Chapter Three

8 1 0
                                    

University of Santo Tomas

UST Annual Fair

March 14, 2014, 6:32 PM


Ngayon na ang last day ng annual fair namin. At mamayang gabi na rin ang "mythical" fireworks display. Magkasama kami ngayon ni Matthew at naglilibot sa fair katulad nung past few days. Although nung past few days, hindi namin naiikot ang kabuuan dahil may mga schedule ang kanya-kanya naming course para magbantay at mag-handle ng mga booths. Kung sakali mang nagkakasama kaming dalawa ni Matthew ay dahil walang schedule ang isa. Pero in simpler terms, ngayon lang talaga kami naging bakante buong araw dahil last day na at ang mga booths ay hinahandle na ng Engineering students, Culinary students at ng non-teaching personnel.

"Ang gandang libutin 'tong school fair na 'to.", sabi ko kay Matthew.

"Mas maganda namang pumalibot sa mundo mo.", banat naman niya.

"Leche. Corny mo.", sabi ko sa kanya sabay tawa.

"Gusto mo bang makita kung ano itsura ng fair sa malayuan?", tanong ni Matthew sa akin.

"Sige ba!", sabi ko naman sa kanya.

Hawak niya ang aking kamay sabay hatak palayo sa school fair. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero alam ko, sa isang lugar na mataas kasi ipapakita niya sa akin ang school fair "sa malayuan", gaya ng sinabi niya. Eto yung mga nangyayari tuwing highlight ng love stories. Yung sobrang sweet na gesture nung guy dahil gusto niya na sa isang public event ay sila lang magkasama ni girl. Oo na, masyado akong expectorant pero usually, ganun naman talaga, hindi ba? At tsaka hindi ko na kailangan magbasa pa ng mga Wattpad books para malaman 'yon. At hindi mo 'ko matatawag na assumera dahil kami na! At least, that's what I thought.

Paakyat kami sa isang mataas na building ngayon (sabi ko sa inyo eh). Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga college buildings sa UST na hindi ako masyadong pamilyar. Pero dito sa building na ito ay matatanaw mo ang open quadrangle kung saan nagaganap ang fair. Pagkaakyat namin sa roof top ng building na ito ay tinanaw namin ang buong fair. Sobrang ganda at napakaliwanag.

"Matthew, ang gand—", napatigil ako sa pagsasalita nang hindi ko nakita si Matthew sa likod ko. "Matthew? Matthew? Asan ka na? Hindi ka nakakatuwa!"

"Hindi nga ba?", narinig ko siya nagsalita at napalingon ako sa isang corner na may spotlight, sa gitna nito ay nakatayo si Matthew na may hawak na gitara.

"Seryoso ka ba diyan, Matthew?", natatawa-tawa kong sinabi. "Di ba, sabi ko sa'yo na ayoko ng ganitong setup? Baka kasi hanap-hanapin ko."

"Sino ba may sabing may balak akong tumigil?", tanong naman niya.

Hindi na ako nakapagsalita. Napangiti na lang ako at napangiti na lang rin siya sa akin. Sinimulan niyang tugtugin ang gitara niya at kinanta niya ang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Habang kumakanta siya ay papalapit ako sa pwesto niya. Sa mga pagkakataong 'yon ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari dahil hindi naman fairytale ang buhay ko para magkaroon ako ng perpektong relationship. Hindi rin naman ako nasa isang Wattpad story para magkaroon ng happy ending. At pakiramdam ko rin, hindi pa ito ang happy ending ko. Marami pa kaming pagdaraanan ni Matthew bago pa kami humantong sa bagay na 'yon. Pero sa ngayon, ineenjoy muna namin ang isa't isa. Ineenjoy muna namin ang mga nangyayari sa aming dalawa kahit na sa utak ko ay iniisip ko pa rin na baka pansamantala lang ang lahat nang 'to.

Nang matapos kumanta si Matthew ay magkaharap na kaming dalawa. Tinanggal niya ang strap ng gitara niya sa katawan niya at ginilid muna ito sa may pader. Niyakap niya ako at yumakap ako pabalik.

"Mahal kita, Patricia Fernandez.", sabi sa akin ni Matthew.

"Matthew...", napaiyak ako sa sobrang saya dahil sa narinig ko mula kay Matthew. "...Mahal na rin kita."

"WOOH! MAHAL NA MAHAL KITA, PATRICIA FERNANDEZ!", kumawala siya sa yakap ko at sumigaw sa kawalan. "MAHAL NA MAHAL RIN AKO NI PATRICIA FERNANDEZ! NARIRINIG NIYO BA 'TO, MGA TAO DIYAN?! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA!!! WOOH!!!"

"MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA! WOOH!", sinabayan ko si Matthew na sumigaw.

Habang sumisigaw kaming dalawa sa kawalan, nakita na lang namin na nagsisimula na ang pagputok ng fireworks. Eto na. The myth is about to start. Habang sumisigaw kami ni Matthew ay sinusubukan kong pakinggan ang timbol ng fireworks... Pero, to my surprise, hindi ko ito marinig. Si Matthew lang ang naririnig ko. Ang pagsigaw niya na mahal namin ang isa't isa lang ang naririnig ko pati ang sarili kong pagsigaw. And to finally check kung talagang tama ang myth na ito...

"Matt! Naririnig mo ba ang fireworks?!", sigaw ko kay Matthew.

"Anong fireworks?!", sigaw naman niya pabalik sa'kin. "Tsaka ba't tayo sumisigaw?!"

Natawa kami pareho at niyakap namin ang isa't isa sa gitna ng fireworks na iyon. I know I'm going to sound corny but it was the most magical night of my life. One of the most memorable nights in my life, even. But sometimes, times change. And some things don't always happen the way we like it. Even if we did have the time of our life today, we won't be so sure we'll have it tomorrow.


Pag-ibig AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon