Chapter 28-Bagong Mukha

143 25 2
                                    







Dalawang linggo matapos pumanaw si Doña Alba ay kinausap ako ni Don Marcelo.

Hinabilin pala ako sa kanya ng donya.

Sinabi nito na patuloy niyang itaguyod ang negosyo na sinimulan namin.

Bilang paggalang sa yumaong asawa ay mananatili ang kasunduan namin.

Mahal na mahal niya ang donya at ang hardin ng mga rosas ang isa sa mga naiwan nitong ala-ala.

Katulad nang nangyari kay Stella, nahirapan akong harapin ang pangyayari.

Ngunit kailangang maging matatag at huwag magpatalo sa dalamhati.

Si Doña Alba ang gumabay sa akin mula ng alagaan ko ang hardin.

Tinuruan niya ako kung ano ang gagawin.

Ang mga pangaral niya lalo na kapag may kinalaman sa paglilingkod ay isinapuso ko.

Sa kanya ko na natutunan na oo nga at mabuti ang tumutulong ngunit dapat ay pahalagahan mo din at alamin ang halaga ng iyong kaalaman.

Lalo kong naintindihan kung bakit nakadama ng pagkaimbot ang ibang mga kasambahay.

Nasusungitan kasi sila ng donya.

Nangyayari iyon kung may nagawa silang pagkakamali.

Hindi ko iyon naranasan kay Doña Alba.

Mabait siya sa akin at lagi niya akong kinakausap nang maayos.

Tulad nang ginawa ko noong pumanaw si Stella, binuhos ko ang oras sa pag-aaral at pagbabantay sa Una Rosa.

Malaking bahagi si Doña Alba sa tagumpay na tinamasa ko.

Ngayong wala na siya ay lalo kong pagbubutihan ang ginagawa ko upang patuloy na lumago ang negosyong iniwan niya sa akin.

Nakatulong ng malaki ang mga tao na nakakasalamuha ko sa tindahan.

Ang iba sa kanila ay naging kaibigan ko na din.

Likas sa akin ang pagiging mabait sa mga tao.

Hindi ko pinapatulan ang mga mamimili na kung hindi binabarat ang presyo ay may nasasabing hindi maganda tungkol sa mga rosas.

Alam ko ang kalidad ng mga bulaklak na tinitinda ko.

Batid ko din na gusto nilang makamura kaya nila ginagawa ang magsungit.

Isang hapon habang wala masyadong tao sa tindahan ay bumukas ang pinto.

Nakatalikod ako at winawalisan ang sahig nang marinig ko ang pag-ingit nito.

Binitawan ko ang hawak na walis tambo.

Pagharap ay natigilan ako.

Nakatayo sa tapat ko ang isang babae na noon ko lang nakita.

Maraming tao ang dumarating sa tindahan na sa tingin ko ay hindi galing sa lugar namin.

Isa siya sa mga taong iyon.

Maganda siya, mestiza.

Mamahalin ang suot kung ang pagbabasehan ay ang tela at ang moda.

Kahit hindi ko hawakan ay mukhang malambot ang makulay na bestida.

Masusi siyang nakatingin sa tindahan at sa mga paninda.

"Magandang hapon. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Magandang hapon din sa'yo." Noon lang siya ngumiti.

Maputi, makinis at mamula-mula ang kanyang kutis.

UNA ROSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon