Ikasampu. Huh?

3 0 0
                                    


Nakakahiya talaga yung sinabi ko kay sir Xian. Grabe! Di ko ata kayang makita siya.

Tumawag rin sakin si Mich sakin at kinumusta ako. Ano daw nangyari sa amin ni Sir Xian. Hindi ko masabi sa kanya sa telepono. Kaya sabi niya magkita na lang daw kami sa school.

"Ariane sabay na tayo maglunch!"

"Nako may pupuntahan pa ako eh"

"Sige next time ha?"

"Okay. Bye!"

Nandito ako ngayon sa may tambayan nila Gaby. Mabuti at kami pa lang ang nandito. Kinuwento ko kay Mich yung nangyari.

"Hahahahaha!" Tawa lang ng tawa si Mich..

"Wag ka namang tumawa! Nakakahiya!"

"Eh ikaw kasi eh! Haha nakahanap na ata ng katapat si Kuya Xii! Hahaha!"

"Ano namang nakakatawa dun?"

"Eh kasi, ikaw pa lang nakagawa nun kay Kuya Xii. Grabe! Ang galing mo! From now on I'll call you Ate Yan!"

"Ate ka dyan? Anong konek nun? Pati mas matanda ka sa akin ng almost one month no."

"Ow? Haha kaylan nga ba yung Birthday mo?"

"June 23..."

"Hmn. June 23..." sabi niya habang nagtatype sa phone niya... "favorite color mo?"

"Blue.. bakit ba?"

"Haha basta." At ayun kung anu ano pang itinanong niya sakin habang kumakain kami ng lunch. Maya maya pa dumating na sila Gaby. May kasama siyang girl. Teka? Sya yung girl kahapon.

"Kaye-- I mean Ash, shocked ka masyado haha.."

"Eh kasi hindi ko akalain na kayo ang may ari ng school.."

"Hi Gaby!" Bati ni Mich

"Hi Ate Princess at Ate Yan!"

"Waaah Ate Ariane!" Nagulat ako sa pagyakap niya sakin.

"Aah.. eh... hello"

"Wow magkakilala kayo?" Tanong ni Mich

"Kahapon haha kasama niya si kuya Xian sa bookstore.." waah nakakahiya >////< nalaman pa tuloy ni Gaby

"Ow? Haha" tas tumawa si Gaby at Mich..

"By the way I'm Princess Michelle Cruz. You are?"

"Ashllynne Kaye Salazar." Nagbeso sils..

"Hmn. In case kaanu ano mo si Kean Salazar?"

"Kuya ko po. Bakit po?"

"Talaga? Haha. Wala lang. Okay GTG may class pa kami ni Yan.. bye."

"Bye."

"Haha, bakit parang ang layo ng personality ni Kean at Ash haha this little girl is so cute.... by the way Yan, anong oras tapos ng class mo?"

"5pm sa sched, pero mga before 5 siguro out na kami, 1st day naman kasi. bakit?"

"Hmn. Wala lang haha. Sige Ariane, byieee! See ya later!"

"Okay, bye!"

Haays napakaboring talaga ng first day. >.< 4:30 na nung matapos ang last subject namin. Sinabi niya lang yung mga demands niya during classes.

Palabas na ko ng room nang makakita ako ng kumpulan ng mga babae. May pinagkakaguluhan ata. Ohwell wala naman akong pake, kaya lumampas na ko. Nang biglang...

"Ariane." May tumawag sakin. Kilalang kilala ko ang boses na yun... humarap ako at nakitang tama ang hinala ko...

"Honey! Ariane, wait up!" Nagsimula nang magbulong bulungan yung mga asa paligid. Tatakbo na sana ako pero tinawag niya ko ulet...

My Lonely StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon