Sa Bahay Ni Joanna
August 31, 2015
Pagkauwi ko galing sa dorm ko sa UP ay nadatnan ko si Mommy na kausap si Tita Victoria sa sala. Matagal ko na rin hindi nakikita si Tita Victoria at si Tito John kaya sure akong this is a serious matter. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya pagkadating ko ay agad-agad kong tinanong sa kanila kung bakit naparito si Tita Victoria. Ang sabi naman sa akin ni Tita Victoria na nandito siya dahil kay Ian.
"Bakit po? May problema po ba kay Ian?", tanong ko sa kanila.
Mula nang mapanuod kasi nila si Ian noong birthday ko last year ay kinausap na ito tungkol sa pagiging estudyante sa Julliard School of Music and Dramatic Arts sa America next school year. Sinabi nila dito na sila ang magpapaaral kay Ian kapag pumayag siya na mag-aral dito. Hindi pa naman nababanggit sa akin ito ni Ian kung tinanggap ba niya ang offer o hindi hanggang ngayon pero eto na ang pagkakataon para malaman ko.
"Well, you see.. Your friend—"
"Boyfriend."
"Yes, well.. Your boyfriend is being difficult.", sabi ni Tita Victoria sa akin.
"Bakit naman po?", tanong ko sa kanya.
"Well, for starters, ayaw niyang tanggapin ang offer namin. He was saying something about doing things for himself at ayaw niya na mayroong tumutulong sa kanya para sa kinabukasan niya. And that he can handle things on his own. We tried to talk him out of it but it was no use. Ayaw niya talaga.", sabi naman ni Tita Victoria.
"Sige po. Kakausapin ko po si Ian.", sabi ko naman.
"Okay. Good luck, hija.", sinabi sa akin ni Tita.
At that point, nagpaalam ako kay Mommy kung pwede ko puntahan si Ian. Pumayag naman ito at agad-agad akong sumakay sa kotse ko at pinuntahan si Ian sa bahay nila. Nang makarating ako dito ay nakita kong kakarating lang rin ni Ian galing siguro ng Ateneo (na kung saan, doon siya nag-aaral). Pagkababa ni Ian ng kotse niya ay nagpark na ako at sinundan siya.
"Ian!", sigaw ko sa kanya.
"Jo! Napadaan ka, babe? May problema ba?", tanong niya sa akin nang salubungin niya ako.
"Actually, gusto sana kita makausap tungkol sa scholarship na inooffer sa'yo nila Tita Victoria.", sabi ko sa kanya.
"Don't worry, babe. Hindi ko kinuha yung scholarship na 'yon.", sinabi naman niya sa akin.
"Bakit naman? It could be your big break!", sabi ko naman.
"Joanna, I don't care on some stupid scholarship to Julliard. Okay na ako dito sa Pilpinas. So I can be one step closer to you.", sabi niya sa akin.
"P-Pero—"
"Trust me, Joanna. Okay na ako dito. I don't want to go anywhere further from you.", panimula niyang sinabi.
"Ian! Why aren't you taking this opportunity? This could be a great step forward to your future. Narinig ko pa mismo kay Maxine na pangarap mo maging artista. Bakit hindi mo simulan sa pag-aaral para maging artista?", sabi ko naman sa kanya.
"Aren't you happy, Joanna? I did this for you. I did this for us. Ayokong mapalayo sa'yo. Ayokong umalis at iwan ka dito. I'm more interested in being with you in my life—"
"But what about your dreams?! Paano yung mga pangarap mo? Ipagpapalit mo ang pangarap mo dahil lang sa isang babae na tulad ko?! Ian, I can take long distance relationship basta't alam ko inaabot mo yung mga gusto mo sa buhay—"
"JOANNA, STOP! Hindi importante ang pangarap ko noon na maging artista dahil iisa lang naman ang pangarap ko ngayon. Pangarap kong makasama ka habang buhay..."
"Ian, 'wag ka ngang nagbibiro ngayon. 'Wag mo 'kong banatan niyang mga sweet lines mo. Alam kong gusto mong kunin yung scholarship. Kaya mo lang 'to sinasabi sa'kin dahil ayaw mo 'kong masaktan at ayaw mong isipin ko na mas inuuna mo ang ambisyon mo kaysa sa'kin. Well, guess what? Okay lang sa'kin. I don't want to get in the way of what you want in life. Tanggap ko, Ian, na pansamantala mo akong iiwan para mag-aral. Kasi alam ko namang babalik ka—"
"That's not the point! Sige na nga! Sabihin natin na gusto ko ngang mag-artista! Oo, gusto ko rin sumikat! Pero kung sakali mang mangyari 'yon sa'kin, ayoko ng tulong galing sa iba.. Mas lalo na sa girlfriend ko—"
"Teka! Sinasabi mo bang ayaw mo ng tulong galing sa'kin? Eh di ba dapat, responsibilidad kita?! We have to help each other out. That's what being together is all about. Kung ayaw mo at inuuna mo 'yang pride mo kaysa sa nasa harapan mo na at kukunin mo na lang, mas mabuti pa't magbreak na lang tayo!"
Dahil sa tensyon na nabuo sa pagitan naming dalawa at sa biglaan kong pagbigkas ng mga salitang hindi ko naman sinasadya, napatahimik kaming dalawa at wala ni isa sa amin ang nagbalak na magsalita. Hindi na kami makatingin sa isa't isa. Dahil sa katahimikan at hindi pag-iimik na ito ay lumakad na lang ako papalapit sa kotse ko at iniwan siyang nakatayo sa may gate nila. Hindi niya ako sinubukang habulin at hindi rin niya ako sinubukang sundan pauwi. Sobrang bigat ng pakiramdam ko matapos no'n at hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga bagay na 'yon kanina. Masyado lang siguro ako nadala at masyado akong napuno nang malaman kong ginagawan ko na nga ng paraan ang kinabukasan ni Ian, 'di pa niya tinatanggap. Siguro nga, nasa akin rin yung mali. Masyado kong diniin na tanggapin na niya ang scholarship na binibigay sa kanya na hindi ko naisip na baka, oo nga, bumaba ang pride niya sa sarili niya.
Matapos ang araw na 'yon ay hindi ako nakatanggap ng text, tawag o message man lang sa Facebook galing kay Ian. Hindi rin namin tinangka na puntahan ang isa't isa. Siguro, the fire is still burning between us kaya hindi muna namin kinakausap ang isa't isa. Hindi kaya naisip ni Ian na yung sinabi ko sa kanya na break na kami ay totoo? Pero hindi ko naman sinabi na magbreak na kami. Sinabi ko lang na "kung gano'n", mas mabuti na lang at magbreak na lang kami. Kapag ba ganun sinabi ng babae o kahit ng lalaki na magkarelasyon ay given na break na sila?
Lumipas rin ang dalawang linggong pagtitiis na hindi kausapin ang isa't isa. Naisipan kong pumunta sa bahay nila at humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa kanya. Naisip ko rin kasi na ako ang may kasalanan ng lahat. Na ako rin naman ang dapat na sisihin. Pagkadating ko sa bahay nila Ian ay wala ang kanyang sasakyan. Nang kausapin ko si Tita Rhea, sinabi niya sa akin na wala sa bahay si Ian. Sinabi rin niya sa akin na mayroong OJT si Ian sa Tagaytay, Summit Ridge at isang buong month ng September sila doon. Nang malaman ko ito ay nagplano akong pumunta ng Tagaytay sa mismong araw ng monthsary namin. Para sa mismong monthsary na rin namin ay magkaayos na kami.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Avenue
Teen Fiction"PAG-IBIG AVENUE": Ang lugar kung saan lahat na tayo ay nakadaan ngunit iilan lang ang nakakaalis nang hindi nasasaktan. A bumpy road of random people going in and out of love. :) Inspired by "Where Do Broken Hearts Go?".