KHLOE'S POV
"Bakit kuya?" tanong niya ng pumasok siya sa loob ng music room. Ipinatawag kasi siya nito at may paguusapan daw sila.
"Tabihan mo ako..." sabi nito kaya agad siyang tumabi dito sa sofa. Halata sa mukha nito ang pagod at lungkot.
She knows he's just trying to be strong for her and for the baby but she knows he's hurting a lot. Ganun ang kapatid niya, hindi ito mahilig magpakita ng emosyon kahit na hirap na hirap na ito.
"Kinabukasan after ng binyag ni Stacey, lilipad na tayo papuntang US..." sabi nito. "Okay lang ba 'yun sa'yo? Baka napipilitan ka lang? Pwede pang magbago ang isip mo Khloe. We can stay here if you want... "
Umiling siya at isinandig ang ulo sa balikat ng kapatid, "We both need this chance Kuya, we both need a new life..." mahinang wika niya.
Itinaas ni Liam ang isang braso at inakbayan siya, "Tama ka, we can do this together..."
Nag-angat ng ulo si Khloe at tinitigan ang kapatid, "Oo naman Kuya. Hindi kita iiwan. Malaki na ako, kaya na kitang tulungan at suportahan. This time, ang pangarap mo naman ang tutuparin natin..."
Napangiti ito sa sinabi niya, "Thank you baby girl..."
Ngumiti siya, "Nasabi mo na ba kay Alessandra ang plano natin?" tanong niya.
"Hindi pa, hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin sa kanya. But sure, I'll think about it..."
Tumango siya at tumayo na, "Maiwan na kita Kuya, sa kwarto lang ako..." paalam niya at iniwan na ito. Dumiretso na siya sa kwarto niya at nagkulong roon. Naupo siya sa gilid ng kama niya at dinampot ang framed picture nila ni Ocean. Hinaplos niya ang larawan nito at malungkot na ngumiti. Friday na ngayon at sa Monday na ang flight nila, she has two days left before she says goodbye to him.
Binitawan niya ang picture at dinampot ang cp niya, she dialed a number and waited till someone answered from the other line.
"Hi Raiden, yes I'm okay. Pwede ba akong humingi ng favor sa iyo?"
OCEAN'S POV
Kumunot ang noo niya ng makitang binisita siya ni Jazzmin at Raiden. Sunday afternoon at balak sana niyang magpunta sa court at mag-basketball.
"Well, anong himala ang nangyari at pinuntahan niyo ako?" tanong niya sa dalawa habang nasa sala sila. Ibinaba niya sa isang sofa ang dalang duffel bag.
"Gusto ka lang sana naming kausapin..." pauna ni Raiden.
"About what? Parang ang seryoso niyo ah!" natatawang tanong niya.
"It's Monday tomorrow, kakausapin tayo ni Liam after ng binyag ng baby niya. We will be disbanding the group..." sagot ni Raiden.
Nagulat siya sa balitang iyon, "Bakit daw?" tanong niya.
"Bukas na rin ang scheduled flight nila ni Khloe. Pupunta na sila sa Amerika..." si Jazzmin ang sumagot.
Natilihan siya pero agad din siyang nakabawi. He tried to ignore the fact that Khloe's going away. "Sige, saan daw ba tayo maguusap?"
"I'll confirm that with Liam, pero hindi yan ang talagang pakay namin sa'yo. We're here because Khloe asked for our help. Gusto ka niyang makausap bukas bago ang flight nila. And she's right, both of you need to talk..." sabi ni Raiden.
"Ayoko siyang makausap..." he said sternly.
Nanlaki ang mata ni Jazzmin, "Ocean naman, kahit bukas lang. She really wants to talk to you, last na naman 'to, kasi baka di na sila bumalik dito. Please, pagbigyan mo na siya..."
BINABASA MO ANG
The Guitarist- Heartstrings
Teen FictionKhloe and Ocean. Ocean and Khloe. They were the best of friends. Pero hanggang doon na nga lang ba sila? Khloe did everything to make him happy. Ocean was angry and drove her away. Will their hearts find its home when both of them were broken a...