Kinaumagahan nagising na lng ako na nandito sa loob ng aking kwarto ng biglang pumasok ulit sa aking isip ang nang yari ilang araw na ang nakalipas, hindi ko nga alam kung bakit paulit ulit itong sumasagi sa isipan ko na pilit ko namang kinakalimutan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kalimutan ang lalaking yon? e hindi ko naman yun kilala, dapat nga yung ex ko yung iniisip ko ngayon dahil nagkita kaming dalawa ulit... Habang nagmumuni muni ako dito biglang tumunog naman yung cellphone ko at nang makita kung sino ito ay sinagot ko naman ka agad.
"Hello?"sagot ko.
"Good morning beshy...asan ka?"tanong pa ni Kayleigh.siya yung tumatawag sa akin.
"Sa bahay bakit?"balik kung tanong
"Ang aga aga parang badtrip ka naman."sabi pa niya.
"Hindi naman...anong kailangan mo?"
"Grabe pag tumawag ba may kailangan agad, hindi pwedeng kinakamusta ka lang?"
"Wag ako besh..kamusta ka diyan, ano nga?"
"May gagawin ka?"tanong niya.
"Wala bakit?".
"Nice, samahan mo ako"nasisiyahang saad niya...saan naman kaya pupunta tong baliw to.
"Huh saan?"tanong ko pa.
"Mag shopping at pupunta tayo sa party nang kaibigan ko"sabi niya.
"Sinong kaibigan?"
"Si Gavin, nanggaling kasi siya sa states at umuwi dito that's why he's throwing a party for his comeback kaya sumama ka sakin ipapakilala kita sa kaniya." Ito naman nag tanong lang ako kung sino ang haba na ng sagot niya.
"Pass muna ako"tanggi ko sa kaniya, hindi kasi ako sanay na umattend ng mga party sa hindi ko kakilala.
"At bakit?"tanong niya sa sagot ko.
"Nahihiya kasi ako at isa pa hindi ako sanay at alam mo din yan"sagot ko pa. Tumahimik naman sandili sa kabilang linya siguradong pinandidilatan niya ako ngayon.
"Wag kang mag alala kilala ko naman e at wag ako besh ikaw mahihiya? e walang hiya kadin naman e" napaikot ko na lang yung mga mata ko sa sinabi niya...ako pa talaga ang walang hiya...
"Bahala ka diyan."sabi ko at bababaan na sana siya pero nagsalita siya ulit.
"Sige na besh, hindi naman kita pababayaan e, kung hindi ka sasama malulungkot talaga ako"pangguiguilty niya pa sa akin..haysss ma pilit talaga, wala na akong magawa kung hindi umoo na lang nagdadrama na kasi e.
"Hayy naku oo na nga" walang magawang saad ko.narinig ko pa yung yes niya sa kabilang linya.
"Ok mag ready kana diyan dahil pupuntahan na kita." Sabi niya at pinatay ko naman yung tawag at pumasok na sa banyo upang makapagligo, at pagkatapos nag bihis na rin ako simpleng jeans lang at fitted shirt yung sinuot ko, bumaba na ako nang marinig ko ang busina sa labas ng aming bahay.
Nang makalabas na ako sa aming gate ay bumungad ka agad sa akin ang sasakyan ng aking kaibigan, ang yaman kasi nila kaya siya nakasasakyan agad..buti pa siya pinayagang mag drive ng sasakyan...may sasakyan din kami kaso nga lang wla pa akong sariling sasakyan kasi hindi ako pinayagan ng mga magulang ko pag grumaduate lang daw ako huhuhu....
Ng makalapit na ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng sasakyan ay bumungad agad sa akin yung amoy sa loob nito, ito talaga yung nagugustuhan ko pag sumasakay sa sasakyan niya kasi gusto ko ang amoy dito ang bango para siyang candy kung amoyin ewan ko ba kung ano ang nilalagay niya dito. Tumingin naman ako ka agad sa kaniya ng magsimula na siyang magsalita habang nagdadrive.

YOU ARE READING
Falling To You
Novela JuvenilDahil sa nangyari kay Daenerys sa kaniyang ex ay grabe yung sakit na dinaranas niya lalong lalo na kung yung mahal mo ay harap harapan kang niloloko. Kaya nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki dahil para sa kaniya mga manloloko ito, kaya hindi na...