Jessie' s POV
"Tara na nga girls may babaeng umaaligid nanaman sa Boyfriend ko!" Sabi ko sa mga alipores ko.
"Okay!" Sabi nila.
Nakakainis kasi yung babae na yun, kala maganda. Nagawa pang landiin yung Boyfriend ko. Di nya ata ako kilala, Ako lang naman si Jessie Salvador. Grrr. Napaka artiiii.
Alyssa' s POV
Umalis na ako sa kinalalagyan ko kanina, sana naman wala na akong makasalubong iba. Hinayupak nalang o. Simula kahapon nagugulo na buhay ko.
"Tignan mo nga naman!" Liningon ko kung sinong halimaw na nagsasalita.
Jessie? Oo sya, at may kasamang tatlong kulugo.
"Fan ba kayo ni Joker? Tinding transformation yan ah, kamukhang kamukha nyo sya!" Sabi ko, eh totoo naman kasi Joker lang ang look. Kakapal ng mga make up.
Tapos yung isa nyang kasama may hawak na blush on and mirror grabe lantad yung pag mamake up.
"Ikaw napaka sulutera mo!" Sigaw sakin ni Jessie. Wow lang ah. Kunh sulutera ako e bakit hanggang ngayon mag kaloveteam parin ang KathNiel?
Nainis din yung babae nyang kasama na may hawak ng blush on and mirror tapos bigla nya sakin binato yung hawak nya.
Ang keke mo lang bumato di ba ata umabot ng 3 inches grabe ang keke.
Nakaharap yung salamin sa lupa kaya kapag tumingin ka sa baba makikita mo!
"Hindi mo ba ako kilala? At sino kaba?!" Tanong nya. Wala akong time kilalanin ka Bitch!
"Haler. Ako lang naman si Alyssa Cruz. Ang pinakamaganda sa balat ng Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, And Neptune! Sama mo na pluto tutal kamukha mo naman yon yung alagang aso ni mickey mouse!" Sabi ko. Gash lang ah.
Btw. My name is Alyssa Cruz. 16 years old. Fourthyear highschool. Yan nalang guys may kalangan pa akong rambolin dito e.
"How dare yo----" di nya natapos yung sasabihin nya dahil bigla akong nagsalita!
"Well, well, well!" Sabi ko. Sarap makipag away dito pikon.
"How dare you!" Tuloy nya.
Lumingon ako sa baba. Since nandoon nga yung salamin nakaisip ako ng kung ano.
"Mirror, mirror on the floor, Who's the ugliest of them all?" Sabi ko. Sabay tingin sakanya. At balik ng tingin sa salamin.
"Oh ano? Ikaw daw? Paano ba yan?" Pangiinis ko!
"Grrrrr!" Pangigigil nya sabay walkout. Grabe wala ka naman palang binatbat susugod ka pa. Tapos tong dalawang kasama nya ng iwan pa mg irap effect.
"Oh eto yung blush on at salamin nyo, baka wala na kayong pambili nyan!" Sigaw ko. Kaso di nila ako pinansin. Deadma? Oh well panget naman sila.
Grrr. Simula nung dumating sa buhay ko yan e.
Umupo muna ako sa may bench doon habang pinapanuod yung mga nagvwawarm up na mga varsirty player grabeee.
Yung feeling na habang tumatagaktak yung pawis galing sa buhok, pababa sa leeg at sa.. hahaha wala ang Hot grabeeeshushu.
Ang sarap manuod ng magwawarm up dapat pala lagi ako nandito.
Nagbago na pala isip ko, hindi na pala may nakit akong di kanais nais sa tingin. Mukhang di taga planetang earth.
Sino pa ba? Edi si Martin Mystery. Martin Angeles pala.
BINABASA MO ANG
Mr. Boastful
Fiksi RemajaMukha syang paa! As in Paa! Pero hindi basta basta paa, Paang may alipunga! Jusmeyoneys! Ako sinisisi. Ng Girlfriend nya na kulang nalang humawak ng baraha, para mag mukhang joker na! Ako pa sinisi? Sa landi ng Syota nya magseselos pa ba yon? Feelin...