iv: Barya lang po Sa Umaga

67 1 1
                                    



Hindi totoong sardinas lang

ang may karapatang sumiksik.

Kahit kalahati lang

ng aking katawan ang nakadikit.

Ito na ang may gulong

na kailangan kong ipilit.


Maswerte ako't

kahit hindi maganda ang hangin,

ang paglanghap ko'y umiimik.

     

Ang pananahimik ko dito'y pangalawa.


Ginagawa kong libangan

ang pagmasadan

ang mga taong  sumasakay-bumababa

ng walang kinukumpara.


Samantalang ako,

nabigkas na lahat ng aking pag-iisip,

ang konsensya sa biyahe ng buhay,

kung meron nga ba.


Dinidikdik.


Ang pagod ay nagpapakatas

hindi lang ng pawis

kundi pati ng pagkainip.


Hindi sa kada sakay

kundi sa kung kailan ba pepreno

ang pakikisabay habang nabubuhay.


"Bayad daw."


Hugot ng Pag-asa.

Hindi ito galing

sa aking bulsa.


"Para po."


1,2,3.


Pangatlong biyahe ko na pala.

Binhi (Mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon