22⛅

54 4 12
                                        


"Sure ka okay lang sa'yo?" Cheska asked after we saw the sections. 


Kaklase ko pa rin si Cheska pero nahiwalay sa aming dalawa si Miko at si Aldrin. At 'yung iba ay ka-blockmate ko pa rin ngayon na kasama ko noong first year. Next next week na ang start ng senior year, kinakabahan ako pero katulad nang dati, kakayanin. 



"Oo naman... magkikita pa rin naman tayo kasi same building 'di ba?" Sabi ko at tumawa, "Tsaka kasama na natin si Kiko, okay rin 'yon"


"Dapat kasi nagpabagsak ka ng isang subject, Aniella Faye para ulit ka ngayong year, eh" Suggestion ni Cheska kay Aniella na inirapan lang nito. 


"Edi ako naman nahirapan, gaga ba kayo" Sagot niya at pinalo si Cheska. "Tsaka di ko naman kasalanan na matalino ako at hindi ako bumabagsak" Nag pose pa siya sa harap namin. I made a face, "Matalino? Weh?" Pagbibiro ko. 


"Nathaly nag second year ka lang, ganiyan ka na, ha" Pikon na sabi ni Aniella at nagkunwari pang umiiyak. 


"We've changed, anak talaga kasi kami ng mafia" Singit naman ni Cheska bago tumawa. 


"Wala na, tulog na tayo. May nakisama na" Inirapan ni Aniella si Cheska at tiningnan siya na parang hindi niya 'to kilala, pinipikon si Cheska. 


Sa aming tatlo, si Cheska talaga ang pikunin. No wonder why she's always bickering with Aldrin, Aniella, Kiko, Miko at iba pang kaibigan niya. Tapos si Aniella 'yung matagal mapikon pero kapag napikon mo, maghanda ka na dahil malupit na panunuyo ang gagawin mo bago ka niya kausapin ulit. 


Ako, hindi naman ako nakikipag away o nakikipag pikunan dahil hindi naman ako pikunin. Nakikitawa nga lang ako habang pinapanood sila, eh. Hindi ko na sinasali ang sarili ko sa mga ganoon. Masaya lang dahil nagtatawanan sila. 



"Ay, by the way. Kilala niyo 'tong Gianna Cortez?" Tanong ko sa kanila. She's not familiar, eh. O baka lang hindi ko nakilala o nakikita sa building. 


"Bakit? Saan mo nakilala 'yon?" Naging seryoso naman si Cheska sa tanong niya. 


Tinuro ko 'yung screen at pinakita sa kaniya, "Blockmate natin, eh. She's not familiar" 


Napatigil naman si Cheskaia sa nakita niya at pumikit pa ng ilang beses para makita nang malinaw, "Gia?" Bulong niya. 


"Kilala mo?" Sabi ni Aniella habang kumakain ng chichirya. 


Umiling si Cheska, "Hindi... sino ba 'yan?" Uminom din siya ng tubig pagkatapos magsalita. 


"Kilalanin niyo nalang sa pasukan malay niyo maging kaibigan pa natin 'di ba, kayang kilalanin agad 'yan ni Cheska-" Tumingin kami pareho kay Cheska nang magsalita siya. Hindi na natapos ni Aniella ang sasabihin. 


"Hindi" She said. Napalakas pa ang tono ng boses. 


Heaven's Cloud (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon