Chapter 3: Asaaaarrr!!!!

527 21 2
                                        

HELLO GUYS!SORRY NA MATAGAL AKONG NAKAPAG UPDATE. NAGWA-WANDER KASI TALAGA YUNG UTAK KO. KAPAGKA MAY SINUSULAT AKONG UPDATE , 'DI TALAGA MAALIS ANG MGA MATA KO SA MOMENTS NILA KAYA SORRY NATAGALAN HAHAHA.

CHAPTER UPDATED! HAPPY READING! DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT.

xoxo.,

KAYSHA


EVIE'S POV


"Hoy!"

"Everest! Yung boyfriend mo nasa labas!" Kaagad akong nagising at kahit namimikit pikit pa yung mga mata ko, bumangon ako sa kama ng walang pag aalin langan at naglakad papalabas ng kwarto. Dinig na dinig ko pa yung tawa nila.

"Pusheeenn!!!!" Nahinto ako sa paglalakad at napatapik nalang ako sa noo ko. Padabog akong naglakad pabalik ng kwarto ko kahit hindi ko halos tanaw yung dinadaanan ko. Kaagad akong bumalik sa higaan at sinubokan ko ulit matulog.

"Oh bumalik ka?" Natatawang sabi ni Rheeza.

"Eh natural. Wala nga pala akong boyfriend." Kita mo ng loveless pinaglalaruan pa! ibinaon ko nalang ang mukha ko sa unan dito sa gilid. Ang bango naman ng unan na 'to. Niyakap ko nalang ng mahigpit. Nakakainis talaga sila nagagawa pa akong pagtripan.

Tawang tawa naman sila sa akin nakakainis! Kahit nakapikit ako, alam kong may mga kasama sya. Maliban kay Sofie, parang may narinig akong boses lalake. Sino yon?

"Ahahaha! Kita mo na mga bes ha, ang chemistry." At nagbabakla baklaan pa talaga!

"Oo nga. Bentang benta oh! Naku! Naku! Naku!" Kinikilig ka pa talaga Sofie ha. DInig na dinig ko boses mo kahit naka pikit ako.

"OMG!!!!!! Pagnagkataon, hindi na magiging bitter ang kaibigan namin!" Excited pa yung tono ng boses ni Rheeza. SIno kayang pinag-uusapan nila?

"Mga bes, I think I wanna ship them!" Ayan haneeep! Naiintriga na talaga ako dyan sa kasama nila ah. Ang hirap magpanggap na nagtutulog tulogan gayong sobrang ingay nila.

Kaagad akong dumungaw para tingnan ang kasama nila. Una kong nakita yung maputing ding ding at kisame. Oo nga pala nasa School Clinic yata ako. Dala ng pagka allergy ko sa lintek na burger na yon nahirapan akong huminga kanina. Mabuti nalang may Dr. Kanina na pumunta dito at kaagad akong nasaklolohan.

Nakita ko sila sa may paanan ko, ang saya saya nilang nag-uusap ni hindi nga nila namalayan na sumilip ako sa kanila. Sus! Sinasabi ko na nga ba eh! KIlala ko yang kasama nila, masyadong pamilyar yung boses. Sya yung kasama ni Coffee Princena kinauubosan ng oxygen ni Sofie kanina. Mabuti naman at nakakahinga pa ang bruha, ayon nga lang parang nalagyan ng pandikit yung mga mata nya.

"UHm! Ano ba?! Ang ingay ingay!" Aray ko! Nabingi yata ako bigla ng may sumigaw sa gilid ng tenga ko. "Natutulog ako eh!" Dagdag pa nya. Nagulat nalang ako ng may yumakap sa beywang ko.Damang dama ko pa yung paghinga nya. T-teka, a-....ano 'to?

Tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko! Grabe!!! Para akong naninigas!!!!! Hindi ako makagalaw. Magkahalong kaba at takot yung nararamdaman ko. Pag ito multo, gugulpihin ko talaga 'to!! Pag ito panaginip itutulak ko 'to para mahulog sya tapos pagkumalabog magigising ako. Ok, lilingonin ko na!

TAYO  (Kaorhys)Stories to obsess over. Discover now