Habang nasa jeep ako hindi ko mapigilan na hindi mabalikan lahat ng magagandang memories namin together.
Yung paghatid sundo nya sakin. Mangungulit pa sya sakin na ihatid ako. Tapos ako naman hindi makahindi kase makulit sya masyado. Tapos yung sasakay kami sa jeep, magkatabi kami sya yung mahilig humawak sa kamay ko. Tapos ako naman yung mahilig humawak sa likod nya, sa may part ng bewang. How I miss that moment. Alam ko kasing kinikilig sya pag ginagawa ko yun. Yung hanggang sulyap lang sya sa malayo dahil hindi pedeng lumapit sya sa may tinitirahan kong subdivision Dahil baka magsumbong yung mga friends ni dad na guards. Huhu. Before sya umalis lagi nya akong hinahug at kinikiss sa forehead. How sweet. At napakagalang pa. :(
Yung sabay kaming umuwi lagi. Na minsan napapahapon dahil sa kung saan saan pa kami nagsususuot. One time pa nga nun, nag comp kami. Tuturuan nya ako mag dota kaya lang hindi ako makapagfocus kasi distracted ako sa presensya nya. Tapos may nakakita sa amin nun na ka-schoolmate namin. Inakala tuloy na nagdedate kami. Tapos, pag wala nang mapuntahan dumidiretso kami sa may coffeery. That place where you can find diff. Style of coffee. Ang sasarap na kakaGV. Meron din ditong mini library. Ang fav. Nya pa nga na basahin ay yung tungkol sa science, psychic techniques and chuchu eklavung mga aliens. I do believed that aliens do exist. He's one of the evidences. Chos! Ako naman wala akong mabasa. Kasheeee nga diba distracted. Arti! Arti. Hihi.
Sya yung ginagawa akong mahirap. Haha. Pano ba naman? Buhay prinsesa ako pag kasama ko yun. Sya lang gumagastos ng pagkain namin, pamasahe, at kung ano pa.
Sya yung mahilig mangiliti sa kilikili. Ako naman si laging naka "ano ba stephen! Nakakaasar" lagi nya akong inaasar through that alam nya kasing asar talo ako pag dating sa kilikili. Nakakahiya kaya. Naiintimidate ako.
Sya yung laging nakahawak sa tyan ko akala mo naman may makakapang tabs. Excuse me! Im too sexy to have that. Ewan. All I knew is whenever he does that he feels that hes hugging me. Ewan lang. Pero gusto ko din.
Sya din yung mahilig yumakap. Lalo na yung kapag malapit na akong umuwi. Nasa bahay kaming magtotropa kami nina ned. Tambay. Tapos magkakaayaan sila na magbasketball, sa labas yun. Nagpapaiwan si Stephen. Tapos yun solo kami. "Last na natin to kaya dapat sulitin na" dyan kami nagkakasundo. Sinabi ko kasi sakanya yan. Pag magkasama kami alam na ng isat isa ang takbo ng pag iisip namin at yung yung kelangan pag magkasama dapat sinusulit lahat. Lagi nya akong niyayakap. Syempre. ANg tanga ko naman kung wala akong maramdaman na kilig.
Sya yung seloso, napakapossessive. Gusto nya sya lang yung lalaking close ko. Pero kahit naiinis ako sakanya hindi ko magawang kamuhian sya. Why? Dahil tinuruan nya ako kung paano ulit magmahal. I was once a weak and coward girl back then. Pinaexperience nya sakin yung mga bagay na hindi ko pa naeexperience. Naging masaya ako sakanya. Kahit nakakagalit yung pagiging possessive nya hindi ko sya pinagsalitaan ng mga kalait lait at masasamang salita sakanya. Never ko syang kinumpara sa ibang lalaki na nakilala ko. Dahil kakaiba sya sa lahat. Effort kung effort. Love kung love. But, I think kulang pa sya sa mature. There are still a lot of things na hindi nya maintindihan. Ewan ko ba.
_____________________________
Ansaqute. <///33 Hindi yung feeling na mareject. Masakit yung marinig mong ayaw na nya sayo. Masakit yung marinig na napagod na syang suyuin ka. Masakit lahat ng sinabi nya. ANo lang ba yung nagawa ko? Kung tutuusin sya yung may dahilan ng lahat. Pero siguro nga, siguro nga. Were not meant to be. Pinagtagpo lang kami pero hindi itinadhana.
FINALLY! ITS OVER.