☪️ CHAPTER 10☪️

3.2K 137 5
                                    

HELLIA POV:

"HAHAHAHA"

Napatiim ako ng bagang dahil hindi sa galit sa gumawa nito kundi sa inis.

Kakaligo ko lang mga pre kung alam ko lang na papaliguan nila ako edi sana hindi na ako naligo,
diba?.

Sayang tubig eh.

Hinawi ko ang buhok ko na nakaharang sa buong pagmumukha ko at tumingin sa mga demonyong classmates ko.

"Thank you sa MALAMIG NA WELCOME." madiin kong sabi habang tumatango kita ko sa mga mukha nila ang gulat.

Tsk. Ganda ng entrance ko.

"HALA! miss sorry hindi dapat para yan sayo." may isang babaeng lumapit sa akin habang nakahawak sa pocket nya at nilabas ang panyo saka nya ako pinupunasan.

Akala ko ba mababait ang mga lower bakit ganito ang nadatnan ko. May binubully sila at kung hindi dahil sa akin edi basa yung taong nakahanda para dito.

"Stop it." cold kong sabi sa babae na ikinatigil nya saka tumingin sa akin.

"What's happening here?" napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang isang babaeng nakasuot na pang professor.

"Oh my gosh what's happened to you?" nanlalaking matang nyang tanong sa akin ng tumingin sya sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus pinagmasdan ko sya. Maganda sya kaso may katandaan na pero yung mukha nga parang ang bata pa.

Gets nyo? Mas matangkad sya ng 2inch sa akin, mapayat, at yung galaw nya parang pangteen- ager.

"Ms. Moore samahan mo sya magbihis." napatigil ako sa pag-obserba sa kanya.

"No need. Kaya kong magbihis mag-isa." pigil ko pero umiiling-iling ang prof.

"No, dali na Ms. Moore samahan mo na sya." tumatango-tango naman yung babaeng nagpunas sa akin.

"Sige po prof. Halika na." baling nya sa akin.

Sumunod naman ako sa babaeng tinatawag na Ms. Moore pero tumingin muna ako kay prof at hindi nakalagpas sa akin ang malulungkot nyang mata.

Malungkot nga ba o awa?

"Ahm pagkatapos mong magbihis dadalhin kita sa clinic baka magkaroon ka ng sipon or ubo dahil sa malamig na tubig." napatingin ako kay Ms. Moore.

Pero bigla akong napakunot ng bigla syang umiwas na parang nahihiya.

"Pasensya na nahihiya kasi ako kapag may tumitingin sa akin na maganda o gwapo." biglang tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi nya.

Umiwas na lang ako ng tingin kung si caden ang titingin sa kanya baka mahimatay to.

"Para kanino ang malamig na tubig na yun?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Yun? Para kay professor." simpleng sagot nya na ikinahinto ko sa paglalakad.

Kay prof? Anong kasalanan ng prof at ginagawa nila sa kanya yun? Ngayon lang ako nakatagpo na ang guro na ngayon ang binubully.

"I know curious ka. May sabi-sabi kasi dito sa acadamy na si Prof Sophia Martin ay isang prostitute at lahat ng mga lalakeng professor ay..." huminto sya sa pagsasalita at tumingin sa paligid na parang sinisigurado na walang tao sa paligid.

Lumapit sya sa akin habang ang palad nya nasa gilid ng mukha nya saka bumulong sa akin.

"Nakasex na nya." pagkatapos nyang sabihin yun ay lumayo na sya sa akin.

Emperor's Obsession (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon