ii: Tikim

64 0 0
                                    

#2


Nakakaumay

ang paggising sa realidad

lalo na't gusto mo pang ituloy

ang pagkakahimbing.


Alam mong may alat ang

bawat segundo

dahil sinisikmura ka

ng paklang bumubusog

sa'yong pag-iisip.


Wala ka naring mahugutan

sa'yong mga panaginip.

Miski sa ala-ala'y lahat mapait.


nagpapahapdi ang anghang

sa'yong kalooban

habang iniisa-isa ang mga asim na

nagtatanong kung bakit ka pa nabuhay.


Paulit ulit.

Hinihimay mo

ang nakakaumay,

mapait,

maasim,

maanghang at mapaklang tinik

na kinakayod sa'yo ng daigdig.


Ganyan ang ginagawa mo.

Paulit-ulit.


Ngunit,

sa katotohanan,

nakalimutan mo lang

ang nalasahan mong matamis.

Binhi (Mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon