Chapter 7
Dedicated to ciandreikyleeeee my pretty cousin, 'wag pa ka stress sa story ko bii haha.
“Nababasa ako! Tama na!”
“Ay ‘di marunong lumangoy.”
“May pating!”
“May bangka!”
“May chix!”
Napatingin nalang ako sa mga nag-iingayan na dugong. Hulaan niyo kung ano nangyayari ngayon. Hah! Sinasabi na nga ba! Project—project pang nalalaman, swimming! Yun yon!
I looked at them ridiculously. What they’re doing is right. What’s not right is that they just forgot that there’s a camera! Nagpagod ako sa paggawa ng dialouge tapos hindi din naman pala gagamitin!
“Hoy! Tama na yan! Mag-intro muna tayo!” Pero para lang silang nabingi. Ni lumingon, wala.
“Yung mga dialogue niyo! Bumalik muna kayo dito!” Croo—croo. Oo, sound yan ng kwago. Kahit walang kwago dito.
Puro tawanan at hampas lang ng tubig ang nadidinig ko. Sige lang classmates, ubusin ko pagkain natin sa cottage!
Obvious naman na ayaw nila papigil, magsasayang pa ba ako ng laway? Napatingin ako sa kanila, kumpleto sana kung andun ako at nakikisali at kung andun din si Ziggy. Kaso wala.
Napatingin ako sa paligid, walang bakas ng panget—masyado ko naman ata siyang nilalait, bawasan ko. Walang bakas ng tsokolate. Oh? Okay na?
Sa’n naman kaya yun nagpupunta? Bahala siya sa buhay niya, isa pa siyang sakit sa baby hair—wala kasi akong bangs. Binalikan ko sila ng tingin.
“Bahala kayo diyan! Sinasayang niyo lang ang oras. Kung sana inuna niyo muna yung project natin bago yan!” Makakapaligo naman kasi, ‘di pa nakapag-hintay.
Nang wala pa din pumansin sakin, tinalikudan ko na lang sila. Dumiretso ako sa cottage namin. Napatingin ako sa mga iniwang pagkain nila sa lamesa. Eh kung i-mukbang ko nalang kaya ang lahat ng ito? Tapos ito isubmit ko.
Pwede…
Naririnig ko silang sumisigaw sigaw. Di ko maintindihan sinasabi nila, actually. Asa’n ba kasi si Ziggy? Kung andito yun, nasaway niya sana yang lahat.
“Huwag mo ng balakin na gumanti samin, gagantihan ka din namin.” Tumaas ang balikat ko sa gulat. Napalingon ako at ang nakita ko ay si Asia na pilit binubuksan ang tsitserya sa kamay niya.
“Huwag ka din mang-gulat! At bakit nandito ka na? Nagutom ka kaya ka umahon?” Lumungkot ang ekspresyon na ipinakita niya sakin.
“Grabe ka naman sakin Cealli, parang ‘di mo ako kaibigan ah?” Kanina yun, ngayon hindi na! Bigla siyang ngumisi sakin.
“Masyado mainit ulo mo. Not in the mood? Bakit?” Tumaas taas pa ang kilay niya. Sigurado ako may sasabihin nanaman itong kung anong teorya.
“Sino ba naman ang matutuwa kung sinabing gagawa ng project pero nagswi-swimming ngayon?”
BINABASA MO ANG
Sparks Fly (SS1)
RomanceI don't believe in unrequited love, love untold, love destiny and couple fates. Like..it's the persons fault. Why would settle being quite? Why would you slack off and let the so called fate do its work? Did Juan Tamad got the guava when all he...