Sa Loob ng Bus
Destination: Tagaytay
September 11, 2015
Present Day
Pagkatapos ng kwento ni Joanna ay nakarating na kami ng Dasmarinas, Cavite. I have to admit, hangang-hanga ako kay Joanna dahil kaya niyang tanggapin ang sarili niyang pagkakamali. Ako, hindi ko pa siguro yun magagawa. Dahil sa paningin ko, sila Matthew at Trisha pa rin ang may mali. Hindi naman kasi nila sinabi sa akin nang mas maaga ang plano nila at ang nangyari sa kanila. Kaya tuloy nagkaganito ako.
"Ang drama drama nga ng buhay mo, 'teh!", sabi ko naman kay Joanna.
"Oo nga eh.", sinabi naman niya sabay tingin niya sa labas ng bus, sa may bintana. "Sa tingin mo, mahal pa rin kaya niya ako?"
"Oo naman! Bakit naman hindi?", pag eencourage ko naman sa kanya.
"Dahil sa ginawa ko.. Dahil sa mga sinabi ko.. Alam ko namang na offend ko siya sa mga sinabi kong 'yon."
"Pero alam mo naman na mahal ka niya, 'di ba? Hindi lang basta-basta nawawala ang pagmamahal ng isang tao sa taong mahal niya. Ang pagmomove on nga, matagal. Ang pagkawala pa kaya ng feelings? At tsaka base sa kinuwento mo sa akin, mukhang head-over-heels in love sa'yo 'yang si Ian. Imposibleng makalimutan ka niya nang basta-basta lang. At gaya nga ng sinabi mo sa kwento mo, kayo yung tipong na couple na kapag nag-away, nasosolusyunan sa matinong usapan. Maybe you guys just needed lang talaga some time out—"
"Katulad ninyo ni Matthew?", pang-aasar sa akin ni Joanna.
"Yes. Ganun nga mismo.", sinabi ko naman.
"Kailan mo naman balak kausapin ang Matthew mo?", tanong niya sa akin.
"Well, naka- one month na rin akong hindi siya kinakausap so might as well talk to him pagkauwi ko galing Tagaytay."
"Ayos!", sabi naman niya sa akin.
Napatingin kami pareho sa labas ng bus at napansing medyo kumukulimlim yung langit. Nagsimulang magpatakan ang ulan galing sa langit at nagtinginan lang kaming dalawa ni Joanna. Hinarang ko ang bintana sa pamamagitan ng kurtina at sinabihan ko si Joanna na matutulog ako sandali. Sinabi naman niya na matutulog rin siya kaya natulog na kami pareho.
Saktong pagkagising namin ay nakarating na kami sa bus terminal sa Tagaytay. Kinuha ko na lahat ng gamit ko at kinaladkad ko papalabas ng bus. Tinulungan rin ako ni Joanna. Nang makababa na kami ay sasakay na dapat ako ng tricycle papunta sa Picnic Grove nang may sumigaw ng pangalan ko.
"Patricia Fernandez!", pagkalingon ko ay nakita kong may tumatakbo na lalaki na papalapit sa aming dalawa ni Joanna.
"Matthew?", mahina kong binigkas.
Nang makalapit na si Matthew nang tuluyan ay agad-agad ako niyakap nito nang sobrang higpit. Ito yung tipong na yakap na halatang matagal na inaasam-asam. Hindi ko rin naman napigilan at niyakap ko rin siya pabalik, missing the very hug that made me smile each time he ever did it. Biglang napawi lahat ng lungkot at galit na mayroon ako noong umalis ako para pumunta Tagaytay. Naging magaan na ulit ang pakiramdam ko. Naging worth it ang bawat luha na sinayang ko dahil eto na naman kami ngayon at masayang magkayakap sa bus terminal ng Tagaytay.
"Pat, sorry. Sorry sa lahat. Hindi namin pareho sinasadya ni Trisha. Sorry talaga. Hindi kami ang nagplano nun. Wala kaming intensyon na saktan ka. Gumawa pa nga kami ng paraan para mapaikot ang mundo at tayo ang magkasama ulit sa huli. Sorry, Pat. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Alam mong hindi kita kayang saktan. Pat, mahal kita. Namiss kita nang sobra sobra. Hindi mo alam kung gaano karaming hirap ang dinanas ko bago 'ko mahantong sa pagkakataong ito. Pat, please, patawarin mo ako. Ieexplain ko ang lahat. Pakinggan mo lang ako, hindi ka magsisi—"
Hindi na naituloy ni Matthew ang sinasabi niya dahil pinigilan ko siyang magsalita pa sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang labi. Kay tagal ko ring inasam na mahalikan ulit siya after ang isang buwan na hindi kami nagkikita at umiiwas ako sa kanya. Nang kumawala ako sa paghalik ko sa kanya ay nag-usap kaming dalawa.
"Alam ko na ang lahat. Kinuwento na sa akin ni Joanna ang nangyari.", sinabi ko kay Matthew.
"Thank you, Joanna.", sinabi naman ni Matthew kay Joanna na nakatayo sa likod namin.
"O sya.. Maayos na ang love story ninyo. Ako naman ang kailangang umalis para ayusin ang sarili kong problema.", sinabi naman ni Joanna sa amin sabay sakay sa tricycle na dapat sasakyan ko.
"Good luck kay Ian, Jo!", sabi ko naman sa kanya.
"Alam mo yung tungkol kay Ian?", tanong naman ni Matthew.
"You could learn a lot from a stranger na nakatabi mo sa bus for three hours na biyahe papuntang Tagaytay." sinabi ko naman.
"Sabi ko nga.", sabi naman ni Matthew. "I love you, Patricia Fernandez."
"Mahal na mahal rin kita, Matthew.", sinabi ko naman sa kanya sabay yakap naming dalawa. Sa kalagitnaan ng yakap namin ay piningot ko ang tenga ni Matt.
"ARAY!", pagreact naman niya.
"Nakakainis ka! Humigit isang buwan rin akong nabaliw dahil sa'yo 'no! Muntikan ko na patayin ang sarili ko dahil sa pagkawala mo! Kung bakit naman kasi hindi niyo sinabi sa'kin ni Trish nang mas maaga?! Putek, nakakaasar kayong dalawa ah!", sinabi ko habang sinusuntok-suntok ang magkabilang balikat niya.
"Uy! Tigil na! Sorry na kasi, Pat—"
"Pasalamat ka, mahal kita! Nakakainis ka talaga!", sinabi ko naman.
"Ayieee. Nanlalambing ka lang pala. Halika nga dito.", sinabi niya sabay yakap pa sa akin.
"Hoy! Okay na, uy. Okay na. Masyado na tayong PDA dito!"
"Gusto mo naman!"
"Letse!"
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Avenue
Novela Juvenil"PAG-IBIG AVENUE": Ang lugar kung saan lahat na tayo ay nakadaan ngunit iilan lang ang nakakaalis nang hindi nasasaktan. A bumpy road of random people going in and out of love. :) Inspired by "Where Do Broken Hearts Go?".