Chapter Thirty Two: Letting Go

98 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Bakit mo naman naisipan mag-leave?" tanong ni Khloe kay Jazzmin habang abala siya sa pag-aayos ng ilang gamit na dadalhin niya pabalik ng States. Ngayon ang flight niya at anumang oras ay darating na si Mikhail para sunduin siya.

"I need to take a break, Khloe. Ngayon lang ako nagbakasyon kaya gusto ko ng lubusin. Kapag bumalik ako sa States, puro trabaho na naman."

Nginitian ni Khloe ang kaibigan, "Asus, 'yun ba talaga ang dahilan? Tell me Jazz, anong nangyari nung naiwan kayo ni Raiden sa isla? Napansin ko kasi ang malaking pagbabago sa inyong dalawa mula ng makabalik kayo."

Namula ang mukha ni Jazz, "Wala ah, walang nangyari. Nagkausap lang kami..." sagot nito at tumikhim. "Iyon siguro ang napansin mo."

Natawa siya, "Fine, sabi mo eh..." sabi niya at isinara ang bag. "Basta bumalik ka sa States agad, ikaw ang maid of honor ko."

Napatingin si Jazzmin sa kaibigan, nagaalala siya para dito, "Are you sure you really want to marry Mikhail? Hindi ka ba magsisisi sa bandang huli?"

Napabuntong-hininga si Khloe at umupo sa tabi ng kaibigan, "I don't know Jazz, maybe I just have to make it work."

KHLOE'S POV

"Anong ibig mong sabihin na isa lang ang binili mong ticket? Do you plan on giving me an extended vacation?" nagtatakang tanong niya ng makaharap ang nobyo. Hinihintay na niya ito kanina pa dahil sabay silang pupunta sa airport.

Marahang umiling si Mikhail, "No, because you are going to stay here..."

Lalong kumunot ang noo niya, "A-anong ibig mong sabihin? I don't understand—"

"I am giving you your freedom now, hindi mo na kailangang magpakasal sa akin o magpanggap na mahal mo ako to save me from hurting. I want you to be happy Khloe, that's why I am letting you go now..." sabi nito at malungkot na ngumiti. "Be with him, Khloe..."

Napailing siya, "No..." tanggi niya at nagsimula ng magluha ang mga mata niya. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo—"

"You don't have to spare my feelings dahil alam kong si Ocean ang talagang mahal mo. I saw you both at the beach that night, nakita ko rin kung paano ka umiyak ng maghiwalay kayo, at narinig ko ang usapan niyo ni Jazz..."

Nawalan siya ng kibo dahil sa sinabi nito kaya muli itong nagsalita. "Nagpapasalamat ako dahil ako ang pinili mo kahit nasa harap mo na ang pagkakataong makasama siya at maging tunay na masaya. You atleast cared for me..." sabi nito at bahagyang pumiyok.

"I love you, you know that. Hindi ako nagsinungaling ng sabihin ko sa'yo na mahal kita..." umiiyak na wika niya. Nakikita niyang nasasaktan si Mikhail, and it's breaking her heart. Iyon ang bagay na iniiwasan niyang mangyari dito kaya ito ang pinili niya at hindi si Ocean.

Tumango si Mikhail, "Perhaps it's my fault that I'm losing you now. Ako ang nagpumilit na tanggapin mo ang project kahit alam kong magkikita kayong muli. Perhaps I became too confident, hindi ko naisip na naghihintay siya sa pagbabalik mo. And now, things have come to this."

 Mikhail's hand caressed her cheeks, iyon ang lagi nitong ginagawa sa tuwing masama ang loob niya o nahihirapan siya.

"Yes, you loved me, but that love was never enough. Isang tao lang ang kayang mahalin ng puso natin ng lubusan and your heart belongs to Ocean..." sabi pa nito at pinilit na ngumiti between tears.

"Forgive me for not being able to stop myself from crying. Hindi ko 'yun magagawa dahil nasasaktan din ako. Alam kong ayaw mo akong masaktan but there's no other way but to feel this way. I love you, really love you. And loving means sacrifice, so I'm letting you go. Honor my love by being happy. Kaya kailangan mo maging masaya Khloe, be with him, okay?"

Patuloy siya sa pag-iyak, "He's gone now, hindi ko alam kung nasaan siya. He left because I chose to be with you..."

Mikhail patted her head, "You don't need to look for him, love finds its way. Follow your heart, because it knows where to go, it will always lead you home..."   


OCEAN'S POV

Pumasok siya sa loob ng coffeeshop at agad niyang nakita si Mikhail na nauna na at naghihintay sa kanya. Mikhail called him earlier this morning, gusto nitong magkita sila at magusap bago ito bumalik sa Amerika. He refused at first, pero may sinabi ito na nagpabago ng isipan niya. He said it's about Khloe.

Naupo siya sa tapat nito kaya nakuha niya agad ang atensyon nito. They stared at each other for a couple of minutes before he broke the silence.

"Nasaan si Khloe?" tanong niya at sinipat ang relos, alam niyang ilang minuto na lang at kailangan na nitong tumungo sa departure area.

Nagkibit-balikat ito, "She's not here..." sagot nito at tinitigan siya.

Agad ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi nito. Kung wala si Khloe sa airport, nasaan ito? May nangyari ba ditong masama? Agad ang pag-akyat ng panic sa dibdib niya.

"Where is she? May nangyari bang masama sa kanya?"

Sandaling napailing si Mikhail at bahagyang napangiti, "Do you think I'll be here drinking coffee if something's wrong with her?" balik-tanong nito at muling sumeryoso. "Anyway, I don't have much time left so I will make this fast and simple."

Humalikipkip siya, "Kung ganoon ay ano iyon?"

"I have decided to give Khloe what she deserves. I'm giving her her happiness..." he said as he look at him. "She's free..." dugtong nito.

Sandali siyang hindi nakakibo dahil sa narinig at tinitigan ang kaharap. He's trying to see if he's trying to play a trick on him, kung sinusubukan lang ba nito kung ano ang magiging reaksyon niya. But what he saw on his face convinced him. Dahil sa kabila ng pinapakita nitong katapangan sa harap niya, hindi nito maitatago ang sakit na nakikita niya sa mga mata nito. He should know, iyon ang itsura niya sa tuwing humaharap siya sa salamin mula ng lumayo siya kay Khloe.

"I-I don't know what to say..." he was speechless. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Hope starts to fill up his chest. Could it be that he and Khloe can be together finally?

"You don't have to say anything, I don't want to hear you say thank you as well. I don't need any of it. Hindi ko 'to ginagawa para sa'yo kundi para kay Khloe. Because..." he stopped and cleared his throat.

He looked away, "Because I love her. At wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan niya. That's why all you have to do is to make her happy dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang-isip na agawin siya ulit sa'yo."

He had to smile at that, "I'll remember that, so consider me warned," he said with a happy heart. "Where is she?"

Natawa ng pagak si Mikhail, "Nagawa ko na ang dapat kong gawin, it's your job to find her. I have one clue though..." sabi nito at tumayo na, ready to leave.

Tumayo rin siya at muli silang nagtapat, "I'm hoping to be your friend in the future," he said sincerely and offered his hand.

Tinanggap naman iyon ni Mikhail and they shake hands, "Don't forget to invite me on your wedding," nakangiting wika nito at nagbawi ng kamay.

Dinuro nito ang dibdib niya, sa tapat ng puso niya, "Follow your heart, it will lead you home..." sabi nito at tinalikuran na siya.

The Guitarist- HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon