Chapter 5:Ok sige.....Secret! :D

435 19 0
                                    





EVIE'S POV


"Good morning to all Teachers and students. I stand here before you..." Blah! Blah! Blah! Kundi lang compulsory kahit hangin na galing sa ilong ko imposibleng mapunta dito. Ayokong makinig kung ano mangsasabihin nya. Ano ba namang klaseng skwelahan 'to, gumawa pa ng election tapos yung walang ka effort effort sa pangangampanya rin naman pala yung pinanalo nila. Ayan tayo eh! Looks nga naman can be soo deceiving. Duh! With my eyes rolling. Ang manhid ng mga tao noh, 'di nya memorize ang speech nya ayan kulikot ng kulikot sa phone nya. Ano bang klaseng role model pinapakita neto? haist!


zzzzztttt!


Ayan na naman ang phone ko at nagba-vibrate.

Ugh! i knew it. Si Ford yung nagtext. I just assume sya si lovemelikeyoudo pero ewan ko I doubted it in some way. Nagtatanong kasi sya kung sino si kano, eh yon naman yung tawag ko sa kanya.

lovemelikeyoudo: it's nice to see you here beautiful ;)

me: bait baitan? may kailangan?

lovemelikeyoudo: Yes!

me: what?

lovemelikeyoudo: YOU :*

My goodness! Ewan ko ha pero tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Ano bang meron ngayon? Ba't ang lakas ng power?

me: whatever with the capital W.

lovemelikeyoudo: you're beautiful.

Beautiful? Beautiful talaga? Parang anlayo naman ng treatment nya sa akin sa message nya ngayon. BUmaling ako ng tingin sa gilid ng stage kung saan naroon sina Ford at Ram. Ayon, kakabalik lang nya ng lagay sa phone nya sa bulsa nya. Parang ang saya saya nilang dalawa. Nagtatawanan pa sila. Teka nga, ako ba pinagti-tripan nitong dalawang mokong na 'to? Nagkakasundo talaga eh! Wala man lang bakas ng kung anong nangyari kanina, baka naman kasi na miss nila yung isa't isa.

hmmmm.....? naalala ko tuloy yung kanina......


*****flashback******


Ano ba naman?!? Ba't walang ginagawa sina NAtt at Kerby para man lang sana awatin yung dalawa.

"Hoy! Awatin nyo guys! Baka magsuntokan pa yang dalawa!" Napatakip nalang ako ng bibig ko ng lumipat lahat ng tingin dito sa akin. Peace sign ang agad sumagap sa aking isipan na syang boluntaryo namang kinilos ng aking kamay. Hooooo! Damang dama ko yung mganilalabas kong hangin! Sobrang kaba ang inabot ko dito sa dalawang 'to.

Nakita ko lang tumingin si Natt sa ibang direksyon na parang nagpipigil ngumiti. At si Kerby naman parang salubong yung kilay kung anong nakikita ni Natt dito banda sa amin.

"Excuse! Let me pass. Alam ko ang reason ng issue!" Spotlight naman yung pagpapanic ni Karmina nang dumating sya. "Ram, Ford... If it's about m-."

"SSsssshhhhhh!!!!" Mabuti pa si Karmina nagawang awatin nong dalawang eh sina Ram at Ford untouchable.

"ooooooooo!!!" Magkasabay namang reaction ng lahat ng nandoon. Eh 'di shing! Kinabog pa yung choir.

Hindi na natuloy ang pag i-eksena ni Karmina sa dalawa. Bakas sa mukha nya yung pagkahiya nya. Nagtakip nalang sya ng mukha gamit ang undying nyang designer bag. "let's go girls!" Kaagad din syang umalis kasama sina Ybonie and Yvorie na 'di mapagkailang labag sa loob nila ang sumama kay Karmina kasi gusto pang manood.

Nagkaharap kasi si Ram at Ford sa labas ng Auditorium na sya namang pinagkakagulohang dumogin ng mga schoolmates namin.

"Haneep ka girl, narecognize aura mo." Bulong sa aking ni Sofie.

TAYO  (Kaorhys)Where stories live. Discover now