*STEPHEN'S POV*
Tinitingnan ko lang si Euge ngayon. Ang ganda nya kasi talaga e. Nagsasalita yung mama nya sa unahan. Hindi ko nga magets gets ang mga pinagsasasabi e. Distracted ako sa babaeng tinitignan ko ngayon.
Tinitingnan ko lang sya habang masaya nyang kinakausap ang tropa nya. Pero kahit ganun ramdam ko pa rin yung pagkalungkot nya sa mga mata nya. Yung mata nya pag tiningnan mo mamamangha ka. Ang ganda kase e. Yung color brown na iba sa lahat. Basta.
Ako nga pala si Rj stephen agustin. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Rein jane, my mom. Wag nyo ng tanungin ang dad ko. Matic na kung san nakuha ang pang alien kong name. Kaya lang yung stevhen... basta.
Nanligaw ako dati kay euge. AKo lang ang tumatawag sakanya ng ganyan kasi kilos lalaki sya. Bagay sakanya. Tsk.
Huminto sya. OO! SYa ang huminto. Sya ang umayaw. AKala nyo ako! Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit sya sumuko. Tapos ang labas sa tropa nya ako yung may kasalanan. Hindi ko nga sya sinukuan dahil sa mahal ko sya. Pero bakit sya? Sumuko agad sya. OO! Maraming beses na akong nag attempt sumuko pero dahil sa pinsan ko pinamukha nya sakin lahat. Kaya yun hindi ko na nagawang sumuko dahil alam kong magiging matatag kami dahil sa mga away bati away bati namin.
Ang alam ko sya na talaga! Sya yung babaeng sineryoso ko dahil iba sya sa lahat. Sakanya ako tumagal. Hindi kasi ako nag sasawa sakanya. She's very different among the other girls that ive met before. Napaka alien nya.
Sya yung tipo ng babaeng makakajamming mo sa lahat.
Maganda boses, yung talento nya na yun ay hindi nya makita kita. maganda, maliit oo. Hindi sya katangkaran. Sakto lang naman yung height nya para sa katulad ko. Sabi nga, ang matangkad na lalaki at ang kapartner nya na maliit na babae ay ang best at cute na couple sa lahat.
Yung babaeng maraming kaclose na lalaki. Pano ba naman? Mas lalaki pa sakin. Dati nga napagkakamalan ko syang tibo. Yung kilos din kasi. Pati na rin yung boses. Hays. HIndi sya katulad ng iba na palaayos. Lagi ngang nakapuyod yung buhok nya. Yung feeling na ang ganda ganda nya kapag nakalugay ang buhok. Kaya lang hindi nya yung makita kita sakanya. Pahumble pa kasi.
SYa rin yung mahilig sa kwekkwek. Ayaw na ayaw nyang bumibili ng ice cream. Dahil ang baboy nya kumain at ang tagal pa. Minsan nga ako umuubos ng tira tira nya e. Ayaw na ayaw nya din bumibili sa mga 7/11, ministop at kung saan na piling nya pang sosyal. Ewan ko ba dun. Napakasimple kasi. Ewan ko ba kung bakit ako naattract dun.
Ansarap sarap nya kasing alagaan. Ang sarap nyang protektahan. ALam ko kaseng kahit antapang tapang nun sa labas, sobrang hina naman sa loob. ALam ko ding mabait yun.
Napaka pride din nun. Supeeeeeer! Napaka astig nga nun e tsaka malupet. HIndi rin sya mahilig mag sorry. Ibang iba yung pananaw sa buhay. Eto nga yung tumatak sakin e,
"Bakit sa tingin mo ba maayos pa lahat kapag nagsorry ka?"
Tindi diba. Eto pa,
"Hindi ako pinalaki ng magulang ko para lang magkaroon ng pakealam sa iba at intindihin ang problema nila"
Tsk.tsk.
Ubod din yun ng sweet! Grabe! Hahaha. HIndi sya sweet. KAasar nga e. Pero mas okey yun dahil pag sya naging sweet. Grabe! KIlig to the bones. Damang dama ko. HAys. KAya lang wala na e.
"Woooow! Ang astig ng pamilya nila!" Sabi ni michael.
Luh? Pamilya nino?
Hindi ko na namalayan na tapos na pala mag speech yung mom ni euge. Teka bat nga pala sya nag speech? NUng meron?
