Nandito kami ngayon sa isang Event ng CGC, isa si sir sa mga guest speaker. Nasa gilid lang ako ng stage habang pinapanood yung program.
Grabe! Ang gwapo nya talaga, lalo na ngayong naka corporate attire sya. Fangirl feels. Swerte ko talaga sa trabahong to. Ambait at ang gwapo pa ng boss ko. ^_____^
Pagkatapos nyang mag speech ay agad syang umalis at kinaladkad ako paalis ng venue papunta sa parking lot, at pinapasok sa kotse nya.
Pagkapasok sa kotse ay tinitigan nya ko ng masama. Katakot.
"Sir? Bakit po?"
"Next time don't wear a dress like that." Sabi nya habang ikinakabit yung seatbelt ko. Ang sweet. Ang feeling mo talaga Ariane.
Tapos pinaharurot nya na ang sasakyan. Tumigil kami sa isang mall. Again, kinaladkad niya ako papasok sa isang botique, 'Prince and Princess' ang pangalan... ang cuuuute..."Good Morning Sir Xian." Bati nung sales lady?.. hmn lagi siguro sya dito..
"I want dresses for her. I trust your taste. And get her measures for emergency purposes."
"Okay Sir!."
At ayun sa hindi malamang dahilan, ipinamili ako ni Sir Xian ng napakadaming dress. Kung anu ano. Sabi nya gagamitin ko daw yun sa mga lakad namin. Pinagpalit nya rin ako ng damit. Really? Ano bang problema sa damit ko? Cheap ba masyado?
"Lets eat." Yun ang sinabi nya matapos naming ilagay sa sasakyan yung mga damit. Hinigit nya ulit ako papasok ng mall. Sa isang resto...
"Sir may I take your order?" Sabi nung waitress na halatang nagpapacute kay sir Xian.
"Ariane, What would you want to eat?"
"Wait lang sir hindi ko po alam ang mga to eh.."
"Okay, let me do it for you... miss we'll have Roasted Chicken, some Champagne. And parfet for desert. Thanks."
"Okay sir!"
A couple of minutes later... feeling ko talaga nakatitig sya sakin nakoconcious tuloy ako... anubee haha... first Date ko... Oh my gosh... spell A-S-A Ariane hahaha
Dumating na yung pagkain namin. Grabe. Im super swerte talaga kay sir Xian na naging boss ko sya... nakakailang subo na ko nang mapansin kong parang hindi gumagalaw si sir para kumain. Tumingala ako at nahuli syang nakatitig sa akin.. kanina pa?
"A-ah sir? May dumi ba ako sa mukha?"
"Theres none."
"Eh bakit ganyan ka po makatingin?" Nagulat ako sa tanong ko.. assuming ka masyado eh. Yan napapala mo. Tss.
"Nothing... You're just... so adorable."
"Po?" Hindi ko narinig yung huli nyang sinabi..
Hindi nya na ko pinansin at kumain na lang.. hmn. Ano kaya yun?
Napansin naming gabi na pala napasarap kami sa pag kukwentuhan ng kung anu ano kaya pagkatapos ay nag offer syang ihatid ako pauwi. Kotang kota na ko. Haha.
Sa tagal ng usapan namin feeling ko close na kami. Lol.
"So this is where you're staying." Sabi nya habang itinitigil yung kotse sa harap ng bahay
"Sir Xian Thank You po sa Date este Dinner pala haha.. Ingat po. Salamat din sa paghatid."
"You really are adorable..." ngumuso sya at waring nagpipigil ng pagtawa..
"Bye Ariane. See ya!"
Nagwave na lang ako habang papalayo ang sasakyan nya.
Pagpasok ko ng bahay, hindi ko na napigilang sumigaw....
"Aaaaaaaaaaaah!" Napasayaw pa ako at nagpapadyak sa sobrang kilig.
"Ate? Anong nangyari?"
Hindi pa rin ako tumigil sa pagsayaw.
"Ate nababaliw ka na. Inlove ka no?"
Napatigil ako at sinimangutan sya.
"Inlove agad? Di ba pwedeng masaya lang? Hmp."
"Asus! denial queen. Ano bang nangyari? Nagdate kayo ng boss mo?"
"Ha? San mo naman napulot yan?"
"Sa tabi tabi... hello ate? Kapatid mo kaya ako... alam ko nang mga style mo ate. Pati yung boss mo lang naman ata ang kakilala mong lalaki."
"Aba! Pasaway kang bata ka! May iba pa kaya akong friends na lalaki..."
"Sige nga sino?"
"Si---si Skyler. Tama si Skyler! Tsaka yung mga taga orphanage." Proud kong sabi..
"Nakakasama mo naman ba sila? Stone age na yun te! Ang sinasabi ko yung ngayon."
"Ewan! Panira ka talaga ng moment! Akyat na ko!"
"Haha pikon. Goodnight!"
"Goodnight!" Pero di ko talaga makakalimutan yung date namin. Kyaaaah! Haha yaan na libre lang mangarap.
