i: Lipad

116 1 0
                                    

#1

Ang pag-apak sa lupa

ay ang pinakamagandang imbento.

Nasa lapag ang mga karanasan

kasama ang pag asam na maranasan

kung ano ang pakiramdam sa hangin.

Sa pag buwelo ang simula ng lahat.

dumating man sa pag laglag,

patuloy kong gagawin

ang lengguwahe ng mga gustong kumislap.

Makakasama ko din ang mga bituin

Aabutin ko ang langit kahit mailap

Mga tagumpay na nagsimula din sa pangarap

Binhi (Mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon