" Good morning class." Bigla kaming napatayo sa tinig na yun.
" Good morning ma'am--" hindi namin na tapos yung pagbati dahil hindi namin alam kung ano yung name ng teacher namin ngayon.
" Ok as of now I'm gladly to introduce
myself to all of you. I'm Cassandra Gomez you're homeroom teacher." Sabay sabay kaming bumati kay ma'am Gomez pagkatapos niyang magpakilala sa amin.Ang bata pang tignan ni ma'am Cassandra. Ang ganda pa ng hugis ng katawan niya at sa tingin ko mga 26 or 27 pa yung edad niya. No wonder na ang mga kaklase kung boys ay grabe maka tingin kay ma'am...ang lagkit.
" I am your English Literature teacher, and i expect you to cooperate in my subject." Seryosong saad pa ni ma'am Gomez. Sumang ayon naman kami.
Maganda naman ang daloy ng first class namin, halos lahat naman ay introduce yourself at mga likes and dislikes ang nagawa namin buong klase, hangang sa mag ring na ang bell. And that is recess time.
Lahat ng mga estudiyante ay nagkasiksikan papasok ng canteen, kala mo naman mauubasan sila ng bilihin diyan e ang dami dami.
" Beshy pasok tayo, ano gusto mong bilhin?" Tanong sa akin ni Kayleigh habang nagsisiksihan din kami sa mga student dito.
Ewan ko ba at bakit sila parang nagmamadali sa pagbili. Siguro ganyan lang talaga dahil unang araw ng pasukan ngayon. O talagang gutom lang silang lahat.
" Ewan ko." Maikling sagot ko sa kaniya. Bigla niya akong hinila papasok sa loob ng canteen namin, nagpatinaod naman ako sa hila niya.
-------------------
Satsat ng satsat dito si Kayleigh sa tabi ko dahil na apakan yung bago niyang shoes sa loob ng canteen. Eh kasalanan niya naman yun, siya itong nagpumilit na sumiksik sa loob at pagkatapos mag rereklamo siya dito kahit na aware naman siyang maraming tao dun.
"Kyahhh~~~yung shoes ko huhuhu." Nag bend siya at inayos yung sapatos niya. Napailing na lang ako sa kaartehan nitong kaibigan ko.
" Yan kasi sumiksik kapa dun." Tinignan niya naman ako ng masama dahil sa sinabi ko.
"What?!" Tanong ko sa kaniya ng hindi pa niya inaalis yung masamang tingin niya sa akin.
Inismiran niya ako.
" Ang bait mo talaga besh." Naka ngusong sabi niya sa akin.
" Eh sa totoo naman. Ano bang nirereklamo mo diyan marami ka naman niyan." Saad ko.
" Hindi naman yan ang issue dito besh eh." Parang batang reklamo niya sa akin.
" Oh e ano?" Nakataas kilay kung tanong sa kaniya.
" Kasi beshy bago to BAGO. huhu nanggaling patong london pasalabong sa akin ni dad galing business trip." Nagpapadyak niyang saad sa akin.
Binalewala ko na lang yung tantrums niya about sa kaniyang sapatos.
Nagsimula na akong maglakad papuntang quadrangle dahil meron doong mga benches at umbrellas. Sumunod naman siya sa akin at hindi pa talaga natatapos yung tantrums niya. Knowing Kayleigh hindi yan agad agad tumitigil, especially she likes different kind of shoes and sandals.
As I was sight seeing the views Infront of me, Kayleigh suddenly stop and I got confused why? Tumingin ako sa kaniya ng nagtatanong na mga mata.
Nakita ko siyang parang may tinitignan sa malayo na akala mo nakakita ng diyamante sa ningning ng kaniyang mga mata.
Siniko ko siya at nagtanong." Hoy anyare sayo diyan at bigla bigla kang napahinto?" Hindi niya ako pinansin. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya, baka naman na sapian nato ng masamang espiritu.

YOU ARE READING
Falling To You
Novela JuvenilDahil sa nangyari kay Daenerys sa kaniyang ex ay grabe yung sakit na dinaranas niya lalong lalo na kung yung mahal mo ay harap harapan kang niloloko. Kaya nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki dahil para sa kaniya mga manloloko ito, kaya hindi na...