyang nakapagpatigil sa akin.
"Teka, binibini. Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Kario. Kaya sinabi ko sa kanila kung saan ko balak pumunta.
"Huwag, binibini. Baka malaman nilang isa kang espiya."
Dahil sa sinabi ni Tinang ay napaisip ako. May point siya at alam kong mabigat ang mga ipinapataw na parusa sa mga nahuhuling espiya sa panahong ito kung saan namumuo palang ang grupo ng mga rebelde. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwedeng ibigay na role sa'kin, bakit spy pa? Hindi ba pwedeng maging maganda nalang ako sa panahong ito?
"Ayan, perfect!" Natutuwa kong tinignan ang dalawa kong obra maestra. Umikot ikot sila sa harapan ko at maski ako ay nadala sa mga hitsura nila.
"Sigurado ho ba kayo na hindi tayo mahuhuli rito?" Tanong ni Kario. "Natatakot po kasi ako para sa amin ni Tinang," dagdag pa niya.
"Huwag kayong mag-alala. Basta gawin niyo lang ang sinabi ko sa inyo at ako na ang bahala sa lahat."
Dahil sa naging problema kanina ay kaagad naman akong nakaisip ng paraan upang hindi kami paghinalaan ng mga gurdia civil. At dahil mga bata ay mabilis ko namang nauto yung dalawang kasama ko. Napapayag ko lang naman silang maging sidekick ko sa special mission na gagawin ko kuno. At ang plano namin ay manlilimos sa heneral bilang isang palaboy-laboy na mag-iina at ang mga anak ko ay bulag at may kapansanan. Hindi ko nga alam kung saan ko yun pinagkukukuha basta iyon nalang ang naisip kong mas madaling solusyon. Bale ii-scam lang naman namin ang heneral ng slight. At upang magmukhang kaawa-awa at maging kapani-paniwala ang aming lagay ay nilagyan ko rin ng dumi ang aming mga damit at sinadya ko ring guluhin ang aming mga buhok. Binalutan ko rin ng tela na mula sa suot kong saya ang aking ulo na parang animoy parang katatapos lang operahan.
Nagsimula na kami sa aming plano. Kaagad namin tinungo ang lugar kung saan papunta ang grupo ng heneral. Naabutan naman naming papasok si heneral Nazario sa isang mansyon, sa mansyon ni Mr. Soriano. Ang mansyon kung saan ako dinala sa panahong ito at hindi ko alam kung papaanong nangyari 'yun.
Nang makarating kami doon ay agad ko ng sinimulan ang plano.
"Palimos po," wika ko sa nakakaawang boses. Mabuti nalang at may talent talaga ako sa pagaacting.
Agad naman kaming hinarang ng dalawang guardia na nakatambay sa labas ng gate ng mansyon. Pasimple akong sumilip sa loob at kita kong naglalakad ang heneral paakyat sa hagdan sa entrance ng makalumang bahay.
Bahagya ko namang siniko si Kario, tanda na siya na ang susunod na aacting. Ngunit nataranta siya sa ginawa ko kaya nahulog nito ang hawak niyang stick na magpapatunay na isa syang bulag. Kaagad namang pinulot iyon ni Tinang gamit ang isa niyang kamay dahil ang isa ay nakatago sa loob ng kanyang damit na siyang nagpapatunay din na siya'y may kapansanan.
Umubo-ubo si Kario at kasunod niyon ay si Tinang naman ang nagsalita na kahapon pa ito nagugutom at walang makain.
Nagpalitan ng tingin ang dalawang guardia sa harap namin at kapagkuwan ay pumasok ang isa at dali-daling hinabol si heneral Nazario sa loob. Medyo natagalan pa ang guardia dahil tuluyan ng nakapasok ang heneral sa loob ng mansyon. Habang naghihintay ay napansin ko na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga taong napapadaan sa kalsada. Pero hindi ko na sila pinansin dahil matamang nakatigin sa'min ang guardyang naiwan sa may gate. Medyo scary huhu.
Ilang saglit pa ay natanaw ko na ng bahagya ang bulto ng heneral. Dali-dali naman kaming umayos ng tayo ng mga bata. At nang lumitaw na nang tuluyan ang kanyang mukha ay muli kong ibinalik ang ekspresyon na nakakaawa.
"Aquí están, señor. (Here they are, sir)." Ani ng gwardyang sumundo sa kanya sa wikang hindi ko maintindihan. Ano 'yun? French ba 'yun?
Matapos nyan ay lumapit pa ito ng bahagya sa heneral at bahagyang yumuko, animo'y bubulong.
"Mukhang mga baliw ho yata."
HA?! Balak ko sanang sigawan at tanungin yung gwardya kung mukha ba akong baliw pero naisip ko na huwag nalang at baka masira pa ang plano ko na makalapit kay heneral Nazario.
Pinilit ko nalang iyon na huwag pansinin. Muli kong itinaas ang mga palad ko at nanlimos sa heneral.
"Palimos po heneral. Baka pwede niyo naman kaming tulungan ng mga anak ko." Sabi ko at saka nag puppy eyes a harapan niya.
"Iniwan na po kasi kami ng asawa ko at sumama na sa ibang babae. Kinalimutan na niya kami, hayop siya!"
Tinitigan niya ako ng mariin kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili na huwag mailang. Ayan na naman siya sa pagtitig niyag yan eh! Kaya niya ako na scam.
Dahil doon ay napatunayan ko na halos magkasing mukha talaga sila ni Lucas. Maski ang nunal sa tungki ng kanyang ilong ay kuhang kuha niya. Hind ko tuloy maaiwasan na muling alalahanin at panloloko at ginawang pagpapaasa sa akin.
"Sumama na siya sa ibang honeybun niya."
BINABASA MO ANG
The Sassy Katipunera
Historical FictionPlaced at top most beautiful faces and being the sassy chic in town, Bella Louisa Rodriguez is obsessed to try being one herself in order to keep her title and maintain her classy and majestic image in public. From hundreds to thousands of likes an...