Kabanata 9

1.4K 35 5
                                    

Mahigpit na yakap ang nakuha ko kay Tita Kilari habang sapo-sapo ang pisngi ko. Iginilid niya pa ito para tingnan kung may ilang galos pa ba ako. Pero napangiwi na lang ang ng paluin niya ako sa pwet ng malakas gamit ang kanyang palad.

"Ouch!" angil ko at bahagyang hinimas ang puwetan ko.

"Bakit ka nakipag-away?!" malakas niyang sigaw at galit na galit.

Kumamot ako sa aking ulo habang patuloy na hinihimas pwet ko. Feeling ko nag-usok 'yon dahil sa lakas ng palo ni tita. Ang bigat ng kamay.

"Hindi naman po ako ang nauna..." sabi ko pa.

"Oo at alam kong hindi mo talaga magagawa 'yon. Pero bakit naman mukhang puro ka sugat? Napuruhan mo ba ang mga nang-away sa 'yo?" umawang ang labi ko sa tanong niya. "Kung makikipag-away ka naman, e 'di sana nilubos mo na, Milada! Hindi iyong ganyan. Mukha kang kawawa!" She said frustratedly.

Ngumuso ako at umiling sa kanya.

"Alam mong hindi ko gagawin 'yon, 'Ta. Lumaban naman ako at sapat ng napagtanggol ko ang sarili ko. Na suspend naman sila samantalang community service naman kami ni Cassie. Hindi na rin po kami luge." 

Umirap siya sa sinabi ko at akmang papaluin ulit ako pero tsinelas na ang gamit. Kumaripas ako ng takbo.

"Ikaw na bata ka! Bumalik ka rito!" sigaw niya mula sa baba.

Mabilis kong naisarado ang pinto ng kwarto ko at natawa ng mahina. Nakakakaba pala talaga kapag hahabulin ka ng pamalong tsinelas.

Naligo ako at sinuot na ang pantulog na damit. Habang hindi pa tuyo ang buhok ay naisipan ko muna'ng tumambay sa balkonahe. Nilabas ko ang cellphone ko at nagscroll sa social media. 

Marahas akong napatayo sa recliner chair ng makita ang notification ko. Nanlaki ang aking mata at agad na pinindot 'yon. Nakagat ko ang ibabang labi ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I immediately dialed Cassie's number. Matagal pa bago ito nasagot.

[Why? Natutulog na iyong tao, oh!] 

Humalakhak ako.

"Cassie, guess what?" excited kong sabi.

[What?]

"Amadeus followed me on my Instagram!" masaya kong sabi.

Saglit akong sumulyap sa katapat kung nasaan kita ang bintana ng kuwarto ni Amadeus. Patay na ang ilaw at mukhang nagpapahinga na siya. Bakit hindi ko agad napansin 'yon. Apat na oras na ang nakalipas sa notification na 'yon at hindi ko mapigilang kabahan at ma-excite. Parang kanina lang ang sama-sama ng loob ko. Tapos dahil lang sa nag-follow siya sa 'kin ay para na akong mababaliw.

[Kakagising mo lang ba, Milada? Nakatulog ka na ba o baka naalimpungatan ka lang?]

Bakas sa boses niya na antok na talaga siya at parang hindi pa napo-proseso ang sinabi ko.

[What?!]

Kalaunan ay muli niyang sabi.

"Yes..." kagat labi kong sabi at pumasok na sa loob ng kuwarto ko.

[Ang tanda ko ay wala naman siyang Instagram account bukod sa Facebook na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin ina-accept!] 

Sumimangot ako sa huling sinabi niya.

"Malay ko," tumigil ako saglit. "Baka naman gumawa siya?"

[Ay, ewan ko, Milada! Bukas na nga tayo mag-usap at antok na antok talaga ako!]

"Yeah, yeah! Thank you for answering my call..." humagikhik ako.

[Of course, it's you! Bye good night you witch!]

Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon