Chapter 11

240 5 0
                                    

Matapos ang aking pagkapanalo sa contest ay naging masaya ang section namin.Sobra akong napagod nung araw iyon,pagkatapos kasi ng concert nila Kuya-este ang duet namin ay may catering na naganap,lahat ng mga kaklase ko ay naroroon at kasama narin sila Kuya.Karamihan sa kaklase kong babae ay kinikilig dahil nakasabay nilang kumain ang GMPB's band.Psh.

At ngayon ay may dalawang araw kaming mag babakasyon sa tagaytay-doon namin napagpasyahan na mag bakasyon dahil may kakilala kami roon ni Kuya, actually nandon ang pinsan namin nakatira kaya pumayag nalang ang ibang kaklase ko para hindi masyadong mahal ang pag rerent ng rooms.

Nandito ako ngayon sa kwarto at nag aayos na dahil maya-maya ay may susundo na sa amin.Naka suot akong ng white na crop top na pinatungan ko ng black na blazer,at naka short na syakto lang ang iksi.Sinuri ko ang aking sarili sa salamin at ng satisfied na ako ay bumaba na at ni lock ang aking kwarto.

Nasa hagdan na ako ay syakto rin palabas si Kuya,yes you heard right,sasama sila dahil iyon ay kasama sa price,wow ang swerte naman ng mga kaklase ko at makakasama nila ang banda sa dalawang araw.

"Akin nayan".sabi ni kuya at inagaw sa akin ang kyut kong malita,hindi naman mabigat pero inagaw niya eh,ano pang magagawa ko.Nakababa na kami ng nagsalita ulit si Kuya.Ang daldal naman ng kumag na ito.

"Congrats pala". Sabi niya,kaya ngumiti lang ako.
"Marami ba kayong sasama".

"Hindi naman,sa tingin ko ay kalahati lang ang sasama sa amin,dahil karamihan sa kanila ay hindi pinayagan at busy narin". Agarang sagot ko dito,tumango lang ito at may nag busina sa labas ng bahay kaya nagpaalam na kami sa parents namin.

"Ma,Pa aalis napo kami". Paalam ko rito ay yumakap sa kanila,ganon din ang ginawa ni kuya sa kanila.

"Aeron,bantayan mo ang kapatid mo ha". Sabi ni Papa kay Kuya.

"I will Pa".Niyakap pa namin ulit ang isat isa bago kami pumunta sa van at pumasok.Pinag gigitnaan ako ngayon ni Kuya at Drake tapos sa likod namin ay sa gitna rin ni Kuya Tup at Justin si Pat. Ayyie alam kong kinikilig ngayon si Pat kasi katabi niya si bebe Tup niya.Presente naman nakaupo sa likod nina Pat si Kuya Bright na ngayon ay nakatulog na.Sa front seat naman si Kuya Lucas at si kuya Zayn naman ang nag da-drive.

Nababagot ako kaya kinuha ko sa bag ko ang earphones ko at pumili ng kanta sa akin phone-syempre alangan naman sa paa ko piliin ang mga kanta.attitude ka girl? Hindi, joke lang iyon.

Alam kong malayo pa ang pupuntahan namin kaya ay napagpasyahan ko na umidlip muna kahit saglit lang.Tumingin ako kay Drake na ngayon ay nakasandal sa bintana,baka iidlip rin,tumingin naman ako kay Kuya,na nakatanaw lang sa bintana,may iniisip siguro ito.Kaya ang ginawa ko ay kinalabit ito.

"K-kuya,inaantok ako gisingin mo nalang ako pag malapit na tayo". Sabi ko.

"Rest here". Sabi niya at tinapik pa ang kanyang balikat kaya napangiti ako.ang sweet kasi niya,simula ng bata pa kami ay palagi niya akong iniingatan,ni ayaw niya akong masaktan,magasgasan,napaka protective niya sobrang swerte ng magiging mapapangasawa niya.

Nakasandal na ako ngayon sa balikat ni Kuya at ipinikit ang aking mga mata.

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko,nilibot ko ang aking paningin para hanapin sila Kuya pero wala akong makita.


Tae asan naba ako? Bakit ang dilim naman dito?.

Nilibot ko pa ang paningin ko Ng may nakita akong lalaking naglalakad,na may kasamang bata na binubuhat at may hawak kamay niya ay isang babae.Sinuri ko pa ng mabuti ang mukha ng lalaki at biglang nagsituluan ang mga luha ko.

KUYA(On-going)Where stories live. Discover now