CHAPTER 12

3 1 1
                                    

Chapter 12

"Hindi tayo kasya sa sasakyan ni Lau. Kaya yung iba mag-commute nalang." Agad naman na nagreklamo yung iba. Nasa loob na ako ng sasakyan ni Lau, syempre barkada kaya comfortable ang ako.

Papunta kami ngayon kina Ziggy. Bibisitahin daw namin, para daw magmukhang caring kaming classmate. "Malapit-lapit lang naman ang bahay nila. Hindi naman kamahalan ang pamasahe." Well, kung ako din naman talaga, di nalang din ako pupunta. Hindi libre ang pamasahe eh.

Charot. Duh? Kahit ilang libo pa ang pamasahe, pupuntahan ko yun.

Konti lang naman kami. Trese lang naman kami na bibisita. Hindi naman close lahat ni Ziggy at hindi din naman lahat may pake sakanya. Pero nag aalala nga ako. Baka mamaya galit sakin yung mga magulang niya. Or si Ziggy mismo ang galit sakin : (

"Good Morning po. Bibisita po kami kay Ziggy. Mga kaklase niya po kami." Andito na kami sa bahay nila. Hindi naman 'to ang first time kong punta dito. Pag birthday niya, nandito kaming lahat. Or group projects, dito namin ginagawa. Pero hindi palagi. Pangatlong beses palang ako nakapunta dito.

"Good Morning! Come in, come in. Ziggy will be glad to see you all." Maligayang bati samin ng mommy niya. "Actually, kanina pa niya kayo hinihintay." Kinilig naman ako. Miss na miss na siguro ako ng Ziggy ko.

Inabot namin yung mga pagkain na binili namin para kay Ziggy sa Mommy niya. Nahihiya siyang tumawa. "You guys are so thoughtful. Hindi na sana kayo nag-abala!" Sus. Ganyan din yung nanay ko. Kunwari pang 'wag na kayo mag-abala' gustong gusto naman. Bagay talaga kami ni Ziggy.

"He's in his room. Getting some rest. Again. Or maybe playing online games. You can all go there. Iprepare ko lang yung mga snacks." Pagkaalis ni Tita sa harapan namin ay dali daling pumunta kami sa room ni Ziggy. I mean, sila lang. Yung mga boys specifically. Kaming mga girls, demure dapat.

"Repapips! Namiss ka namin!"

"Uwi ka na! Di na ako galit!"

With matching damba. Tawa agad ni Ziggy ang bumungad sakin. Napangiti ako. Namiss ko siya.

Nang magtama ang mata namin. Agad niya akong sinamaan ng tingin. Nagpeace-sign ako. "Hi. Hehe. Kamusta?" Lalong sumama ang tingin niya at inirapan ako. Lalo akong napangiti, ngayon ko nanaman nakita yan pagsusungit niya.

"Di ka man lang magso-sorry?" Napa-amang ako. "Bakit?" Siya naman ngayon ang napa-amang. "Anong bakit? Napilayan ako kasi ang bagal mo tumulong sakin! Kaya napilayan ako" Napaismid ako.

"Hindi naman ako yung tumumba sayo. Kung 'di ka sana natumba, edi 'di ko kailangan humingi ng tulong." Natawa sila except kay Ziggy. "Kasalanan ko ganon?" Huwag naman sana niya ako paalisin. "Slight...?"

"Tama na nga yan. Para nanaman kayong timang. Walang kwenta naman yan pinagaawayan niyo." Nakaupo si Ziggy sa kama niya, nakasandal sa headboard at hawak ang phone niya. "Pero, pwera biro. Namiss ko yan away niyong dalawa." Umugong ang kantsaw. Napangiwi ako. Pati si Ziggy. Pero syempre peke yung akin, pinipigilan ko lang lumabas yung ngiti kong malaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sparks Fly (SS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon