CHAPTER 5

4 2 0
                                    

Chapter 5

Para akong matatae. Ay hindi pala, kinakabag. Baka mamaya may masamang hangin pang dumapo sakin at magkatotoo yan, ayaw ko naman magflying saucer dito.


Dumagdag pa 'tong si Ziggy. Mas lalo ko tuloy naramdaman tiyan ko. Gusto kong kiligin pero may pumipigil sakin.


"Ano bang pumasok sa utak ni Ziggy at may pasundo-sundo pa siyang nalalaman?" Fluttered kong tanong kay Asia, tutal siya naman nagsabi sakin ng balita.


"Ang tagal mo daw kasi, baka 'di ka makapunta dahil 'di ka pinayagan." Napahawak ako sa tiyan ko. Napangiwi na ako. Pa epal na tiyan 'to, wala pa naman akong katinko. Napatingin sa tiyan ko si Asia.


"Tsk! Baka mas lalo pa akong 'di payagan niyan. Lalaki ba naman magpaalam? Baka kung ano isipin ng mga magulang ko, green minded pa naman yung mga yun." Natawa naman sina Ron at Asia. Totoo naman. Kung ano ano iniisip.


Kaya 'di ko tuloy magawang kiligin talaga dahil baka mapagalitan pa ako.


"Ayan na pala si Ziggy, tagal mo naman! Andito na si Cealli, kakadating lang." Agad hinanap ng mata ko si Ziggy. Pero wala akong nakitang Ziggy na galing kalsada. Galing sa loob ng school, Oo.


Nagtataka man kung bakit siya lumabas sa school at di sa tricycle o ano pa man. Nilapitan ko siya. Dinaan niya ako ng tingin at umiwas.
Galit ata.


"Ziggy sorry, hindi ko naman kasi alam na susunduin at ipagpapaalam mo ako sa magulang ko, nasayang pa tulo—" Kunot noo siyang tumingin sakin. Patay. Bubugahan ata ako nito ng apoy.



"Anong susunduin?"  Ako naman ngayon ang naka kunot ang noo.


"H—ha?" Hinarap niya na ako ngayon. Nakita ko na nakatingin samin sina Asia. At parang pinapanood kami.


"Ba't naman kita susunduin?" Nakangisi na siya sakin ngayon. May pumasok na sa isip ko kung among nangyayari ngayon. Napa-sulyap ako kay Asia.


"Sabi kasi... Sabi sakin ni Asia pinuntahan mo daw ako sa amin para ipagpaalam ako sa mga magu—" He cut me off.

"Naniwala ka naman?" Sinasabi na nga ba't! Napatingin ako kay Asia ng masama. Lagot ka sakiiiin babaitaShe raise her both handa as if surrendering.


"Eh—" He cut me off again. Ayan na! Ayan na! Lalaki nanaman ulo nito! Sigurado akong kung ano ano na ngayon ang iniisip nito! Magyayabang na ito!

Sparks Fly (SS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon