Chapter Ten: The New Guy

118 5 2
                                    

KHLOE'S POV

"Thank's, manang..."naka-ngiting wika ni Jazzmin ng ihatid ng kasambahay ng mga ito ang tray ng merienda sa garden kung saan naroon sila. Kasalukuyan nilang tinatapos ang isang project nila kung saan sila ang magka-partner. Nang bumalik sa loob ng mansyon ang katulong ay ibinalik ni Jazzmin ang tingin sa kanya.

"Nagka-usap na ba kayo ulit ni Ocean?" tanong nito.

"Let's not talk about him, Jazz..." paiwas na sagot niya at itinuloy ang ginagawang pagbabasa.

Nagkibit-balikat naman si Jazzmin, "Ikaw ang bahala..." sabi nito at napatingin sa direksyon ng gate nila, bumukas kasi iyon at may pumasok na sasakyan.

Sabay na kumunot ang noo nila dahil ang alam niya ay wala namang inaasahang bisita si Jazzmin.

"Sino yun? Dumating na ang Daddy mo?" tanong niya.

Umiling si Jazzmin, "Nope, hindi 'yan ang car ni Daddy..." sagot nito at inabangan ang pagbaba ng driver. Isang brand new Porsche sportscar ang nasa harap nila ngayon, and whoever's driving it must be handsome.

Parehas nilang napigil ang hininga nila ng bumukas ang pinto sa driver's side at lumabas ang isa sa mga regalo ni Zeus sa mga kababaihan, naka-ngiti ito sa direksyon nila.

"You know him?" mahinang tanong niya, hindi niya maalis ang tingin sa bagong dating.

She was mesmerized by the sight of the man, para itong modelo na bumaba sa sasakyan nito. He was wearing a casual white shirt, jeans and sneakers, sa mata ay isang original Ray Ban aviators. But the way he carried himself, made it look like he's walking straight from a photoshoot.

Ngumiti si Jazzmin, "Yeah, that hunk happens to be my gorgeous cousin..." pabulong na tugon nito at nginitian ang bagong dating na ngayon ay palapit na sa kanila, "Hi, Nate..." bati nito.

Nate was still smiling when he finally reached them, "Hi, Jazz..." bati nito sa pinsan pero ang tingin ay nasa kanya, inalis pa nito ang suot na salamin.

"Nate, meet my friend Khloe..." sabi nito at binalingan siya. "Khloe meet my cousin Nate..."

Agad inilahad ni Nate ang palad sa harap niya, "Happy to meet you.." sabi nito at simpatikong ngumiti. Hindi naman napigilan ni Khloe ang mapangiti sa unique na pagbati nito. She extended her hand at nakipag-kamay dito, "Same here..." tugon niya.

"So what brought you here, dear cousin?" tanong ni Jazzmin sa pinsan na umagaw sa atensyon nito.

Lumingon si Nate sa pinsan matapos pakawalan ang kamay niya, "Where's your Dad? Inutusan ako ni Mama, may ibibigay ako sa kanya..." sagot nito.

"He went out, hindi ko alam kung saan nagpunta..." sagot ni Jazzmin.

Napaungol ito at ngumiti, "So I guess I have no choice but to stay until he comes back..." sabi nito at umiling.

"Would you mind if I stay here with you? Hindi ako manggugulo, promise..." sabi nito at itinaas pa ang kanang kamay.

Jazzmin eyed her, siya naman ay tumango bilang pagpayag. "No problem, couz. Stay if you want. Malapit na rin naman kaming matapos..."

Ngumiti ito at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Khloe. "Tungkol ba saan yan? Maybe I can help..."

"It's a proposal. It's for our Economics subject, kunwari ay magtatayo kami ng business. And we chose a resto/bar dahil medyo familiar na kami doon. We have a friend who owns one kaya hindi na kami nahirapan maghanap ng mga kailangan namin..." sagot niya.

"And? Ano na lang ang kulang niyo?" tanong pa nito.

"We need a blueprint for our resto/bar or kahit sketch lang ng magiging itsura ng business namin. Nahihirapan kami kasi parehas kaming walang talent ni Jazz sa drawing..." sabi niya at tumawa.

The Guitarist- HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon