Chapter.5

36 3 0
                                    

Habang nag uusap kami ni Jeydon umalis na si Yessie. Nagpaalam sya syempre, siguro na OP samin. Hihi.

"Oh bakit wala ka bang gagawin ngayon at bakit nakipag usap ka sakin?" Tanong ko kay Jeydon. Di naman sa nagpapalayas ako ng tao, kasi lagi syang busy e, tapos di pa kami nagkakakita gano sa school kasi nga di naman kami magkaklase saka mejo malayo yung room nila sa room namin.

"Ah pinuntahan kasi talaga kita" sagot nya. Ayieeee. Ako na, ako na kinikilig ano ba yan masyado akong malandesssss. Hahahaaa.

"Bakit naman?"

"Wala gusto lang kitang makita"

Grabe ako na talaga. Haba ng hair ko pwede ng pag akyatan ng prince charming sa tangled o rapunzel.

"Ganon ba? Hihihi. Bakit naman gusto mo kong makita?" Alam kong malandi pagkakasabi ko. Pero di ko maiiwasan yon e, ikaw ba namang may kaharap at kausap na Pogi kung di ka mamatay. Juk.

"Kasi.. Ano.. uhmm may tatanong ako?" Nauutal sya, ang cute. Ano naman kayang itatanong nya?

"Ano ba yung itatanong mo?" Ano kaya? Im curious.

"Ah wag na pala" tsssk. Yan tayo eh. Biglang aatras yung dila  ̄﹏ ̄.

"Sabihin mo na wag ka ng mahiya" achichichi. Gusto ko talagang malaman kung ano yon. Pero sana naman good news.

Kuya Pogi' s POV

"Halika nga dito!!" Pagkakaladkad sakin ni Jessie.

"Ano ba nasasaktan ako!" Nakakainis kasi, akala mo naman kung sino kung makapagkaladkad sakin. Kung pwede lang patulan to e.

"Akala ko babae lang malandi, pati pala mga lalaki!" Sabi nya.

Tsssk. Akala ko rin tao lang malandi pati pala aso!

"Anong malanding sinasabi mo? Anong ginawa ko?" Ano nanaman bang ginawa ko na kinaimbyerna ng babaeng to?

"Nagtanong ka pa!?" Panggagalaiti nyang sabi.

"Ano ba yon!?" Sigaw ko sakanya. Nakakainis.

"Ang lakas mong makipaglandian sa harap ko!" Harap nya? Ako makikipaglandian?

"Ano bang pinagsasabi mo? Kunti nalang papatulan na kita" kunti nalang talaga. Masasapak ko to e.

"Sapakin mo sige! Nakikipaglandian ka pa sa Alyssa na yon!"

"Anong nakikipag landian?"

"Wag ka na ngang mag maang maangan na kita ko kayo kanina!"

"Ah, pakikipaglandian na pala ang pakikipag usap? Edi landian na pala yung ginagawa ngayon?"

"Magsama kayo!" Magsasama talaga kami.

"Okay!" Ibigsabihin ng Okay ko. Alam nyo na.

"Ayoko na!" Mas ayoko na ang tagal na.

"Okay!" Sabi ko uli. Umalis na ako sa harapan nya at lumayo.

Anong ineexpect nyo saakin iiyak? magrerebelde? Di uy! Bakit ko pag aaksayahan ng panahon yung babaeng yon?

Unang tingin ko jan maganda at mabait e. Pero yung nalaman kong ganyan pala ugali nyang nabwisit ako. Di nagpakatotoo sa sarili. Kaarte arte.

Dapat nga dati ko pang binreak yan e. Nung nasa Kentucky pa ako amg dami kong nasasagap na tsismis na may Boyfriend daw dito yang si Jessie. Tapos nakikita ko din sa mga post na may kasama syang lalaki, pero di lang basta basta. Iba ibang lalaki yung mga nakikita ko, yung mga araq na yon di ko nalang pinapansin, saka yung nga araw na yon nasasaktan pa ako. Pero ngayon? Hindi na. Ubos na pasensya ko jan.

Mr. BoastfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon