THIRD PERSON'S POV
Kinaumagahan, hindi pa man sumisikat ng tuluyan ang araw ay gising na silang lahat at nasa location na para sa shooting nila. Ibinaba ni Khloe ang hawak na bag at inilibot ang paningin sa paligid nila. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa nakikitang tanawin, "God, it's so beautiful here..." bulong niya sa sarili.
"Khloe!!!"
Napatingin siya sa gawi ni Jazzmin na nasa loob na ng tent nila kung saan naroon ang mga talents at ilang equipments nila. She detected worry in her voice kaya agad niyang binitbit muli ang bag at tumakbo patungo dito.
"Bakit? May problema ba?" agad na tanong niya.
"Oo, malaki. Wala tayong female talent dahil yung napili natin ay bigla na lang nagka-chicken fox. And there's nothing we could do about that kaya pinabalik ko na ng Manila para makapagpagamot..." naiiling na sabi ni Jazzmin at nilingon siya, "So, what are we to do now?" dugtong nito at pabagsak na ibinaba ang hawak na script.
"Hindi natin pwede i-cancel at i-postpone ang production, malaki ang malulugi sa inyo..." komento ni Ocean.
Napatingin si Khloe dito at tumango then she looked at Jazzmin and Raiden na naroon rin dahil inuumpisahan na itong ayusan. Then an idea crossed her mind, isang matamis na ngiti ang ibinigay niya kay Jazzmin. Tila naman naintindihan ni Jazzmin ang ibig sabihin ng ngiti niyang iyon dahil nanlaki ang mata nito at napaatras.
"No, Khloe... hindi ko gusto yang iniisip mo. Absolutely absurd and crazy!" umiiling pa na wika ni Jazzmin at tumingin kay Ocean para sa saklolo.
But Ocean smiled, "I agree with Khloe, Jazz. It's the best option that we have..." sabi nito at kinindatan si Khloe na tila isang conspiration ang nangyayari.
Napatayo si Raiden at hinarap silang lahat, "Are you suggesting that I will work with her?" he said coldly and pointed at Jazzmin.
Tumango si Khloe, "Oo at seryoso ako, hindi biro ang perang mawawala once we postpone the shoot. At hindi ko mapapayagan iyon. So whether you like it or not, si Jazzmin ang magiging partner mo sa music video. End of discussion", she said firmly and walked out.
Napakibit-balikat si Ocean at tinitigan ang dalawa, "Well, the boss had spoken. And guys, trabaho 'to, i-set aside niyo muna ang personal niyong problema. You guys used to work together before sa mga school activities natin. Isipin niyo iyon and maybe you'll find the urge to do this..." sabi niya at iniwan na rin ang dalawa.
Napatingin si Jazzmin kay Raiden na nakatingin rin sa gawi niya. No, he was glaring at her. "Let's get this over with..." masungit na sabi nito at inignora na si Jazzmin. Muli itong bumalik sa kinauupuan kanina at tuluyan na siyang hindi kinibo.
KHLOE'S POV
Lumapit siya sa mga kasama nilang abala sa pag-aayos ng set, "Is everything okay? Wala naman problema?" tanong niya habang pinapanuod ang ginagawa ng mga ito.
"Wala naman po Ms. Khloe, maya-maya lang po pwede na tayong mag-start..." sagot ng isa na ikinangiti niya. "Well, that's good. Oo nga pala, we've made some changes. Si Jazzmin na ang gaganap sa female lead, nagka-sakit kasi yung talent natin..."
Napatango naman ang mga ito, "Okay lang, they look good together..." komento pa ng isa.
Muli siyang napangiti, "Okay, maiwan ko muna kayo..." sabi niya at iniwan na ang mga ito. Tumungo naman siya sa director's tent kung saan naroon naman ang ilang production assistant. Abala siyang nakikipag-usap sa mga ito ng dumating si Ocean bitbit ang dalawang coffee cups.
BINABASA MO ANG
The Guitarist- Heartstrings
Teen FictionKhloe and Ocean. Ocean and Khloe. They were the best of friends. Pero hanggang doon na nga lang ba sila? Khloe did everything to make him happy. Ocean was angry and drove her away. Will their hearts find its home when both of them were broken a...