I smirked when I saw Cassie with Aiden. Namumula pa ang mga pisngi nito ng alalayan siya pababa ng sasakyan ni Aiden. Bumaling ako kay Amadeus sa tabi ko na parang walang pakialam sa paligid.
"Sila na ba?" hindi ko na mapigilang itanong.
"I don't know, Milada..." napanguso ako sa sagot niya.
Simula ng matapos ang camping na nangyari sa Tagaytay ay mas naging malapit kami ni Amadeus sa isa't-isa.
I'm allowing him to be near me. I take it slowly. We take it slowly.
Ayaw kong magpadalos-dalos dahil lang sa sinabi niya na gusto niya ako. Everything still shocked me. Alam ko sa sarili ko noon na malabong magustuhan ako ni Amadeus. But then, when he confessed, everything I thought was banished.
He’s being gentle with me. Noong sinabi niya ng gabi na mag-usap kami na babawi siya ay ginawa niya nga. He always makes me feel he’s being sorry for what he's done.
Napatawad ko na siya pero gusto ko din na ipakita niya sa akin na bumabawi siya. And he did. He always makes an effort for me that I really appreciate.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanya na gusto ko rin siya. Alam kong merong tamang panahon para sabihin ko 'yon sa kanya. Pero tulad nga nang sabi ko ay gusto kong dahan-dahanin muna ang lahat.
"Hindi pa rin ba uuwi ang tita mo?" umiling ako.
"Pero nakuha na rin naman daw nila ang titulo at ang mismong lupa. Hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umuuwi dito sa Laguna." Sagot ko.
"Mahirap na mag-isa ka lang sa inyo," ngumiti ako.
"Magiging ayos lang naman ako. Isa pa, pumupunta-punta naman si Tita Analyn at ikaw. Okay na ako doon.”
"But then, kailangan pa din na may kasama ka sa bahay."
“Lagi naman kami magkausap ni Tita Kilari. Gusto ko na rin na may kasama sa bahay pero mas importante ang ginagawa nila doon. You don’t have to worry, Amadeus. Nasa tapat lang din naman ang bahay niyo. If ever danger happens I’ll run to your house immediately.” Ngumiti ako.
Sumimangot naman ito sa sinabi ko.
“Just always make sure that the door is locked. Maraming akyat bahay, Milada. Even though our subdivision is highly secured, we cannot see what those thieves might do just to get in.”
Tumango-tango ako sa kanya.
Nandito kami ngayon sa Mall of Asia para maglibang. Dapat ay kaming dalawa lang talaga ni Amadeus pero saktong pumunta sa bahay si Cassie at wala na kaming ibang choice kundi ang isama siya. Mukhang tinawagan din kasi ni Amadeus si Aiden kaya kasama na rin namin ngayon.
Kumain lang kami at naglakad-lakad. Kwentuhan at kung ano-ano pa. Bawat araw na nakakasama ko si Amadeus ay mas lalo ko siyang nakikilala.
He's slowly opening himself to me. At masaya ako na ginagawa niya 'yon. Na kahit ako ay hindi na maiwasang magkwento sa kanya ng mga nangyari sa buong araw ko.
"You wanted to go to Albancia?" tumango ako.
Nakaupo kami sa may tabi ng bay at doon na muna nagpahinga. Wala sila Cassie at Aiden at hindi na rin naman namin tinangkang hanapin ni Amadeus dahil tatawag naman ang mga 'yon.
"Hmm," sagot ko. "Alam mo ba, pumunta ako roon..."
Nasabi ko dahilan para lingunin niya ako.
"What did you do?" ngumiti ako ng maliit sa kanya.
"Sumama ako kay Cassie kasi gusto kitang makita... at malaman kung maayos ka lang ba..." sinilip ko siya at nakitang nakaawang ang labi nito. Bakas ang pagkabigla.
BINABASA MO ANG
Secret Glances
RomanceOperation Series #1 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Since childhood, Amadeus has had Milada's heart. In the quiet spaces of her soul, her feelings have developed from the shy ten-year-old who steals glances across the playground to the excited teenager who runs th...