Chapter 20-Ang Walang Hanggang Paalam

146 27 0
                                    




Ang pag-aaral ang nagbukas ng mas maraming pinto sa aking buhay.

Mas marami akong nakilalang tao.

Mga guro na mabait, masungit, mahigpit.

Mga kapwa ko mag-aaral na kaedad ko o di kaya mas bata sa akin ngunit mas marunong na sumulat at bumasa dahil nakapag-aral sila sa tamang edad.

Noong una ay pinagtatawanan ako ng mga nakababatang kaklase ko.

Matanda na pala ako nang tumuntong sa eskuwela.

Tinutukso nila ako dahil isa akong mangmang.

Naiinis ako sa ginagawa nila sa akin kaya hinahamon ko sila ng suntukan.

Mga duwag naman kasi pag inambahan ko ay kumakaripas ng takbo.

May ilan na nakipagkaibigan sa akin.

Pinayuhan nila ako ng huwag pansinin ang mga panunukso.

Tinulungan nila ako na makahabol sa klase.

Sila ang kasama ko kapag oras ng pahinga.

Napatunayan ko ang sinabi ni Stella na kapag nag-aral ka ay mabubuksan ang mga mata mo.

Pakiramdam ko ay noon lang ako nagising sa mga bagay-bagay na matagal ng nakapaligid sa akin.

Dahil marunong na akong sumulat, kakaiba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko sa papel ang mga pangalan ng mga pangkaraniwang bagay.

Noong matutunan ko na ang alpabeto ay sinulat ko ang pangalan ng mga gamit sa loob ng bahay.

Kahit mahirap pagsabayin ang pag-aaral at paninilbihan kina Doña Alba ay nagtiyaga ako.

Ang aking ama na noong umpisa ay tutol na mag-aral ako ang siya pang mas mahigpit.

Kapag tinatamad akong gawin ang mga aralin ay pinagsasabihan niya ako.

Ginusto ko ang mag-aral kaya dapat kong panindigan.

Ayaw niyang mapahiya kina Doña Alba lalo na at ito ang nakipag-usap sa namamahala sa eskuwelahan na makapasok ako.

Ang dangal naming mga De Los Reyes ang nakataya. Sabi ni Tatay.

Huwag kong sayangin ang oportunidad.

Kahit pagal ang katawan at hirap na akong mag-isip ay pinipilit kong tapusin ang mga aralin.

Si Nanay naman ay patuloy akong inalagaan.

Dahil nagtatrabaho ako kina Doña Alba, hindi niya na ako inoobliga na tumulong sa mga gawaing bahay.

Ngunit kapag kaya ko naman ay ako na mismo ang nagkukusa.

Nakakaawa din kasi si Celeste.

Maghapon siya sa bahay at nag-aalaga sa mga kapatid namin.

Mula ng pumasok ako ay parang may kakaibang saya sa si Nanay.

Pinagmamalaki niya ako sa mga kapitbahay namin at lagi akong kinukuwento sa mga ito.

Ang mga kapatid ko naman ay nakikisali kapag nakikita nila akong nag-aaral.

Nakapalibot sila sa akin sa sahig at nagtatanong kung ano ang ginagawa ko.

Tinuturan ko silang sumulat para na din malibang at iwasan ang pangungulit sa akin.

Si Celeste ang pinakainteresado sa lahat.

Gusto niya din mag-aral.

Kapag kinukuwento ko ang mga nangyari sa eskuwela ay kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya.

UNA ROSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon