Chapter 40-Llama Vieja

138 25 2
                                    




Ang pagsasama namin ni Diego ay hindi masaya.

Nabalot ang isip at puso ko ng pagdududa tungkol sa lalakeng pinakasalan ko.

Ang kawalan ng tiwala ang naging daan upang lalo akong mag-ingat sa aming pagsasama.

Ito din ang dahilan kung bakit pati ang pagkakaibigan na nabuo sa amin noong nanliligaw pa lang siya ay nawala.

Nadismaya ako sa mga bagay na aking matutuklasan at mararanasan.

Umpisa pa lang ay hindi na siya naging matapat sa akin.

Lingid sa kaalaman ko ang mga plano niya tungkol sa Una Rosa.

Kinausap niya si Don Marcelo tungkol sa negosyo at wala akong kaalam-alam sa mangyayari.

Higit pa sa negosyo ang turing ko sa tindahan.

Dito ko binuhos ang buong buhay ko at panahon.

Sa paghahalaman ko nakilala at napalago ang aking sarili.

Sa tulong ni Doña Alba ay natuklasan ko ang mga bagay na kaya kong gawin.

Doon ko napatunayan na kaya ko palang magpatakbo ng negosyo.

Kapag pinagsama pala ang sipag, tiyaga, pananalig sa Diyos at tiwala sa sarilI ay makakamit mo ang gusto mong mangyari.

Ngunit sa isang iglap ay maaaring maglaho ang lahat.

Nagdesisyon si Diego nang hindi sinasangguni sa akin ang mga balak niya.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya kay Don Marcelo upang pumayag ito.

Nangako siya sa yumaong asawa.

Bakit siya pumayag sa gusto ni Diego kahit noon niya lang ito nakilala?

Labis akong nabagabag sa nangyari.

Para sa akin, hindi lang ang negosyo ang inalis ni Diego kundi pati ang kalayaan ko.

Pinagsisihan ko na pumayag na makasal sa kanya.

Ang buong akala ko ay mapabubuti ang buhay ko sa piling niya.

Ngunit hindi sapat ang isang taon upang makilala mo ang isang tao.

Napatunayan ko iyan nang bumukod ako sa aking pamilya at pumisan kami sa mga magulang niya.

Walang mabuting salita na sinabi sa akin ang mama ni Diego.

Malimit niya akong kutyain dahil galing ako sa hirap.

Nang minsang kumakain kami ng hapunan ay nagbiro siya na puwede na nilang paalisin ang mga kasambahay dahil puwede ako na ang gumawa ng mga trabaho nila.

Ang maganda pa ay hindi na nila ako kailangang bigyan ng sahod.

Nagtawanan pa ang mag-ina.

Tahimik lang ang biyenan kong lalake ngunit nang tumingin sa puwesto ko ay napansin ko na nahihiya siya sa tinuran ng asawa.

Hayagan akong sinabihan ng biyenan kong babae na hindi nababagay ang mga dala kong damit sa tulad nila na may kaya sa buhay.

Hampaslupa ang ginamit niyang salita.

Daig ko pa ang nasampal nang marinig ko iyon.

Mahirap kami ngunit marangal ang aking pamilya.

Inutusan niya si Diego na isama ako para makapamili ng bagong damit.

Nakakahiya kapag nakita ako ng mga amiga niya.

Baka isipin ng mga ito na busabos ang napangasawa ng anak niya.

UNA ROSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon