Kabanata 16

1.1K 23 0
                                    

Kaharap ang TV kung saan nanonood ako ng movie ay ilang buntong-hininga na ang ginawa ko. Wala naman akong naiintindihan dahil ang isip ko ay lumilipad sa kung saan. Tama si Cassie, sobra-sobrang pagkabagot ang nararamdaman ko ngayon lalo't mag-isa lang ako. Ayaw ko naman din istorbohin ang mga kaibigan dahil ang mga 'yon ay may kanya-kanyang ginagawa rin.

Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Agad ko iyong sinagot lalo na ng makita ang pangalan ni Tita Kilari sa screen ng cellphone ko.

"Hello..."

[Kamusta diyan? Kumain ka na ba?]

Iyon agad ang bungad niyang tanong sa akin.

"Tapos na, 'Ta. Kayo? Kamusta diyan? Kamusta ang ginagawa niyo?" narinig ko ang buntong-hininga niya mula sa kabilang linya.

[Heto at pahirapan sa mga papel na kailangan asikasuhin. Paano ba naman kasi ay itinakbo ng nagbenta ng lupa ang titulo ng biniling lupa ni Ate Miranda. We already filed a report at salamat talaga sa impluwensya ni Payton at mapapadali ang trabaho rito.]

Tumango ako kahit pa hindi niya naman nakita 'yon.

[Kamusta ang prom mo? Hindi ka na sa'kin tumawag pagkatapos no'n at nagsend ka lang ng picture. Hindi rin kita matawagan dahil sa dami ng ginagawa...]

"Ayos lang, Tita. Hindi nga lang dumating si Amadeus. Pero ayos lang... nandoon naman ang mga kaibigan ko."

[Ay! Hindi pa rin ba nakakauwi ang mga Contrejas?]

"Hindi pa po..."

[Eh, kamusta naman? May mga nakasayaw ka ba? Marami?]

Napahalakhak ako at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.

"Apat lang po. Si Radin, Ulrim, Ulrid at Aiden..." sabi ko.

[Huh? Sino si Aiden?]

Oo nga pala, hindi niya ito kilala.

"Ka-date ni Cassie, 'Ta. At future husband na rin siguro..." natatawa kong sabi.

[Ay naku! Kung ano-anong sinasabi mo riyan! Oh, siya at ibababa ko na 'to. Tatawag ulit ako sa'yo mamaya kaya bantayan mo ang cellphone mo.]

"Yes, po..." at tuluyan na nga niyang binaba ang tawag.

Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang magkulong sa kwarto at miminsan ay nagbubukas ng TV para naman hindi ako gano'n ma-bored. Kinabukasan ay pasukan na naman pero hindi na rin naman magkaklase lalo't compliance na lang ng mga estudyante.

Kasama ko ang grupo at kahit kasama ko ang mga ito ay may kanya-kanyang pinaglilibangan. Ako lang ang wala dahil wala naman ako sa mood. Ang tatlong lalaki ay naglalaro ng mobile games. Ang sabi'y si Aiden daw ang nagpakilala sa kanila no'n. This three boys are not really active with this kind of matter. Kaya nakakagulat na libang na libang sila roon.

"Wait lang, Milada..." tumango ako kay Cassie ng umalis ito.

Nanatili lang akong nakaupo sa upuan hanggang sa hindi pa nakakalipas ang ilang segundo ay bumalik si Cassie na hinihingal.

"Milada!" nagmamadali siya at agad akong hinila patayo. Napatingin din ang mga lalaki sa amin pero binalik din ang tingin sa ginagawa.

Hinila niya ako palayo roon hanggang sa bumalik kami sa building ng aming strand. Naguguluhan ko siyang tiningnan kaya ng makarating kami sa classroom ay doon niya lang ako binitawan.

"Amadeus is back!" she said and looked happy for me.

Binundol agad ako ng kaba at mabilis na nilibot ang tingin sa loob ng classroom. And there! I found him sitting on his seat while my classmates are there like he is in kind of interogation. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko dahil nandito na nga siya. Kahit na katabi niya si Angel ay hindi no'n natakpan ang galak at saya na nandito na siya ulit.

Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon