Hindi pa rin nawala sa isip ko ang huling naging usapan namin ni Amadeus. Pagkatapos niya kasing sabihin iyon sa akin ay nakitaan ko siya ng hiya at pag-aalinlangan. Kaya naman kahit ako ay nagulat sa hiniling niya ay isang tango na lang ang aking naging sagot.
Isa pa, wala namang problema sa akin iyon kung gusto niyang dadalhan ko siya lunch.
[So, sinasabi mo na hiningi niya ang number mo?]
"Oo, Cassie. Siguro para sa lunch lang na gagawin ko sa kanya."
Narinig ko ang malakas niyang tili mula sa kabilang linya. Tumawag kasi ito dahil bialita niya sa akin na nagpacheck up siya para sa first trimester niya ng kanyang pagbubuntis.
[Kumikilos na! Aiden!]
I heard him call her husband. Napangiti ako at tinakpan na ang tupperware na may laman ng pagkain ni Amadeus.
[You know what, Milada, maybe this is the time for the two of you. You can try it again. Wala naman ng pipigil sa inyong dalawa.]
"We're fine with this kind of set up, Cassie."
[Para sa'yo, oo! How about Amadeus? Did he talk to you again about his feelings for you?]
"Hindi, Cassie..." I heard her sighed.
[Baka ayaw niya lang ungkatin sa'yo.]
"I don't know. Hindi ko rin naman naiisip," I heard her groaned.
[Oh come on, Milada! Hindi na kayo mga bata. Like duh! Super halata niyo sa totoo lang. He wants you to take him a lunch and ikaw na gusto rin naman na dalhan siya. It's just that you have no proper conversation about your setup.]
"Walang setup, Cassie. We're just being civil-"
[Luma na 'yan! Hindi na ako naniniwala sa civil-civil na 'yan because I know deep down you also like him! You still like him, Milada! You love him! It's just that you're still scared.]
"It's not easy, you know..." bumuntong hininga ako. "Nagkita rin kami ni Angel and she apologized to me. She wants me and Amadeus to get back to each other. May pamilya na rin siya."
[Wag mo sabihin sa akin na pinatawad mo siya agad?!]
She's mad. I know it.
"Hindi. Pinakinggan ko lang... hindi iyon ganun kadali."
[Yes, Milada. Oh I missed you so much! Kung sana'y nandyan ako sa Laguna e di sana naka-heart to heart talk tayo!]
Rinig ko ang pagmamaktol nito sa kabilang linya kaya natawa na lang ako.
"Just take care of yourself, Cassie. Tsaka ka na dumalaw kapag nakapanganak ka na. Ako na lang ang dadalaw sa'yo kapag hindi na hectic ang schedule."
Tumawa ito
[Hectic ang schedule? May time ka ngang paghandaan ng lunch si Amadeus!]
Umirap ako dahil nagsisimula na naman siya sa panunukso.
Binalewala ko na lang ito at nagpaalam na sa kanya. Malapit na ang lunch time nila Amadeus kaya kailangan ko nang umalis.
Pinasok ko sa brown paper bag ang nga pagkain para kay Amadeus. Kumpleto iyon. May lunch, snacks, drinks at iba pang pagkain.
Bumuntong-hininga ako.
Parang ang dating ay ayaw kong magutom si Amadeus sa trabaho niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa oras na mabigay ko ito sa kanya.
I drove my car towards the site. Medyo na traffic pero sumakto naman ang dating ko. Pagdating ko kasi ay halos kabababa lang nila.
Nahanap agad ng mata ko si Amadeus kausap ang ilang engineers. Tumingin ako sa hawak kong brown paper bag at nagsimula ng lumapit sa shed. Hihintayin ko na lang na matapos siya sa pakikipag-usap.
BINABASA MO ANG
Secret Glances
RomanceOperation Series #1 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Since childhood, Amadeus has had Milada's heart. In the quiet spaces of her soul, her feelings have developed from the shy ten-year-old who steals glances across the playground to the excited teenager who runs th...