Sa Bahay Nila Trisha
The Revelation
January 13, 2015
Bilang isang malapit na kaibigan ni Trisha ay ako ang kanang kamay niya sa lahat ng mga bagay. Ako ang palagi niyang kasama tuwing may mga events siyang hinahandle o mayroon siyang dinidirect na musical play sa university namin. At siyempre, hanggang sa bahay, ako pa rin ang kasama niya. Pero may isang araw na hindi namin pareho inasahan ni Trisha—ang araw na nakilala namin ang boyfriend ng best friend niya.
Bumaba kami pareho ni Trisha nang tawagin kami ng parents niya dahil may bisita daw siya.
"Ano bang ginagawa natin dito, dad?!", tanong ng isang lalaki na nakaupo sa sala ng bahay nila Trisha.
"I'm doing this for our family business, Matthew.", sabi naman ng father nung lalaki.
"But this is so old school! Hindi na uso ang fixed marriage, dad! At isa pa, hindi ba't my girlfriend na ako?!"
"Makikipagbreak ka sa kanya and that's final! Mabait rin naman si Trisha, hijo. At isa pa, anak siya ng business partner ko. Kailangan natin ang pagjoin forces ng business nila at business natin. It would bring us plenty of riches, Matt. Think about it! You would get things that you've never had before. Even better than your old average girlfriend."
"Mahal ko siya, dad! Wala akong pakielam sa yaman na maidudulot sa pagkasal naming dalawa ni Trisha after college. Wala akong pakielam don. At kung wala ka namang pakielam sa sarili kong welfare at sa welfare mo lang talaga, hayaan mo na lang ako mabuhay at mamili ng mga desisyon para sa sarili ko. Pwede ba?"
Nasa may hagdan pa lang kami ni Trisha non at pinapanuod ang buong pangyayari. Hinatak si Matthew ng daddy niya at hinagis sa may pader. Cinorner niya ito at sinabihan na wag mangielam sa gusto niya para sa anak niya. Gusto lang naman niya ang ikabubuti niya pero hindi nakinig si Matt at mas lalong lumaban sa kanyang ama. In the end, nasuntok pa siya ng daddy niya sa bahay ng ibang tao. Nang matapos na ang sobrang drama na pangyayari at hindi na halos makatayo si Matt, pumayag na ito. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Trisha at nang maayos na sila sa baba ay bumaba na rin kaming dalawa.
Pinakilala ni Tito Michael si Matthew kay Trisha na parang walang nangyari. Pilit naman na ngumiti si Matthew sa aming dalawa kahit na alam namin ang buong nangyari kanina. Nang iniwan muna ni Tito Michael kaming tatlo sa sala ay kinausap namin si Matthew. Alam namin na siya ang tinutukoy ni Pat na boyfriend niya dahil sinend na rin niya nang minsan ang picture nilang dalawa ni Matthew. Nang medyo nagkakilanlan na kaming lahat ay hinarap na namin si Michael.
"Michael, alam namin ang nangyari kanina. Ako mismo, ayoko ng fixed marriage mas lalo na sa boyfriend ng best friend ko. Pero kung yun ang gusto ng mga magulang natin, bakit hindi na lang natin pekein para masunod lang ang gusto nila? Tsaka na natin alalahanin si Pat kung kailan napaliwanag na natin ang lahat. Let them fall into their own trap.", sabi ni Trisha kay Matt habang nakikinig lang ako sa pag-uusap namin.
"Paano naman natin gagawin 'yon?", tanong naman ni Matt.
"Well, first and foremost, you need to sacrifice your relationship with Pat and I need to sacrifice my friendship with her. For this plan to work, we'll need to hurt one person as painless as possible."
"I don't think magiging painless ang pagpapanggap na tayo at malaman pa mismo ni Pat days after namin mag "fake" breakup.", sabi naman ni Matthew.
"Akong bahala.", sabat ko naman sa usapan nila.
"Ano naman ang gagawin mo, Joanna?", tanong ni Trish sa akin.
"Babantayan ko si Pat. Sisiguraduhin kong she will fall into our plan.", sabi ko naman sa kanila.
"Thanks, Jo.", sabi naman ni Trish sa akin.
Habang sinisimulan na nila ang plano nila ay nag-take down notes ako at inalala ang lahat ng plano para kapag nakaharap ko na si Pat ay alam ko kung paano ko ieexplain ang lahat ng mga bagay na makakapagpagulo sa pag-iisip niya nang masagawa na nila Matt at Trisha ang planong fake na relationship at pagpapakasal.
Pagsapit ng gabi ay umuwi na kami ni Matthew. Sabay na kami ni Matthew na umuwi dahil malapit rin naman bahay namin sa isa't isa. Habang pauwi kami ay kinausap ako ni Matt at pinagbilinan ng maraming bagay para sa pagbabantay ko kay Pat. Hanga rin ako sa lalaking ito at gagawin talaga ang lahat para lang sa taong mahal niya.
"Alalahanin mo palagi na ang uwi niya galing UST ay 3pm. Wala siyang pasok ng Tuesdays at Thursdays. Accounting ang course niya. Ayaw niya ng mga magagarbong celebrations pero nasusweetan siya sa mga simple romantic gestures, mas lalo na kung ginagawa ko 'to sa kanya. Sa tuwing malungkot siya, nasa bahay lang siya at nagmumukmok. Kung hindi naman, nasa Manila Bay siya at nagdo drawing ng kung anu-ano. Naikwento rin naman niya sa'kin na balang araw, kapag nakaharap siya ng matinding problema at hindi niya ako nasabihan tungkol dito, sa Tagaytay ko siya mahahanap. Priority din niya ang pag-aaral niya. And the best part about her is that she'll love you with no limits. Kaya mahal na mahal na mahal ko rin siya. Mabigat man sa loob na iwanan siya nang pansamantala ay iniisip ko na lang na ginagawa ko 'to dahil sa huli, makukuha ko ulit siya. Kumbaga, hihinga muna ako, wag siyang mag-alala. Matapos kong magpahinga, mamahalin ko ulit siya.", sabi niya sa akin na sobrang in love na in love ang itsura.
"Mahal na mahal mo talaga si Pat, 'no?", tanong ko naman.
"Sobra.", maiksing sinagot ni Matt.
"Kahit ano, kaya mong gawin para lang hindi siya mawala.", dagdag ko pa.
"Oo naman. Kasi kapag mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo para lang sa kanya.", sabi naman niya sa akin.
Matapos namin makapag-usap ay nakarating na rin kami sa tapat ng bahay ko. Pumasok na ako sa loob ng gate at nagpasalamat sa akin si Matt. Sana lang hindi mabigo ang plano namin. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya si Pat. Iilan na lang ang mga lalaking ganyan. Sana balang araw, makahanap rin ako ng ganung lalaki para sa akin.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Avenue
Ficção Adolescente"PAG-IBIG AVENUE": Ang lugar kung saan lahat na tayo ay nakadaan ngunit iilan lang ang nakakaalis nang hindi nasasaktan. A bumpy road of random people going in and out of love. :) Inspired by "Where Do Broken Hearts Go?".