Chapter .1

132 6 4
                                    


Grabe nakakapagod maglakad ng magalakad, pano ba naman kasi pinatry samin yung Death March.

Haha pero joke lang yon, lakad ako ng lakad ngayon dito sa school, dahil wala akong magawa, manong sinabi manlang kasi na wag nalang pumasok dahil may gagawin sila.

Yung ibang students, and teachera kasi nag aayos kokonti lang yung mga students na nagaayos, saka ayaw nilang ipaalam kung bakit.

Mag pagdiriwang daw kasi na magaganap dito sa school, na ewan ko kung anong pagdiriwang yon, suprise daw?!

Kaya ayaw sabihin, syempre surprise nga e.

"Ay grabe!" Paano naman kasi pagkalikong pagkaliko ko, may nag aaway, di lang basta away nag rarambolan na! Dinaig si Pacquiao at Mayweather e. Mga papansin.

May mga tumutulong na sakanila, kaso walang mga teacher nag aayos nga diba?

Yung mga tumutulong naman parang mga butiki ka liliit at kapapayat.

"Kuya libre tumulong!" Sabi ko sa lalaking nakasandal sa may pader na nakashades.

Pero ayaw nya naman magsalita, ano ba to pipi? Bulag? O binge?

"Oy kuya, naririnig mo ba ako?" Tanong ko. Ayaw nyang magsalita e kaya tinanong ko uli.

"Ayokong tumulong kasi tinatamad ako!" Sabi nya, sabay walk out.

Aba may pagka serious type din e no? WHY SO SERIOUS? grabe tinatanong lang e.

Tumungo na ako, e kung ako lang din naman tatanungin e di rin ako tutulong jan, ginusto nilang mag away.

Pero kasi yung lalaki kanina nasaharapan na nya yung dalawang ungas pero di manlang pansinin.

Hay hayaan ko na nga lang.

Dumiretsyo ako sa may room namin, wala ngang mga gingawa yung mga kaklase ko e. Puro make up grabe di kaya sila nauubusan na stock nyan.

Oo nga pala kelangan kong umuwi ng maaga, may part time job kasi ako, wala lang gusto ko lang magganon para pangdagdag baon narin. Saka wala rin naman akong nagagawa pag tuwing hapon. Pang iwas bagot narin yon.

Sayang din yung kikitain ko don, saka madali lang naman yung trabaho, mag seserve kalang.

Wala namang nanggugulo sakin dito sa school, dahil kung meron man mas guguluhin ko sila, mga hinayupak na mga yon nanahimik e tapos bigla kang guguluhin mga moron.

Umupo nalang ako dito at tumunganga.

"Hi?" Sino naman yon?

"Hi?"

"Ano ba bakit ka ba hi? Ng hi? Close ba tayo huh?" Sabay lingon ko sa hinayupak ng hi ng hi sakin.

Omygash! Pwede na akong lamunin ng lupa, grabe ang gwapo, transferee kaya sya dito? Kasi ngayon ko lang nakita yung mukha nyang gwapo e grabe ang gwapo talaga.

"Hello?" Sabi ko.

"Akala ko di mo na ako papansinin e, kapal mo naman?" Gwapo na sana e, kaso ang yabang grabe! Nakakainit ng dugo.

"Oo nga dapat nga hindi na kita papansinin kaso, nakulitan ako sayo e! Grabe ngayon lang ako nakakita ng panget na nilalang na katulad mo!" Kala nya sya lang marunong mang ano ah! Pwes ako rin

Binabawi ko sinabi ko kanina, kung pwede lang putulin yung dila e, tapos palitan ng bago kanina ko pa ginawa.

"Hoy sinong panget!" Di ko ba alam dito kung bingi o bobo?

Mr. BoastfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon