Chapter 5

9 0 0
                                    


Chapter 5

Maaga akong nagising ngayon kasi...ewan ko lang. Nananaginip lang ako tas nagising nalang ako ng ganito kaaga bigla tas di nako makatulog ulit. Paglabas ko sa kwarto nakita ko si mama, kumakain ng breakfast.

"uy, ang aga mo na gising ah?" sabi niya sakin. Syaka niya kinagat yung pan niya. Maaga kasi usually gumigising si mama kasi she needs to be early at work. (ayun English spokening na si Eli hshshs) umupo muna ako sa sofa saglit. "una na ko, tinimplahan kita ng chocolate milk andun sa ref nilutuan na din kita ng pan cakes hehehe!" sabi niya habang sinusuot niya yung sapatos niya. "una na'ko Elaine, bye!" at lumabas na nga siya ng bahay.

Ilang saglit lang tumayo nako at naligo. After that kumain na din ako ng breakfast, at syaka nag toothbrush. Kinuha ko yung chocolate milk na nasa tupper ware na liquid container at kinuha ko na din yung tupper ware na food container, may pancakes dun sa loob.

'dami mo namang tupper ware collections ma,'

Natawa nalang ako. Nilagay ko yung mga yun sa bag ko. Tumambay muna ako sa bahay saglit. Ang aga pa eh! Five thirty pa lang eh! Mamaya nalang ako pupunta dun mga six am. Hhumiga muna ako sa sofa saglit at natulog. Pagkagising ko six thirty na. tumayo naman ako at kinuha yung bag ko at umalis na papuntang school.

Pag kadating ko sa school agad akong nag desisyyon na pumunta sa news board. Ngayon kase lalabas lalabas yung ranking namin ngayong sem. Hehe sana top one pa din ako. "Eli!" napatigil nalang ako sap ag lalakad nung narinig ko boses ni Bris a likod ko. Tumakbo naman siya palapit sakin.

Hays anaganda niya talaga kahit anong gagawin niya. Maganda siguro mama nito or, igop siguro yung papa niya or baka, half siya! "Bri may tanong ako," sabi ko sa kanya.

"ano yun?" tanong niya.

"half Filipino kaba-"

"ahh!"

"ba't ka sumisigaw-' napatakip nalang ako sa bibig ko nung may nakita akong katawan sa harap ko. Galling siya sa rooftop! Nag simula namang mag tipon tipon yung mga students sa area naming.

"hala sino to?"

"hoy, diba siya yung transfery na top one sa section natin?"

"Si Ericka?"

"oo!"

"baka tama nga si Chloe..."

"sino yan?"

"yung bestfriend ni Callie! Naalala mo yun? Si Callie yung campus crush? Yung namatay daw dahil tumalon sa bridge!"

"ay! Yun? Oo nga no tas sabi ni Chloe may tumulak daw sa kanya dun sa bridge na yun."

"oo!! Baka totoo nga yung sinabi ni Chloe!"

"at diba si Kia yung top one usually sa section natin?"

"oo nga! Tas sabi ng mama ko, pinepressure daw ni Ms. Kylene si Kia about her grades!"

"oo nga! Baka....."

"Si Kia ang killer!"

Kumunot naman yung noo ko nung sinabi yun ng dalawang babae na estudyante sa likod ko. "hoy! Manahimik nga kayo!" nainis kong sinabi sa dalawang yun. Tinignan naman nila ako at syaka umalis. Napatinging nalang ako sa babaeng na sa tabi ko. Hinahabol niya yung hininga niya. "Kia?"

"o-oh h-hey!" ningitian niiya kami.

"anong nangyari sayo? Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko sa kanya. Mukha siyang galling hinabol ng aso. Di siya makapag salita ng maayos dahil hunahabol niya pa yung hininga niya.

Finding The School MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon