September 11, 2015
Present Day
Ako mismo sa sarili ko, hindi ako naniniwala sa happy ending. Alam ko sa bawat pagmamahal, masasaktan ka at masasaktan. Kahit na pinangako niya sa'yo na hindi ka niya iiwan, hindi rin yun totoo. Hindi maiiwasan ng isang tao na mawala ang pakiramdam niya para sa taong mahal niya. Mas lalo na kung hindi naman matibay yung pagmamahal na 'yon.
Ilang ulit na akong nasaktan sa pag-ibig at ilang ulit na akong umasa sa happy ending na sinasabi nila. Pero alam kong ngayon, eto na yung pagkakataon na kailangan kong sumuko na. Para saan pa ang umasa sa happy ending kung hindi naman porket kayo na ng taong mahal mo, happy ending na kaagad? Siyempre, pagkatapos ninyong maging official na mag-boyfriend at girlfriend, may mga paghihirap na kailangan ninyong danasin pareho. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang happy ending ang nananaig. Minsan, kailangan natin tanggapin na sa kabila ng lahat ng saya sa mundong ito, may mga bagay na lumipas sa panahon at hindi na natin mababago. May mga bagay na kailangan na lang natin tanggapin kahit hindi natin 'to inaasahang mangyari. Wala na rin naman tayong magagawa kung 'di mabuhay sa realidad kaysa mabulag sa fairytales na hindi naman talaga nagaganap.
Hindi akong matapos-tapos sa mga kailangan kong tapusin ngayong araw na 'to dahil may nakita na naman akong hindi ko na sana dapat nakita. Nakakita ako ng isang post sa News Feed ng Facebook ko na tumagos talaga nang sobra sobra sa puso ko. Hindi ko kasi inakala na magiging posible pala ang mga ganitong bagay sa totoong buhay. Sa bagay, masyado akong nalulong at naniwala sa happy ending kaya hindi ko alam na may mga bagay na higit pa sa inakala natin. Ang nakalagay kasi sa post na nakita ko, "In a relationship" na ang boyfriend, este, ex-boyfriend ko sa EX-best friend ko.
Alam niyo ba kung gaano kasakit malaman na ang kaisa-isang taong akala mo hindi aalis sa buhay mo ay umalis na lang nang basta-basta? Hindi lang 'yon. Mas hinanap pa niya ang nawawalang pagmamahal na gusto niya sa isang taong pinakamalapit sa akin.
Alam ko rin naman sa sarili ko na marami akong pagkukulang pero hindi naman dapat nila ginawa 'yon. Inasahan ko na yung pagkaalis ni Matthew pero yung paghahanap niya ng kapalit ko yung hindi ko matanggap. At ang kapalit pa na 'yon ang mismong best friend ko pa. Eto naman best friend kong si Trisha, nagpalandi sa loko. Nagawa pa akong iwan sa ere nang dahil sa inagaw niya sa akin ang boyfriend ko.
Wala na bang matinong tao sa mga panahon ngayon? Lahat na lang ba, kung hindi ka iiwan, aagawin mismo sa'yo? Kung gusto mo naman makuha ang isang bagay, maraming hahadlang at magpipigil para lang makuha ang kaligayahan mo? Aba't iba na rin pala ngayon ah. Kung ano ang hindi sa'yo ang siyang nakukuha mo at kung ano naman ang hindi mo makuha ay mismong ilalayo pa sa'yo.
Nakakasawa na rin naman kasing umasa talaga. At dahil rin naman sa pagdadrama kong 'to, hindi ko na talaga matapos ang mga requirements ko. Ilang araw din kasi akong nag-absent buhat noong nag break kami ni Matthew. Hindi ko kasi makaya na makita silang dalawa ni Trisha sa campus at malaman na sila na pala ang magkasama at hindi na kaming dalawa.
Oo, ang pathetic ko. Hindi na nga ako pumasok alang-alang sa grades ko, nagiging apektado pa ako sa isang bagay na hindi ko na dapat problemahin ngayon. Pero alam mo naman kapag mahal mo ang isang tao, mahirap siyang pakawalan 'di ba? Mas lalo na kung minahal mo nang sobra sobra na sa bawat hinga mo, siya ang inaalala mo. Na kapag hindi kayo magkasama, siya ang iniisip mo. Miski sa loob ng MRT habang pauwi ka na, kung papaano siya umuwi mag-isa nang hindi ka kasama, iniintindi mo pa rin. At sa tuwing may sakit pa siya, pinupuntahan mo para lang alagaan siya. Okay lang na mag-absent ka sa school. Pwede namang humabol at hindi naman importante ang attendance sa college. Pero grabe talaga. Kung gaano ko siya minahal, ganun rin naman ang pagkakaroon niya ng walang pakielam sa akin sa huli.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Avenue
Teen Fiction"PAG-IBIG AVENUE": Ang lugar kung saan lahat na tayo ay nakadaan ngunit iilan lang ang nakakaalis nang hindi nasasaktan. A bumpy road of random people going in and out of love. :) Inspired by "Where Do Broken Hearts Go?".