Chapter 10
May eraser ba para sa mukha? Gusto ko lang kasi I-erase ang mukha ni Ziggy. Oo mukha niya at hindi ang mukha ko. Siya mag-adjust.
“Ano nanaman?” Sarap burahin ng mukha niyang nagmamayabang. May pa smirk smirk pa, ‘di naman nagmukhang Dao Ming Si ng China. Fakeeee!
Umiling iling siya na parang sobrang lala ko na. “Yun oh! Magco-confess si Cealli.” Ba’t sa ganitong mga bagay active sila pero sa recitation hindi?
“May sasabihin ka daw?” Siguro namumula na ako ngayon at mukha ng puputok ang ulo ko. Halo halo nararamdaman ko. Kinakabahan, natatakot, naiinis, nanggigigil, at natutuliro na may kasamang very very light na kilig.
“Wala! Kaya umalis ka na diyan sa daanan dahil masyado kang malapad at nahaharangan mo ang upuan ko.” Balak ata ako pag-tripan at nagsama pa ng mga with highest honor namin na mga kaklase sa trip niya.
Yung sa sobrang talino, tatanggapin mo na lang na ang baboy marunong lumipad. “Hmm… Iba nakarating sakin eh.” ANG PANGIT MO ZIGGY! MASYADO KANG PA-POGI!
“Naniwala ka naman? Balak lang tayo niyang pagtripan.” Kalmahan lang natin. Agad nagprotesta ang mga kaklase ko.
“Weeh? Iba ang sinabi mo eh!” Gatong ni Ronnie. Napatingin ako sakanya. “Wala kaya akong sinasabi! Katol ka ata ng katol! Kung ano ano naririnig mo.” Napatawa sila at nahawa din ako.
“Uyy! Kinikilig ka Cealli? Mukha ka ng Tomato!” Si Quen. Ikaw nga ang kapal ng blush on mo, mukha ka ng Floor wax. Peace? Hehe.
“Natawa lang ako! Para kasi kayong mga abnoy. Kung ano ano nalang naiisip niyong issue.” Mabigat din ang bag ko, sana naman lumayas ka na sa upuan ko Ziggy.
“Hindi umamin ka muna! Yiee!” Kantyaw pa nila. “Uyy! Aamin na yan!” Napapangiti ako sa mga itsura nila. Na naging dahilan pa ng pag-usbong ng kantsawan.
Napatingin ako kay Ziggy. Seryoso siyang nakatingin sakin. Dahan dahan nawala ang ngiti ko. Mukhang hindi na din niya nagugustuhan ang nangyayari. Ako din naman eh!
“T—tama na nga! Overthink kayo ng overthink. Iba n—naman ang crush ko! Tignan niyo nga yan,” Tinuro ko ang mukha ni Ziggy. “Kamukha niya ba si Chocolate? Hindi naman diba?” Hindi pa din sila kumbinsido.
“A—at saka, Iniisip ko kasi yung crush ko kaya nabanggit ko nalang bigla ng tinawag ko si Ziggy.” Wala na akong pake kung ayaw nila maniwala basta tumigil lang sila.
BINABASA MO ANG
Sparks Fly (SS1)
RomanceI don't believe in unrequited love, love untold, love destiny and couple fates. Like..it's the persons fault. Why would settle being quite? Why would you slack off and let the so called fate do its work? Did Juan Tamad got the guava when all he...