Sa sobrang desperado kong makahanap agad ng trabaho. Sumama ako sa isang lalaking sandali ko pa lang nakilala na nag alok agad sa akin ng trabaho.Hindi naman ako naboring dahil nagkukwento sya tungkol sa magiging trabaho ko. Hindi naman daw ako mahihirapan kung makakasundo ko yung boss ko. Hmn. Nakakacurious tuloy. Sino kaya yun?
Tumigil yung sasakyan sa harap ng isang malaking building. Ang BC Heights, under ng Cruz Group of Companies, sikat sila dahil sa magagandang condominium units nila sa Philippines at hotel and restaurants naman sa iba't ibang bansa.
Dire deretso kami at lahat ng staffs na nakakasalubong namin ay binabati si sir Enzo.
Sumakay kami ng elevator at bumaba sa 10th floor. Tumigil kami sa unit 10303 ay dumiretso kami ng pasok sa loob dahil alam ni Sir Enzo ang passcode nung unit. Siguro sobrang close sila.
Ang ganda dito. Halatang mamahalin lahat ng gamit. Pang mayaman talaga. Pero may kakaiba dito. Parang malungkot? Basta medyo gloomy ang ambiance dito..
"Nasaan po yung magiging boss ko?"
"Ah nasa office nya. Puntahan na lang natin dun."
"Okay po." Naikwento rin ni Sir Enzo na bussinessman itong si boss kaya napakadaming inaasikaso. Mainitin ang ulo.
Pumasok kami sa isang office at nakita ko roon ang nakaupo sa isang swivel chair na nakatalikod sa amin.
"Benjamin! Andito na kami!"
"I know, and don't call me that."
"Okay okay... humarap ka naman."
"OMO!! Si Xian Cruz!!..." napatakip pa ako ng bibig sa sobrang pagkagulat.. sya talaga? The famous Xian Cruz..
"Hahaha surprise! Kaya ayoko sabihin agad sayo eh. Gusto kong makita ang ganyang reaksyon mo. Haha."
"Ako nga po pala si Ariane Gomez. Pareho po tayo ng school na pinasukan. Senior po kita."
"Ow? Edi mayaman ka pala. St. Gabriel ka pumasok?"
"Aah hindi naman po sir Enzo... gusto lang po ng parents ko na sa kilalang school ako pumasok."
Paglingon ko kay Xian, aww he's so freakin hot. Half open yung bibig nya habang nakatingin sa akin. Nakalagay ang daliri sa kanyang baba. Waring nag iisip ng kung ano.. OhMy Super Hot!! Gumagana ang pagka fangirl ko..
"Sir bakit po?"
"Hahaha, pare bakit parang ikaw ang nastarstruck dyan."
"Shut up Lorenzo! Tss. Ms. Gomez right? Siguro naipaliwanag na sayo ni Lorenzo ang magiging trabaho mo. You'll have to sign a contract, Php50,000 per month bukod pa yung overtime. You'll imediately start today. Take it or leave it."
Wooh, ambilis naman. Shotgun ito. Hmn. Sobra na ata yung sweldo. Halos kapantay na ng sweldo ni mama. Bukod pa ang overtime. Waaah makakaipon ako nito...
"WOW! Benjamin! Pirma agad? Wala man lang trial.. haha.. iba ka talaga dude. Hahaha!"
"Oh. SHUT UP LORENZO.. you're so annoying. And stop squeeling like a girl. You look effin gay man.. tss.."
"Chill man. You're scaring Ariane. Haha."
Ang weird din pala nitong si sir Enzo actually I know them quite well they were good friends since grade school.. bestfriends I guess?
Nameet ko na sila noon. Sila ang nag judge noong nag audition ako nung high school para sa isang musical play.. they were both campus hearthrobs by then.. both talented performers ng St. Gabriel's Academy.. hayss they were so unreachable by then, pero ngayon Waaaaaaah I can't believe I'm with them.. this is so great!!
