Para akong tuod na gulat na gulat sa kanya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan at nanatiling nakatingin sa lalaking masungit na ang mukha ngayon. Malakas ang kabog ng aking dibdib at hindi alam kung anong pakiramdam ba ang nararamdaman ko ngayon.
Saya? Pagkalito? Kilig?
Hindi ko alam...
Hanggang sa makababa kami sa jeep ay para pa rin akong lumulutang tuwing naaalala ko ang sinabi ni Amadeus kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero ng marinig ko 'yon mula sa kanya ay ibang pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon.
Naglakad kami papasok sa subdivision pero wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tanging tunog ng aming paglalakad.
Tunog ng mga sanga ng puno buhat sa malakas na hampas ng hangin.
Tunog ng aming mga paghinga.
Nangingiti ako at alam kong kapag tumingin siya sa akin ay makikita niya 'yon.
Ayaw kong mag-assume. Pero hindi ko mapigilang maisip na baka... baka nagseselos siya kay Radin. Alam kong imposible lalo't hindi naman gano'n ang pagkakakilala ko kay Amadeus. Kapag sinabi ko 'to kay Cassie ay tiyak kong tatawanan niya lang ako. Pero kalaunan ay alam kong kikiligin din. At kasunod no'n ay ang pangaral niya.
"I'll tutor you later. Magpapalit lang ako," kagat labi akong tumango sa kanya at tumalikod na para pumasok sa aming gate.
Walang lingon-lingon na pumasok ako sa loob ng bahay at dahan-dahan na isinara ang pintuan. Nang magawa 'yon ay mabilis akong tumakbo paakyat sa kuwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Ibinuhos ko ang tili sa unan na nakalagay sa aking mukha. Nagawa ko rin sumipa-sipa dahil sa hindi mapigilan na kilig.
Tumihaya ako at tiningnan ang kisame. Hindi pa rin nawawala ang masayang ngiti. Iba talaga ang epekto sa akin ng sinabi niya.
"Baliw na yata ako..." I mumbled.
Gumulong-gulong ako sa kama bago nagpasyang magbihis. Hindi naman nagtagal ay dumating si Tita Kilari. Babatiin ko sana siya pero dire-diretso lang itong umakyat sa hagdanan at parang hindi ako napansin.
Natigilan ako at sinundan siya ng tingin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang namumugto niyang mga mata.
Umiyak na naman ba siya?
Susubukan ko sanang sundan siya ng tumunog na ang doorbell hudyat na nasa labas na si Amadeus. Pero nagkamali ako. Ang lalaking ito...
"Sino po sila?" magalang kong tanong.
Tinitigan ko siya at habang tumatagal ay napagtanto ko na ito ang lalaking pumunta rin dito sa bahay. Naka-suit pa siya at mukhang galing sa trabaho. Tumingin ako sa likod niya at nakita ang magandang sasakyan doon. Alam kong may ipagmamalaki naman kami sa buhay ni Tita Kilari, pero kumpara sa sasakyan ng lalaking ito ay mukhang mas angat siya sa amin.
Nakita kong tinitigan niya ako. Gulat at pagkamangha ang siyang nakikita ko sa mukha niya.
"A-Are you... Milada?" nagulat ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko.
"Kilala niyo po ako?" kahit nagtataka na ako sa kinikilos ng lalaki ay nagawa ko pa rin na maging magalang sa kanya.
"Ako nga po," tumango siya at ngumiti. Mukha siyang masaya at mayroon pa akong nakita sa kanyang mga mata na hindi ko naman mapangalanan. "Pero... sino po ang sadya niyo?"
"Oh... nandito ba si Kilari?" hindi nga ako nagkamali. Si Tita Kilari ng ang hanap niya.
"Ah, bakit po?" tanong kong muli.
BINABASA MO ANG
Secret Glances
Storie d'amoreOperation Series #1 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Since childhood, Amadeus has had Milada's heart. In the quiet spaces of her soul, her feelings have developed from the shy ten-year-old who steals glances across the playground to the excited teenager who runs th...