Nakaharap ako sa salamin habang sinisikop ang buhok ko. Nag aayos ako para sa ikatlong araw ng paghahanap ko ng trabaho.
"Brinn, aalis na ako. Ilock mo ang pinto ha? Wag kang aalis. Dito ka lang sa bahay."
"Okay ate. Ingat ka."
Umalis na ako dala ang resume ko. Pupunta ako sa isang kompanya na nakita ko sa dyaryo kahapon, nangangailangan sila ng mga bagong empleyado. Sana matanggap na ako ngayon, lalo na at nalalapit na ang pasukan nila Brinn.
Nalugi noon ang negosyo ni papa,dahilan para madepress sya hanggang sa tuluyan na kaming iwan. Napilitan magtrabaho si mama sa ibang bansa para tustusan ang pag aaral namin ni Brinn pero hindi yun sapat lalo na noong magkasakit si Brinn. Kinailangan ko munang tumigil sa pag aaral para makatulong kay mama.
"Sorry miss pero college graduate talaga ang kaylangan namin eh. Pero may alam akong job fair na icoconduct sa Makati next week. Subukan mo dun."
"Ah, Sige po salamat." Makati? hindi ako pede dun. Hindi kami pedeng magkahiwalay ni Brinn.
Biglang umulan kaya tumakbo na lang ako papunta sa malapit na cafe para magpatila.
Buti na lang at may dyaryo duon na pwedeng tignan. Binuklat ko kaagad yung classified ads. Hmmn. Puro college graduate ang kaylangan."Miss!" Tawag ko isang waitress na naglilinis sa kabilang table.
"Yes ma'am?"
"Aah, may bakante ba kayong trabaho dito?"
"Kakahire lang po sa akin dito ma'am sa tingin ko po hindi pa nila ulit kaylangan ng bagong empleyado."
"Aah ganun ba? Sige, salamat... Hays. Pano na ako makakahanap ng trabaho ngayon anlakas ng ulan." Nakahalumbaba ako habang nakatitig sa pumapatak na ulan sa labas. Nang biglang may tumugtog na isang pamilyar na kanta. Hmn. Ansarap pakinggan nakakarelax.
"Miss."
"Bakit po?"
"Sinabi sa akin nung waitress kanina nagtatanong ka raw ng trabaho?"
" Ah opo eh. Kaya lang wala na raw bakante."
"Oo kakahire lang kasi namin. Ako nga pala si Enzo Reyes. Actually co-owner ako nitong cafe."
"Ako naman po si Ariane Gomez."
"Hmmn.. Ariane.. Anong klaseng trabaho pala ang hinahanap mo?"
"Naku kahit ano po, basta disente."
"Ganun ba? Yung kaibigan ko kasi nagpapahanap ng personal assistant medyo maselan kasi yun kaya ang hirap ihanap, nakailang palit na yun ng p.a. Gusto mo bang subukan?" Hindi kaya niloloko lang ako nito?? Pero mukha naman syang katiwa tiwala. Halatang mayaman. Hmmn. Magkano kaya ang sweldo?
"Kung yung sa sweldo naman ang iniisip mo sya na lang ang magdedecide pag nagkausap na kayo."
"Ano po bang gagawin kung sakali na subukan ko?"
"Naku madali lang. Aasikasuhin mo lang sya. At sasamahan sya kahit saan magpunta. You see he's a very busy person. Kaylangan nya ng mag aasikaso sa kanya. And he's a performer actually."
"Talaga po? Sikat po ba?"
"Malalaman mo na lang pag nameet mo na sya. So pede ka ba?"
"Kailan po ba?"
"Kung ayos lang sayo, pedeng ngayon na... nasa bahay lang kasi sya ngayon."
"Hmmn, ayos lang po."
"Talaga? Naku matutuwa yun."
Hays kung hindi ko lang kaylangan ng trabaho. Kung ano mang trabaho ito , sana hindi ko pagsisihan.
