ZERO POV:
"HAHAHAHAHAHA"
Kanina pa ako tinatawanan ni coil at ni rex at hanggang ngayon hindi pa nila ako tinatantanan.
"Minulto ka ba kagabi zero? HAHAHAHA" tawang tanong ni Coil sabay hawak sa tyan nya.
"Shut up! Battle ngayon paghindi kayo tumigil kakaasar sa akin kayo ang bugbugin ko." inis kong sabi.
Kanina pa sila simula ng sinundo nila ako sa dorm. Papunta na kami sa Battle Arena na nasa underground.
"Sinapak ata si Zero ni Sadako HAHAHA." rex.
Napahawak ako sa kaliwang mata ko "Aww." daing ko.
Dapat hindi ko inasar ang babaeng yun at ngayon battle maraming makakakita sa akin. Tsk.
May limit din pala ang babaeng yun pagnaasar pagnakita ko yun mamaya ewan ko lang kung anong gagawin ko sa kanya.
Napatigil kami nila rex at coil ng biglang sumulpot sila Damion, Emperor ng Mafia kasama ang mga ulupong sya.
"Anong kailangan nyo?" Maagas na tanong ni rex.
"Wala dito ang battle arena kung gusto nyo ng away isantabi nyo muna mamaya nyo na lang gawin." maagas din na sabi ni Coil.
Habang ako nakatingin lang sa kanila at hindi nagrereact kung may mangyari man ay normal na lang sa akin.
"Teka! masyado naman kayong nagmamatapang ang aga-aga eh. Gusto ko lang kamustahin si Zero." sabi ni damion at tumingin sa akin.
"Oh!? HAHAHA anong nangyari sa isa mong mata at nagkablack ka? Mayroon ka na bang katapat? Di mo alam kung mayroon ng makakatalo sayo ay pwede alisin sayo ang pagiging emperor ng gangster?" nakangising saad na ikinangisi ko din.
"Maalis man ako o hindi wala kang pake-alam hindi porket baril lagi ang hawak mo ay matatalo mo na ako. Sa physical fighting natalo kita pano kaya pag may hawak na akong baril?" nakangising sabi ko.
Nakita ko naman sa emotion nya ang pagkainis pero hindi nya pinahalata.
Kahit na itago nya pa makikita at makikita ko parin.
Lumapit sya sa akin at mayroong binulong.
"Matalo man o hindi ito ang tatandaan mo akin lang ang little tiger ko kung may balak kang kunin sya sa akin sisiguraduhin kong matatalo kita sa kahit anong paraan." sabi nya at lumayo sa akin.
"Let's go!" aya nya sa kanyang kasamahan saka sila umalis.
Sino naman yung little tiger nya? May alaga syang tiger? Taena anong paki-alam ko sa tiger nya? Aanhin ko yun?
"Zero yabang talaga nun. Btw ano yung binulong sayo?" nakangiteng tanong ni Rex.
"Umaandar na naman ang pagiging chismoso mo. Wala lang yun... may balak daw akong kunin ang tiger nya. Gawin ko pang karne tiger nya eh para may ulam tayo mamayang gabi." sarcasm kong joke.
"HAHAHA g*go amp*to aanhin natin ang tiger nya? Isaksak nya sa baga nya yung tinutukoy nyang tiger. " Rex.
Kahit ipagmalaki nya pa ang tiger nya sa buong Academy wala akong pake sa little tiger nya.
BINABASA MO ANG
Emperor's Obsession (Hiatus)
Akcja"Always remember the Demon inside me always sleeping but if you trying to wake up her then say hello to Hell and Lucifer." - Hellia Livingstone What if a girl with a beautiful property that she inherited from her father and mother move in a school t...