Isang linggo na mula nung birthday ni Mich. At sa hindi malamang dahilan biglang naging cold ang pakikitungo sa akin ni Xian.
Nung minsang tawagin ko siyang Sir bigla niya ako ng sinigawan. Nakakatakot. Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Tinawagan ko si Mich at sinabi ko kung anong nangyari.
~" Hayaan mo na lang si Kuya Xii, ganyan talaga siya minsan. Let him figure things out. Naguguluhan pa siya."
"Huh? Teka .. hindi kita lalo maintindihan, Mich.."
"Maiintindihan mo rin yun."
At imbes na maintindihan ko nga yung nangyayari, lalo akong naguluhan sa sinabi ni Mich. -.-
"Sir..." kumatok ako sa work room niya... bukas naman pala kaya pumasok na ko. Nakatalikod sya at may kausap sa phone.
~"What am I gonna do?... I really don't know... what if she rejects me... Its a bit early to say that.. and I think I'm too old for her... I know.. I know.. I'm sorry for that, I didn't mean it. okay. Thank you. Bye."
Kumatok ulit ako para makuha yung attention niya..
"Yes" nakangiti siya this time.. goodmood ata. Ngayon lang ulit siya ngumiti ng ganun sakin.
"Ahm.. magpapaalam po sana akong mag half day, linggo naman po. Pasukan na kasi bukas kaya kaylangan ko lang pong bumili ng ilang gamit."
"Okay.. I'll come with you..."
"But you're busy..." ayokong abalahin pa siya.. nakakahiya at medyo awkward dahil ang cold niya sakin nitong mga nakaraang araw..
"No, I'm not, I'll come with you..." nagpumilit pa din siya.. bahala na nga...
"Okay."
Nasa byahe na kami ngayon papuntang mall.
"What are you gonna buy?"
"Notebooks and such..."
Tumango lang siya. At nagpatuloy sa pag dadrive. Awkward talaga. Naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya. Napaka bipolar. Nakakalito.
Nakarating na kami sa mall. Magpapa alam na sana ako, pero nagpumilit siyang samahan ako sa pagbili.
Nagpunta kami ngayon sa may bookstore, fillers lang naman ang bibilhin ko eh. Gusto ko lang talaga maghalfday kasi wala naman akong masyadong ginagawa.
Nakita ko na naman yung magazine na may article tungkol sa kanya...
"Are you gonna buy that?"
"Nope, nabasa ko na kasi..." napatingin siya sakin at biglang ngumuso.. tapos may bigla syang nakasalubong. Kakilala ata. Naghigh five sila. Teka model to ah?
"Hi Xian! How are you?"
"I'm good. What are you doing here?"
"I'm with my sister, bumibili siya ng gamit for tomorrow. Here she is..."
"Xian this is my younger sister Kaye..""Ohmy! Xian! Thats why your familiar... nice to meet you po.." sabi nung cute girl... bigla siyang bumaling ng tingin sakin.
"Hi Ate I'm Ashllynne Kaye Salazar, girlfriend ka ni Kuya Xian?"
"Ha? Naku hindi, by the way I'm Ariane Gomez." Nakipagshakehands ako sa kanya. Halatang mayaman sila.
"I'm Kean Salazar. Nice to meet you."
"Sige. Uhm. Punta na ko sa counter. Nice meeting you, too. Bye." Umalis na ko at nagdiretsong counter.
