*MAXX POV*
Antagal matapos ng practice. Andaming kaek-ekan. Hays.
Btw, ako nga pala si Euge Maxine Tolentino Perez. Im only 16. Dito ako sa My Prince Academy nag aaral. Graduating na. Finally! Ayoko na kasi dito. Maxi perez, my mom. Eugene perez, my dad. Alam nyo na kung san nakuha ang name ko. Hahaha.
Yung tinext ko kanina. Sya yung nanliligaw sakin dati. Ilang araw palang nung simula nang huminto sya. Sya si Rj stephen agustin. Stephen tawag ko sa kanya. AKo lang ang tumatawag ng genyan sakanya. Walang meaning yung Rj nya. Weird. Same age same school.
Malapit ng matapos ang practice.
*Tentenenen tentenenententen tenenententen tenenen tenenen tenenenen* yung pang grad song pag nagmamarch na. Hahaha.
Atlast! Tapos na.
Bumalik na kami sa kanya kanyang room namin at dahil may kasalanan pa kami. kami ang naatasang maglinis ng room.
Matatapos nat lahat lahat pinaglilinis pa rin kami. Ang masaklap super dumi ng classroom. Hayup!
Pagkalabas namin ng classroom kami na lang ang naiwan. Sadla!
Pagkalabas ko ng gate pagtingin ko wala na yung Stephen na lagi akong hinihintay sa gate. How I miss that moment. Nalulungkot na naman ako.
"Mag-uusap pa ba tayo?" Text ko sakanya.
Kasama ko ngayon ang tropa ko.
"Pre? Nag usap na ba kayo ni you know?" Tanong ni mika.
"Ni stephen? Hindi pa. Nakikipag usap nga ako e. Bali ngayon." Sagot ko.
Kaya lang. Baka malabo dahil hindi ko alam kung nasan sya. Gusto kong gagraduate ako bukas nang walang sama ng loob sa mga taong naging malapit sakin.
"O! Edi go. Sayang din kasi yung sa inyo." Sabi naman ni nadine.
"Ang hirap din kasing makipagkompetensya sa babaeng alam mo na mas angat sayo." Singit naman ni mj.
LOKaret to!para namang wala akong batbat dun sa babaeng kinahuhumalingan ni stephen ngayon. -____- pero sabagay may punto sya. Anlaki ng lamang nung babae nayon kesa sakin.
"Alam mo na andami kong nalaman tungkol sa dalawang yun. Bumalik na ata sya dun sa babaeng yun e." Singit nya pa ulit.
Pisti! Parang totoo yung mga pinagsasasabi ng tropa ko. Pero may tiwala pa rin akokay stephen. Konti na nga lang.
"Guys bili na tayo ng burger dito?" Pag iiba ko ng topic.
*bssst* *bssst* pag vibrate ng phone ko.
"Ikaw bahala. Nasa plaza kami ngayon." Text nya.
Pete naman e. Bakit parang naghahabol ako ngayon? Hayst. Tapusin ko na kaya talaga? Kung wag na kaya akong humingi ng isa pang chance? Hindi ko na alam kung ano ba sasabihin ko. Bala na nga.
"Sige. Nasa may 7/11 ako ngayon. Asan ka na ba?" Reply ko.
"Papunta na kami dyan" reply nya.
So nasa may km pala sila. Dun pala sila kumain. Hindi man lang ako niyaya. Samantalang tropa ko din naman sila. Andun si ned. Si ander. Si essa. Hayss.
Habang naghihintay ako kina mj. Andun kasi sila bumibili ng burger. Biglang dating nila rj.
Sheeeeeet! Kinakabahan ako. ANo sasabihin ko?
"Max! Andyan na sya. Mag usap na kayo." Sabi ni mj.
Halaaaaaa. Mamaya na. Bubwelo muna ako.
"Maybe later. Im gonna eat for a while." Sabi ko. Hahays.
What to do! Please cupid! Please guide me. Huhuhu.
Kain kain habang sila naghihintay.
"Grabe kayo hindi man lang ako niyaya na kakain pala sa km. Tss" sabi ko kay ned.
Totoo naman e. Kakatampo. Buti na nga lang nakita ko sina mj e. Kundi bka umuwi ako ng kaawa awa wala man lang kasama. Tss.
"Luh? E kasama mo iba mong tropa e." Sabi nya pa.
Tanga ka ba? Kanina hindi ko sila kasama. Boplaks naman.
"Kanina ho kaya wala akong kasama. Buti na nga lang nakita ko sila e." Hayssss.
Yae na nga Kasama ko naman tunay kong tropa e. Actually we became trops because of stephen. Nung niligawan nya ako ayun. Nabuo tropa ko with essa, ned and kuya ander. BUt the truth is sina mj, nadine, at mika ang tropa ko talaga.
__________________________
hi there! Hihihi.
Eat.eat. ❤
-kwekwek.