Chapter 5

3 0 0
                                        

" Ma'am, Sir here's your table." Iginaya kami ng kanilang staff sa bandang gitna ng restaurant na ito. At talagang naka center kami sa chandelier.

Umupo naman kami doon, binigyan kami nila ng water, wine and some desserts habang naghihintay kami sa kaibigan ni papa, mukhang late sil.

Maya maya pa ay dumating nadin sila. Isang matipuno at seryosong lalaki sa gilid niya ay isang napakagandang babae na sa palagay ko ay ay kaniyang asawa. Naglalakad sila papalapit sa table namin. Ng makalapit na sila ay ngumiti ang ginang at bumeso sa mommy ko at kay dad at ang kaniyang asawa naman ay nakipagkamay sa daddy ko at bumeso rin kay mommy.

Bumaling ang ginang sa akin at ngumiti, ngumiti din ako sa kaniya, pagkatapos ay lumapit siya sa akin at bineso ako sa magkabilang pisngi ko, ganon din ang kaniyang asawa. Parang na iintimidate ako sa kanila.

" Sorry we're late, ang anak ko kasi pinasakit pa ang ulo namin." Hinging paumanhin sa amin ng ginang.

" No, no, no, it's ok kakarating lang din namin." Saad ni mommy sa kanila.

Tumango naman ang ginang at ngumiti. Tumingin ulit siya sa akin. Naiilang ako sa kaniyang titig, hindi ko alam kung bakit ganiyan sa siya akin makatingin.

" You're daughter?" Tanong niya kay mommy.

" Ah yes, this is my daughter Daenerys Mckenzie." Pakilala ni mommy sa akin, ngumiti ang ginang dahil doon.

" Such a nice name iha." Ngiti niya sa akin.

" Thank you po, and nice meeting you po".

" I'm Liena Dela Merced, and this is my husband Ricardo Dela Merced." Saad ni Mrs. Dela Merced sa akin.

" Nice meeting you po Mrs. Dela Merced and Mr. Dela Merced." Ngumiti ako sa kanila.

" Nice meeting you din iha and you can call us tita and tito." Sabi pa niya, nahihiyang tumango na lang ako sa kniya.

Kumakain lang ako dito sa gilid habang nag uusap usap sila about sa business. Tinutusok tusok ko ang steak ng biglang mag tanong si papa sa kanila ni tita Liena kung asan na yung anak nila.

" Papunta na yun dito, may pinuntahan pa daw kasi." Saad ni tita Liena.

Napapansin kung hindi pala salita si tito Ricardo maliban na lang kung tungkol sa business.

" Iha perhaps you know my son?"tanong sa akin tita, naguguluhang tumingin ako sa kaniya dahil dun, nakita niya naman kung ano ang naging reaksyon ko.

" I've heard you two attend the same school." Explain pa ni tita. Pero talagang hindi ko kilala kung sino ang kanilang anak.

Tumawa si mommy." Haha maybe my daughter doesn't know him pa kasi that's her first time studying there." My mother explained on my behalf.

" Oh I see, but maybe you've heard his name? He's such a troublesome person, hindi na ko mabibigla kung maraming nakakakilala sa kaniya." Sabi ni tita Liena.

" Sorry po tita pero wala po talaga akong idea kung sino" nahihiyang sabi ko.

" Haha don't worry iha it's ok."

Habang kumakain tumitingin ako sa labas ng makuha ng isang lalaking kakalabas lang nang sasakyan ang attention ko. Naka dark blue polo siya at naka jeans with white shoes yung buhok niya ay naka push back at merong nakalaglag sa bandang noo niya.

Parang ang familiar ng built at height niya. Ng makapasok na siya ay nanlaki yung dalawang mata ko ng makilala kung sino yun. Sa laki ng lugar na ito at talagang pinagtatagpo talaga kami. Bwesit!! Parang masisira naman ang araw ko. Nabigla ako ng dito siya sa direksyion namin papunta.

Lumapit siya kay tita Liena at bumeso dito at nagtanguan lang sila ni tito Ricardo. Umupo siya sa bakanteng upuan na katapat ko pa talaga!!...pinakilala siya ni tita Liena sa mga magulang ko ngumiti naman siya dito at nakipagkamay kay daddy at bumeso kay mommy, pagkatapos tumingin siya sa direksyion ko, nakita kung nabigla din siya sa presensiya ko.

"Iha this is my son Tyler Dela Merced, and son this Deanerys Mackenzie your tita Angeline and tito Damian daughter." Pagpapakilala sa amin ni tita. Inismiran ko siya pero hindi ko lang ipinahalata baka kasi mag taka sila ni tito at tita pati narin sila ni mommy.

Napipilitang lumahad ako ng kamay sa kaniya at nag pakilala ng may pilit na ngiti sa mga labi. Tinaasan niya naman ako ng kilay at parang hindi pa tatanggapin yung nakalahad kung kamay. Sinenyasan ko siyang tanggapin yun para hindi magtaka ang mga magulang namin na hindi kami in good terms.

Bumuntong hininga muna siya bago tanggapin yung kamay ko... Ang lambot naman ng kamay niya at ang lamig.

Pinagpatuloy ng mga magulang namin ang kanilang pinaguusapan, samantalang kaming dalawa naman ay hindi nagpapansinan at abala lang sa pagkain.

" How about were going to tell them now that were all here." Saad ni tita Liena, kumunot naman ang noo ko dahil dun.

" Now? Isn't it to early for them to know about it?" Si mommy.

" Early or not they will find it soon, so it is much better." Sabi pa ni tita. Sumangayon naman si mommy pati narin si daddy at ang daddy ng abnoy na to.

Nagtaka kaming dalawa ng mapatingin silang lahat sa amin. Nagsalita si mommy.

" Daenerys anak your tita and I had an agreement before. If I told you what it is don't panick and wag kang mabibigla ha." Malumanay na sabi ni mommy sa akin. Tumango naman ako kahit na walang ka ideya ideya kung ano yun.

" Yes mom." Maikling sabi ko.

Lumapit sa amin ang waitress at nilagyan kaming lahat ng wine. Kinuha ko ang akin at ininom iyon habang nagsimulang magsalita si mommy.

" You know, we've agreed that you and lucas will be engage to each other and will marrys soon. So for now Tyler is your fiance." Bigla kung nabuga yung iniinom ko, salpok sa mukha ni Lucas.

"F*ck!" Mura niya at napatayo sa kaniyag upuan. Pinagalitan siya ng kaniyang ina dahil sa asta niya. Tinignan niya ako ng masama at kumuha ng tissue pamunas sa kaniyang dibdib na natapunan ko.

Kung nakakamatay lang ang tingin siguro nakahandusay na ako dito sa sama ng tingin sa akin ng ulupong.

" What?!" Sigaw ko.

" Honey, don't shout. Matagal na namin ito napag usapan ni tita Liena mo bata pa lang kayo pingkasundo na namin kayong dalawa." Mommy explain.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na sa murang edad kung to ay may fiance na ako, at talagang sa mokong pa to. Parang hindi ko ma tanggap.

Nagkatinginan kaming dalawa ng nanlalaking mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling To YouWhere stories live. Discover now