Chapter Twenty Five: Mikhael

99 2 0
                                    

KHLOE'S POV

Nang makabalik sila sa resort ay agad silang dumiretso sa kani-kanilang kwarto. Napagdesisyunan nilang magkita-kita sa restaurant ng hotel para sabay-sabay silang kumain ng tanghalian. Kasama naman niya sa iisang silid si Jazzmin kaya sabay na silang tumungo roon.

"Nakakapagod, nakakastress..." daing ni Jazzmin at ibinagsak ang pagal na katawan sa kama. Siya naman ay naupo sa tabi nito, "Sorry friend..." she said sincerely. Alam niyang nahihirapan ito dahil kay Raiden.

"It's okay, we really don't have a choice Khloe. Naiintindihan ko naman na trabaho ito kaya okay lang sa akin na maka-partner siya. But he is really giving me a hard time. Nahihirapan akong maka-trabaho siya..." sagot ni Jazzmin at bumuntong-hininga.

"I tried to talk to him, but he said this is the best that he could do..." she said and sighed. "Honestly, he's still so stubborn! Paano mo ba nagustuhan ang lalakeng 'yun?"

A sad smile crossed Jazzmin's face, "It was part of his charm back then, isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan..." she answered.

Agad namang napansin ni Khloe ang biglaang pagbabago ng reaksyon ni Jazzmin, mukha itong iiyak kaya agad niyang iniba ang usapan. "Ah... nagugutom na 'ko! Let's shower at sabay na tayong bumaba, baka mainip silang maghintay sa atin..." sabi niya sa pinasiglang tinig at tumayo na. Hinila niya si Jazzmin patayo, "Tara na at magpaganda..."

Natawa si Jazzmin, "Magpaganda talaga? Kailan ka pa naging concerned sa itsura mo? Kakain lang naman tayo. Ikaw ha, nagkabati lang kayo ni Ocean ganyan ka na..." tudyo ni Jazzmin sa kaibigan.

Nanlaki ang mata niya, "Tigilan mo nga ako! Bahala ka sa buhay mo dyan!" namumula ang mukhang asik niya sabay pasok sa loob ng banyo.

Nang makababa sila ay tanging sila na lang ang hinihintay ng grupo.

"Sorry, natagalan kami..." sabi nilang dalawa ng lapitan ang mga kasama nila.

"Bakit nga ba ang tagal niyo?" tanong ni Ocean.

Ngumiti si Jazzmin, "Si Khloe kasi, nagpaganda pa ng husto..."

Nang marinig iyon ni Khloe ay siniko niya ang kaibigan, "Sumakit kasi ang tiyan ni Jazz, hinintay ko pa siya..." sabi naman niya at binigyan ito ng warning look. "Pero okay na siya ngayon, di'ba Jazz?"

"Oo naman, okay na okay na ako!" exaggerated na sabi ni Jazzmin at inirapan siya, "Tara na guys, gutom na gutom na si Khloe..." ganti nito sabay ngiti ng matamis. Akma niya itong kukurutin ng disimulado itong lumayo sa kanya, lumipat ito sa tabi ni Ocean at dumila.

Huminga siya ng malalim at inirapan ito, "Tse!" sabi niya at nauna ng nagmartsa papasok ng restaurant. Nagkanya-kanya sila ng upo sa paligid ng longtable na naka-reserve na para sa grupo nila. "Wait, where's Raiden?" puna niya na mapansin na wala ito.

"Ewan ko dun, susunod na lang daw siya..." sagot ni Ocean na siyang ka-share ni Raiden sa kwarto.

Napatango siya, "Ah..." sabi niya at niyuko na ang hawak na menu. Inuumpisahan na niya iyong i-scan ng agawin ni Ocean ang menu. "Teka! Hindi pa ako nakapili..." sabi niya at akmang aagawin ulit iyon.

"I already ordered your food. And don't worry, alam ko na magugustuhan mo 'yun..." sabi nito at nginitian siya.

Umarko ang kilay niya, "Siguraduhin mo lang..." sabi niya at nginitian din ito. Sa isip ay alam na niya kung ano ang tinutukoy nitong pagkain.

THIRD PERSON'S POV

Nang dumating ang mga inorder nilang pagkain ay nagliwanag ang mukha ni Khloe ng makita ang pagkaing inihain sa harapan niya. Though she already expected it, hindi pa rin niya maitago ang tuwa niya. It's her favorite food so she immediately digged in and started eating.

The Guitarist- HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon