Chapter Twenty One: Too Late

115 3 0
                                    

OCEAN'S POV


Tumayo siya at nilingon ang direksyon na tinahak ni Khloe, hindi na niya ito matanaw. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, parang dinudurog ang puso niya. Gusto niya itong tawagin at pigilan kanina pero walang boses na lumalabas mula sa kanya. Gusto niya rin itong sundan, pero tila siya ipinako sa kinaroroonan niya. Niyuko niya ang hawak na kahon, humigpit ang pagkakahawak niya doon.

My final gift. A part of my heart that I would like to leave with you...

Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya si Lizelle at naghihintay sa kanya. Nasa sala ito at mag-isang nakaupo roon. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo, "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito.

Tumango siya at muli itong pinaupo, siya man ay naupo rin sa isang single couch. "Ano ba ang paguusapan natin?"

"I just want to say sorry for what I did. I know it's unforgivable, considering the fact that I lied to you. But still, I want to ask for forgiveness. Ayokong maghiwalay tayo ng may samaan ng loob, ayokong pagdating ng araw ay ituturing natin ang isa't-isa na estranghero..." she said sincerely.

Bahagya siyang tumango, "Don't worry, Liz. Napatawad na kita, naintindihan ko ang ginawa mo. And I also want to thank you for everything..."

Bahagyang nakahinga ng maluwag si Lizelle, "Thank you, you are such a good man. And if it's any consolation, naging masaya ako sa mga panahong magkasama tayo. At kung natuturuan lang ang puso, ikaw ang mamahalin ko..."

Ocean smiled a little, "Thank you..." maikling wika niya. Wala na siyang masabi, he felt drained.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago iyon binasag ni Lizelle, "And Ocean, sana ay mapatawad mo na si Khloe. Please know that she only did that to make you happy..." sabi nito at huminga ng malalim. "She loves you, you know. At hanga ako sa pagmamahal na meron siya. Very unselfish. Ni hindi niya inisip ang sarili niyang kaligayahan..." dugtong nito.

"At alam mo ba na hindi rin tayo magtatagal kung sakaling nagpatuloy ang relasyon natin?"

Napatingin siya dito, "How could you say that? I loved you, Liz-"

"No, you liked me. Si Khloe ang talagang mahal mo. I know you're probably going to say no. But hear me, Ocean. You don't look at me the way you look at her. You may care for me, yes. Pero higit ang kay Khloe. Hindi mo siguro napapansin, but you always think about her. Kahit magkasama tayo, there will be moments that you're attention will waver. At pagkatapos ay babanggitin mo siya..."

"Khloe loves teddy bears, ang paborito n'yang ulam ay sinigang na baboy at lahat na luto ng hipon. Her favorite color is green and pink and her favorite scent is vanilla. Mahilig siyang magbasa ng mga romance novels at manuod ng chick flicks and she would even cry a river after. Nasabi mo na rin ang mga bansang gusto niyang puntahan..."

"So you see, it felt like I've known her for a long time now just by listening to your stories about her..." Lizelle smiled. "You remember that time when you saw her with another guy, hindi mo alam kung ano nararamdaman mo nun di'ba? Well that's jealousy. At kung nagkataon na mahal kita, I would have hurt her a hundred times dahil sa panibugho..." she said and laughed.

Napailing si Ocean, hindi niya akalaing nagawa niya iyon. No wonder all his previous girlfriends are jealous of Khloe. Sa katunayan ay ito ang dahilan ng lahat ng break up niya.

Lizelle watched Ocean silently. Sa tingin niya ay nare-realize na nito ang totoo. Ngumiti siya at tahimik na tumayo. Iiwan na niya ito, she knows he needed time alone. Bago tuluyang umalis ay muli niya itong nilingon, "Do not waste any more time, Ocean. Be happy..." sabi niya at tumalikod na.

The Guitarist- HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon