iii: "Ako ang Pinakamasaya"

76 1 0
                                    

Habang hindi masukat ang labi

sa pagpigil ng luha,

Nararamdaman ko na.


May kamahalan ang lubid

para wakasan ang nakapantitimping buhay.


Dahil sa pagtitipid,

Hindi ko naisip na mas mahal

ang tinapay at kape sa lamay.


Hindi naman siguro ako mumultuhin

ng mga utang sa susunod na buhay .


Nais kong magsaya.


Dahil mapapamura ka na lang bigla

kapag may kasama ka nga't

nararamdaman mo parin mag-isa.


Nais kong ihampas ang sarili

mula sa matarik na gusaling

madalas makarinig

ng mga sigaw kong yamot

mula sa eksena ng pag-ibig

hanggang sa Diyos

na hindi ko tiyak kung

kaya din akong hawakan

pagka't kung ako ang magtitiwala

sa sarili ko'y hindi na lang.


Ako ang pinakamasaya.


Dahil isa akong hipokrita.


Sarkastiko kong sasabihing

gusto ko pang mabuhay talaga.


"Ako ang Pinakamasaya."


Ang mga ito'y huli na.

Binhi (Mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon