Blue Bay
Just an "Ordinary" Day
October 11, 2014
"Saan mo ba talaga ako dadalhin, Ian? Bakit naka-blindfold pa ako samantalang nasa kotse pa lang naman tayo?", tanong ko kay Ian.
Isang buwan na ako mahigit nililigawan ni Ian. At ngayon, inaya niya akong lumabas pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung nasaan kami. Either dinala ako nito sa malayong lugar o pinaiikot-ikot lang niya yung kotse niya sa kung saan hanggang sa bumalik na lang kami sa bahay namin. Hula ko lang naman.
"Basta. Magugustuhan mo yung pupuntahan natin.", sabi naman ni Ian sa akin.
"Sabi mo 'yan eh.", sabi ko naman sa kanya.
Hindi naman nagtagal ay naramdaman kong tumigil na yung engine ng kotse at lumabas na si Ian ng driver's seat. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at ginuide ako sa kung saan man niya ako dadalhin. Nararamdaman ko na marami ring mga taong naglalakad sa paligid namin at hindi kami nag-iisa. Pinalakad niya ako sa isang hagdan at nang makarating na ako sa maybe pangalawang palapag ay tinanggal na niya ang blindfold ko. Nang mag-adjust na ang mata ko ay una kong nakita ay si Ian na may hawak na mic sa isang kamay at hawak naman ang kamay ko sa kabila.
"Joanna, I want you to remember this day. My first song for tonight is something I wrote just for you.", sabi naman niya.
Pakiramdam ko, sobrang haba ng hair ko dahil ginawan niya ako ng kanta. Hindi ko matago yung saya na nararamdaman ko ngayon. Sa bawat salita na binibigkas niya ay damang-dama ko talaga na para sa akin at para sa akin lang yung ginawa niyang kanta.
"Naitago nang kay tagal ang lihim ng damdamin.
Akala'y hindi na masasabi ang nararamdaman.
Ngunit nang ika'y makasama't nagkaroon ng lakas harapin.
Napunan ng kulay ang buhay at puso'y nagkaroon ng laman.
Joanna, iniibig kita
Hanggang pagtulog ika'y nais makasama
Joanna, minamahal kita
Pangala'y laging bigkas kahit hindi sinasadya
Joanna, Joanna
Dumaan ang mga buwan
Nadagdagan ang iyong taon
Ako ay nagtapat
At tila sumaya ang panahon
Kahit na hindi inasahan, ika'y kinantahan
Kahit 'di ko man alam, bigla na lang nasabihan
Joanna, iniibig kita
Hanggang pagtulog ika'y nais makasama
Joanna, minamahal kita
Pangala'y laging binibigkas kahit hindi sinasadya
Joanna, Joanna
Nanligaw nang tapat
Mahal na mahal kitang wagas
Ngayon sana'y malaman ang iyong sagot
Joanna, iniibig mo ba ako?
Joanna, mahal mo na ba ako?
Joanna, pwede bang maging nobyo mo?"
Matapos ang kanta ay hindi na ako makapagsalita. Lumuhod si Ian sa harapan ko at naglabas ng isang mahabang box na naglalaman ng isang kwintas na may pendant na libro na bukas. Naka-engrave naman sa libro na 'yon ay Ian sa kaliwa at Joanna sa kanan. Napatingin ako sa iilang mga taong nanunuod sa amin ngayon at binalik ko ulit ang tingin ko kay Ian.
"So, Joanna.. Handa ka na bang maging girlfriend ko?", tanong niya sa akin sa tapat ng microphone.
Kinuha ko ang microphone mula sa kanya at sinabi, "...Oo naman."
Napatayo naman si Ian at bigla akong binuhat at inikot-ikot habang nasa stage kami. Sa sobrang tuwa namin pareho ay pawang hindi na namin inintindi ang mga taong nakapaligid sa amin. Basta't kaming dalawa, masaya kami sa mga pagkakataong 'yon. Wala kaming pakielam kung nalalandian sila sa amin sa ngayon. Bakit ba?! Nang kumawala na kami sa yakap naming dalawa ay saktong narinig namin ang fireworks mula sa Mall of Asia.
"This is the best night of my life.", bulong ko kay Ian.
"Don't speak now. We've still got our whole lives to make perfect.", sabi naman ni Ian sa akin.
"You have no idea.", sabi ko naman sabay halik sa pisngi niya.
Lumipas rin ang ilang mga buwan na nagsama kami ni Ian. Naging maayos naman ang aming pagsasama. Magkaroon man ng konting tampuhan ay nagkakaayos na kami kaagad. Wala eh. Ganun namin kamahal ang isa't isa. At alam namin na walang problemang hindi nasosolusyunan sa isang matinong usapan.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Avenue
Teen Fiction"PAG-IBIG AVENUE": Ang lugar kung saan lahat na tayo ay nakadaan ngunit iilan lang ang nakakaalis nang hindi nasasaktan. A bumpy road of random people going in and out of love. :) Inspired by "Where Do Broken Hearts Go?".